Chapter 34: Dare to Care

51 7 0
                                    





Marahil sa sobrang bigat ng kaloobang ibinigay sa akin ng pagkakataon kahapon ay hindi ko na namalayang nakatulog agad ako matapos kong maligo. Ni hindi ko na nga rin namalayang umalis na pala si Joey. Ilang minuto pa akong nanatili sa kama, buhay na buhay na ang diwa ko at sapat na iyon upang magbalik sa isip ko ang mga nangyari kahapon, muli ay hindi ko na naman napigilan maluha, baliw na yata ako, dahil ako mismo ay hindi mawari kung bakit at para saan ang mga luhang ito. Mariin kong pinunasan gamit ang mga sarili kong daliri ang magkabila kong mga mata sabay hinga ng malalim bago tuluyan iniangat ang sarili mula sa pagkakahiga. Nag-ayos lang ako ng sarili sandali at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto ko.

Tumungo ako ng kusina upang uminom ng tubig at doon ay inabutan ko si Franco na abalang abala sa pagprepara ng pagkain na nilalagay niya sa mga plastic container. Bago pa man ako makapagtanong ay napatingin na ito sa direksiyon ng kinatatayuan ko. "O Maine gising ka na pala." Bati niya, panandalian nitong itinigil ang ginagawa at lumapit sa akin sabay hinagkan ako sa noo. "Okay ka na ba? Papasok ka ba ngayon?" Tanong nito.



Hindi ko pinansin ang tanong niya bagkus ay ako ang gumanti ng tanong dito. "A-aalis ka?"



"Oo eh pasensiya na biglaan, sasabihin ko sana kagabi sa'yo kaso magulo nga isip mo, may dadaluhan kaming debut ni Riz sa laguna mukhang mapapa-overnight na rin kami doon." Paliwanag nito.



Pinagpatuloy ko ang pagkuha ng tubig na siyang una kong sadya sa pagpasok dito sa kusina, may parte sa loob ko na bahagyang nalungkot dahil kailangan ko sa pagkakataong ito ang matalik kong kaibigan subalit kinakailangan niya akong iwan. Bago pa man nito madama ang tampo ko ay binigyan ko na ito ng reaksiyon na "Aahhh" pero walang boses habang tumatango.



Pinulupot ni Franco ang kaliwa niyang braso sa leeg ko patungong kabilang bahagi ng balikat ko sabay sandal ng sarili niyang ulo sa ulo ko. "Hay Menggay! Okay lang yan." Anito. Agad din naman niya winakasan ang ganoong posisyon namin at may inilapag sa harap ko na tila packed lunch. "Here! Pinagbalot kita, baunin mo yan sa work if ever papasok ka today."



"Thank you!" Simpleng sagot ko sabay halik sa pisngi nito.



Nagpasya na akong iwan si Franco upang maipagpatuloy na nito ang ginagawa at ako nama'y makapaghanda na sa pagpasok ko sa trabaho. Matapos makaligo ay tila naginhawaan na ang katawan at pagiisip ko, binalak ko sanang itext si Chard subalit nagalinlangan ako, nagpasya akong hintayin na lamang kung sakaling ito ang maunang magtext ay hindi na ako magiinarte pa sapagkat kailangan talaga namin bigyan linaw ang malabong sitwasyon naming dalawa.

Matapos makapag-ayos ay muli na akong bumaba, tamang-tama naman ay nakasalubong ko ang maid na wari'y paakyat na ng hagdan. "Ate Maine almusal na daw po." Tumango lang ako dito bilang pagtugon at tumungo na sa breakfast table sa may garden.



"Hi dad! Good morning!" Pagbati ko kay daddy ng maabutan ko ito sa table, nagbabasa ng newspaper at nagkakape. Niyakap ko muna ito mula sa likuran niya bago tuluyang umupo para makapag-almusal.



"Morning sa aking beloved angel." Ibinaba na nito ang binabasang dyaryo at humigop sandali sa kanyang kape. "Excuse me Maine, I hate to leave you but I need to go." Sanay na ako sa busy life ni dad ever since na makilala ko si Franco kaya naman nagbeso na lang ako dito bilang pamamaalam.



Ilang sandali lang si Franco naman ang naupo sa may table, bakas sa mukha nito ang tila pagkadismaya. "O! Nandito ka pa? Akala ko may lakad kayo ni Riz?" Tanong ko dito.



Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon