Chapter 31: Inconvenience

43 8 2
                                    




Maine P. O. V.

After 1 week of stay sa Negros ay nakabalik na kami ng Manila, baka kasi pagtumagal pa ako ay wala na akong abutang trabaho sa shop paguwi ko, habang yung iba naman ay aasikasuhin na ang pageenroll for 2nd sem.




Good morning! Rise and Shine;)



Nakatanggap ako ng text mula sa isang unknown number.



Me:
Good am din sayo! Sorry po may I know who's this?



Matapos ang ilang minuto nagvibrate at umilaw ang phone ko, tumatawag si Unknown number.




"Seriously? Hindi mo ako kilala?" Sabi ng nasa kabilang linya.



Pilit kong kinilala ang boses. "Chard??"



"Mismo! Ano nangyari?" Tanong niya. Naalala kong binura ko ang number nito ilang araw matapos ang insidente sa pagitan namin, hindi ko na kasi inaasahan magkakaroon pa kami ng communication dahil siya mismo hindi na nagparamdam.



"Sorry binura ko na ang number mo hindi ko na kasi inexpect magcocommunicate pa tayo." Diretsang sagot ko dito.



"I see.. But now okay na tayo right?"



"Yeah!"



"Good to hear. Don't worry super babawi ako sayo, anyway baka nakakaistorbo na ko, magayos ka na may pasok ka pa yata sa shop."



"Okay bye!"



"Ingat bye!" At binaba na nga nito ang tawag.



Nag-ayos na nga ako ng sarili tulad ng sinabi nito hanggang sa tuluyan na nga akong pumasok sa trabaho. Hindi ko alam paano ipaliliwanag sa manager ko ang naextend kong leave. Isang linggo lang kasi ang ibinibigay nila sa akin, tamang tama lang tuwing exam week. Noong una syempre inabot ko ang sandamakmak na sermon pero naitawid ko naman ang maghapon na maayos.



Kaka-out ko lang sa trabaho ng mapansin ko ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa harap ng shop, may lalaking nakasandal dito.



"Chard?" Paninigurado ko. Lumingon naman ito at presto! Hindi ako nagkamali. "A-anong gin--"



Hindi ko na natapos ang sinasabi pagkat bigla na lang akong sinalubong nito at kinuha ang bodybag sa katawan ko. "Pinasusundo ka ni Franco, nandon sila ngayon sa bahay." Sabi nito. "Maine? Tara! Sakay na." Napalingon ako dito, nabigla siguro ako at napatulala kaya hindi ko na napansin naroon na pala siya sa passenger side at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.



Pagdating sa bahay nila ay una kong nakita si Franco nakaupo sa sofa habang si Riz ay nakahiga at ang ulo nito ay nasa kanlungan ng kaibigan ko, busy yung dalawa sa pinapanood ni hindi man lamang namalayan ng mga na nakatayo na kami ni Chard sa may pintuan at nakatingin sa kanila. Hindi rin naman nagtagal at sa wakas ay napansin rin kami ni Franco.



"O andito na pala kayo?" Sabi ni Franco na siyang nagpakuha rin ng atensiyon ni Riz at tumayo mula sa pagkakahiga nito.



Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon