Chapter 14: Alone

50 12 1
                                    




Chard's P.O.V.



Masyado ko na yatang naiistorbo si Maine kaya ng tangkain ko itong yayain ay tumanggi ito. Ang gaan kasi talaga ng loob ko sa babaeng yun, iba siya makisama siguro marahil lalaki rin ang bestfriend niya kaya ganoon, walang arte sa katawan, hinahayaan kang magkwento at makikinig lang ito, hindi tulad ng iba na pabida sa kwentuhan. Natutuwa talaga ako sa kanya.

Tinangka ko muli itong abangan sa school ground kung saan ko siya madalas mamataan upang isabay na pauwi, matagal tagal din akong nag-abang at hindi kalaunan ay dumidilim na, sa sobrang pagkainip nagtanong tanong ako sa ibang mga estudyante kung anong floor at building ba usually ang business ad. May klase, agad ko itong inakyat.

Sa 3rd floor ang dami kong nakasalubong na estudyanteng naglalabasan mula sa isang room tila katatapos lang ng klase ng mga ito, tamang tama naman nakita ko si Maine at isa ito sa mga huling lumabas mula sa silid na iyon, busy ito sa pagtetext, papalapit na sana ako ng tumalikod ito at bigla na lamang niyakap ang isang lalaking may dala ng stick ng Fishballs kung hindi ako nagkakamali yun din ang kaibigan ng kapatid ko, si Franco. Hindi ko na itinuloy pa ang paglapit sa mga ito at agad na tumalikod papalayo bago pa nila ako makita.

Ano bang ginagawa mo Richard?Nasabi ko sa sarili.

Minabuti ko na umuwi at wala naman na akong ibang pupuntahan.

Matapos namin kumain ng dinner ni Riz, tulad ng daily routine ko niligpit at hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin dalawa, nang matapos na lahat ng kailangan kong gawin agad kong kinuha ang telepono at tumawag kanila Trish.

"Hello?" Sabi ng sumagot na babae.



"Hello good evening, pwede ho bang makisuyo kay T---" Napaisip ako bigla.



"Sorry kanino yon?" Sabi ng nasa kabilang linya.



"Sorry kay Maine po?" Sagot ko rito.



"Ay wala siya, doon mo na lang contact-in sa cellphone niya hindi kasi yun dito uuwi ngayon." Sabi nito.



"Ganon ba? Wala kasi akong number niya, anyway paki inform na lang po napatawag si Chard."



"O-okay, yun lang ba?" Tanong nito.



"Opo. Salamat." Tuluyan ko na ngang ibinaba ang phone.



Napaisip ako. Hindi siya uuwi? Hindi kaya doon siya matutulog kanila Franco dahil ito ang nakita kong huli niyang kasama?




"Kuya si mommy." Ipinatong ni Riz ang hawak na iPad sa center table ng sala. Kinausap namin ito pareho.

Matagal din kaming nagkwentuhan tatlo, nabanggit ni mommy na may parating siyang package at meron doon para kay Trish, sa kadaldalan ng kapatid ko sinabi nito ang nangyari sa amin ng ate niya, kinuwento ko na rin ang buong pangyayari kay mommy.

Matapos makipagusap umakyat na ako sa kwarto at nagpahinga.

Kinabukasan pinasukan ko na ang mga klase ko na hindi ko inattendan kahapon ng umaga, may vacant ako na isang oras para sa lunch, kaya naman nagbaka sakali akong muli na puntahan si Maine sa pinagtatrabahuan niya tutal hindi naman ito kalayuan sa university, malayo pa lang nakita ko na itong lumabas sa establishment kasama na naman si Franco at pati ang kapatid kong si Riz. Huminto ako at tulad kahapon ini-U-turn ko na lang ang kotseng minamaneho.

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon