Chapter 3: The Bestfriend

168 20 4
                                    

Riz  P. O. V.

"Okay! Class dismiss." Pagpapaalam ng professor namin.

Hay! Hindi ko malaman ano meron sa NatSci na 'to at stress na stress ako sa subject na ito. Marahil sa prof naming tulog noong magturo ang langit kung paano ngumiti. Kakaloka!

Napansin ko yung isang kaklase namin, si Franco Nepumoceno. Kanina pa siya lutang buong klase namin, buti na lang hindi siya napansin ni Prof Rodriguez kung hindi ipapahiya siya nito. Higher batch siya pero may dalawang subject siya na kinukuha sa block namin. Kaklase din siya ni ate Trish, girlfriend ng kapatid ko. Sila kasi talaga ang magka batch. Friend ko naman siya kahit papaano, hindi nga lang ganoon ka-close dahil may bestfriend talaga siya na madalas niyang kasama.

Nilapitan ko ito at mula sa kanyang likuran hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Huy! Okay ka lang?" Pumwesto na ako sa upuan sa harap niya.

Napangiti ito. "Ikaw pala Riz, bakit mo naman natanong?"

"Wala parang kanina pa kasi ang lalim ng iniisip mo." Sabi ko.

"Ganon ba ako ka-obvious?" Tanong niya. Napatango lang ako.

"Wala 'to."

Hindi niya ako nakumbinse sa sinabi niya. "Your mouth doesn't match with what your face is trying to say." Taas kilay kong sabi rito. "Alam kong may bestfriend ka na makakaramay mo, pero hindi naman din siguro masama na minsan lumabas ka din sa comfort zone mo." Now I'm sounded like pakialamera.

Muli itong napangiti ngunit kitang kita na pilit lang. "Actually siya nga dahilan eh" ako tuloy nagulat sa sinabi niya.

"So nagkatampuhan kayo? Natural lang yon sa magkaibigan" pag cheer up ko dito.

"Hindi ganun yun eh, pinagtapat ko kung gaano ko siya ka mahal higit pa sa isang bestfriend." Nakita kong nangingilid na ang luha niya.

"I see--" hindi ko na natuloy ang sasabihin sapagkat dumating na ang sumunod naming prof. Dali dali niyang inayos ang sarili at tumayo bitbit ang binder na tangi niyang dala, dahil hindi naman na niya subject itong susunod na klase namin. Ako nama'y bumalik na rin sa upuan ko. Ngunit hindi ako mapakali, tumayo ako. "Miss excuse me" paalam ko sa prof habang nagmamadaling lamabas para habulin si Franco.

"Franco!" Hindi pa ito gaano nakakalayo kaya lumingon siya at sinalubong ako. "Uhmm I don't think this is the right place." Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya. "Pasyal ka sa bahay bukas ng gabi. 6pm sharp. Pagusapan natin yan." Iniwanan ko siya ng ngiti at tumalikod na pabalik sa classroom ko.

Kalmado lang ako buong klase namin, tutok ako sa discussion at hindi ko inisip yung tungkol kay Franco. Siguro kasi para sa'akin napaka ordinaryo na lang ng sitwasyon niya o nang kanyang love life. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa opposite gender mo na sobrang close mo, na halos araw araw yun ang kasama mo? Kahit sa TV o pelikula gamit na gamit na ang mga ganyang storya. Sadya lang talagang ramdam ko na kailangan ni Franco ng makakausap tungkol sa sitwasyon niya kaya nagmagandang loob ako.

"Dismiss. You may go now." Nagpaalam na rin itong last professor namin sa araw na ito.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa bahay ng tumunog ang cellphone ko.

Unknown number:
Good eve! Is this Rizza? Got your number from Trish, by the way it's Franco.

Me:
Riz n lang. Yup! Aq 'to

Nakarating na ko sa bahay. Kabubukas ko lang ng pinto ng maka-receive ako muli ng text.

Unknown number:
Check q lang sana kung seryoso k kanina.

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon