Chapter 35: The Dream

44 9 2
                                    




Nagpasya akong iwan na muna ang binata, hindi ko na gaano inintindi ang sinabi niya gayong tulog naman ito. Ramdam ko ring kumakalam na ang sikmura ko, hindi pa nga pala ako nakakakain ng tanghalian, agad kong kinuha sa bag ang packed lunch na ihinanda ni Franco para sa akin at mag-isang kumain sa dinning table, binilisan ko lang ang pagkain at agad na hinugasan ang mga pinagkainan namin ni Chard. Muli na akong umakyat upang mabantayan ng maigi ang binata.

Pagkaayat, mahimbing na ang tulog ni Chard, naupo ako sa sahig sa gilid ng kama nito at pinagmasdan ang payapang pagtulog ng binata, may kurot sa dibdib ko kung bakit nangyari sa kanya ito. Ano nga ba kasi ang problema mo Charmaine? Inisa isa kong masdan ang bahagi ng mukha niya, ang kilay, ang mga matang kahit nakapikit ay alam na alam kong mapupungay, ang ilong, ang mga malalambot nitong labi na minsan ng dumampi sa kamay at labi ko at siyempre ang pamatay na dimples na kasalukuyang nagkukubli ngayon. Halos walang maipintas sa taong ito. Bigla kong naramdaman ang init sa magkabilang pisngi ko. Shockz! Am I blushing?

Naramdaman kong may humahaplos sa ulo ko, nakatulog pala ako sa posisyon kong nasa lapag nakaupo at ulo't braso lang ang nasa kama, kinusot ko muna ang mga mata, maging ang paligid ng bibig ko, mabuti na ang sigurado, saka ko sinulyapan si Chard, gising na nga siya nakatagilid ito paharap sa akin, napaatras ako ng bahagya ng ma-realize kong nakatapat ako sa ibabang bahagi ng katawan nito.



"G-gising ka na pala.. K-kamusta pakiramdam mo?" Sabi ko sa namamaos pang boses.



Ngunit hindi ito sumagot, siguro'y hindi pa siya lubusang maayos, napansin ko ring muli nitong ipinikit ang mga mata, inintindi ko na lang at kailangan niya nga talaga ng pahinga. Madilim na rin sa labas, luminga linga ako sa paligid at nakita ko ang orasan mag-a-alas 7 na ng gabi. Muli akong bumaba ng kusina nila at nagsimulang tumingin ng maaaring ipakain kay Chard, naroon pa nga pala ang pagkaing mula kay Franco, okay pa naman ito, kaya ininit ko na lang iyon at nagsaing ng kanin. Muli ko rin siya ipinagtimpla ng gatas na Bear Brand at matapos maihanda ang lahat ay inakyat ko na ito sa kwarto niya.

Nagulat ako nang pagpasok ko sa kwarto ay wala ito doon. Inilapag ko lang saglit sa mesa ang dala kong tray, tangka ko na sana itong hanapin ng marinig ko ang flush mula sa katabing banyo at hindi nagtagal ay iniluwa ng pintuan si Chard mula sa labas. "Chard?!" Abot-abot ang kaba ko ng hindi ko siya na datnan sa higaan kaya ganoon na lang siguro ng bigla ko itong salubungin ng yakap. "Anong nangyari? Bakit ka tumayo?" May pagaalala sa boses ko.



"Naihi lang ako." Hinang-hina nitong sagot.



Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi at muli ko na naman na-realize ang napapatagal ko nang pagkakayakap dito. Pasimple ko itong winakasan at inalalayan na siya papunta sa kama. "Umupo ka na lang muna para makakain ka na." Sabi ko. Inilagay kong muli ang unan sa likod nito at kumportableng pinasandal ito. saka ko sinimulang pakainin, tulad kanina, nakakailang subo pa lamang ito ay umayaw na siya. Pinainom ko ang gatas at gamot.



Maya maya'y tumunog na naman ang landline.



"H-hello? Good evening." Pang unang bungad ko.



"Hello Maine? Riz 'to kamusta na diyan?"



"Ito kakatapos ko lang pakainin at painumin ng gamot kuya mo."



"Great! The program was about to start, medyo male-late kami ni Franco pero uuwi kami promise!"



"O-okay." Yun lang ang nasagot ko sapagkat nagmamadaling ibaba ni Riz ang tawag.


Naramdaman kong muli na namang umiinit ang katawan ni Chard sa lagnat kaya ibinaba ko na muli ang pinagkainan at dali daling kumuha ng ipangpupunas sa kanya, hindi nagtagal ay naroon na ako sa silid niya at pinupunasan na muli ito, pinagpalit ko rin ulit siya ng damit.

Nagsisimula na naman mag-shiver ang katawan niya kaya inabot ko ang remote ng split-type aircon niya at tinaasan ang temperature nito. Hindi pa rin nababawasan ang panginginig niya. Isip Maine! Isip! Sabi ko sa sarili. Isang bagay lang ang sumagi sa isip ko. Body Heat... No! Baka may iba pang-option. Pagkontra ko sa sarili, subalit sa nakikita kong pangangailangan ni Chard ay mukhang wala na akong ibang choice.

Pinagkasya kong maupo sa maliit na ispasyo sa gilid ni Chard at ipinatong ang ulo sa dibdib nito at mariin ko itong hinagkan, maya maya'y naramdaman ko ang nanginginig na kamay nito sa likod ko, gumanti pala ito ng yakap sa akin, tulad ng paghawak ng kamay niya sa akin kanina noong pinupunasan ko siya ay pahigpit rin ng pahigpit ang yakap nito ngayon na siyang halos ikabaon na ng katawan ko sa katawan niya. Nahihirapan man ako sa posisyon ko ngayon sapagkat kalahati lang ng katawan ko ang nakahiga ay hindi ko na ininda pa iyon, importante ay maginhawaan ang pakiramdam ni Chard habang ako nama'y unti unti ring nagiging komportable sa mga bisig niya.



* * * * *



Chard P. O. V.


Nagising ako sapagkat grabe ang pawis sa buo kong katawan, nang silipin ko ang AC ay nasa 30 degrees lang ito, tirik na rin ang araw sa labas, napalingon ako sa katabi ko sa kama, nakapatong pa ang isang paa nito at kamay sa akin.



Tinapik ko ito sa pisngi upang magising. "Riz! Riz!" Umungol lang siya. "Uyy Riz!" Muli kong tapik dito.



Unti-unti nitong minulat ang mga mata niya. "hmm kuya! Gising ka na pala, ka-mus-ta pa-ki-ram-dam mo?" Tanong nito habang nagiinat at humihikab.



"Mabuti buti na." Sagot ko. Inalis ko ang pagkakapatong ng paa nito sa akin sabay tayo at tumungo sa banyo. Habang naghihilamos ay hindi ko napigilan mapatitig sa salamin, kasalukuyan akong nakatitig sa sarili ngunit lumilipad ang isip ko, nagha-hallucinate lang siguro ako kahapon at ang tingin ko kay Riz ay si Maine ito o di nama'y nananaginip lang ako, kung gayon napakagandang panaginip naman, inalagaan ako ng babaeng gustong gusto ko.



"Kuya! C'mon! Breakfast na para makainom ka na ulit ng gamot." Pambubulabog na katok ng kapatid ko mula sa labas ng banyo.



"Oo! Susunod na!" Tinapos ko na ang paghilamos at toothbrush hanggang sa tuluyan ng bumalik sa kwarto ko. Wala na roon si Riz, agad kong naalala ang cellphone ko, hindi na iyon gumana matapos mababad sa ulan noong nakaraang araw, nais ko pa naman sanang kamustahin si Maine, hindi ba siya nagkasakit tulad ko?


Author's note: may ready draft na ako for next chapter ;) abangan abangan! Hihi. Follow me po. Vote. Leave a comment thanks! God'bless!

Twitter/Instagram:
@officiaLEIGH

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon