Chapter 4: Meeting the Girlfriend

131 19 6
                                    


Maine P. O. V.

Ngayon lang ako namoblema ng ganito, nagtapat sa'kin ng nararamdaman ang bestfriend ko, yung lalaking simula pagkabata kasa-kasama ko na. Walang hindi alam sa pagkatao ko, yung taong pinatuloy ako at inampon noong ulilain ako ng mga magulang ko. Nagpumilit sa'kin tumuloy sa college, kahit mas gusto ko na lang magtrabaho upang hindi maging pabigat sa pamilya nila.

Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam ang sasabihin. Pakiramdam ko ang sama sama kong tao kasi hindi ko kayang suklian ang inaalok niyang pag-ibig sa akin. Bakit ba kasi hindi ko iyon napansin sa tuwing magkasama kame, masyado ko ba naibaling ang atensyon ko sa lalaking nakilala ko sa outreach program noon at halos isang taon ko ng sikretong iniibig?

"Okay ka lang?" Napatigil ako sa pag-iyak at lumingon kung saan nanggagaling ang tinig.

Si Tricia pala, 3rd year BS HRM student. Classmate ng bestfriend kong si Franco. Ang babaeng iniibig ng lalaking dahilan kung bakit hindi ko magawang suklian ang pagmamahal ng bestfriend ko.

"Maine right? Okay ka lang ba?" Inulit nito ang tanong niya habang inaabot ang isang panyo. Tumango lang ako, pero hindi maiwasan maiyak pa rin. "Is it Franco? Gusto mo bugbugin ko?" Napangiti ako sa sinabi niya habang pinupunasan ang mata kong tuloy tuloy pa rin ang daloy ng luha. "LQ?" hindi ko alam kung nagbibiro pa ba siya o sadyang mali ang nasa isip niya. "Sana'y akong madalas kayo magkasama, maliban na lang pag nasa class na kame, pero ngayon wala siya dito, hindi ka naman siguro iiyak ng ganyan kung hindi LQ?" Confirmed! ang buong akala niya kami ni Franco.

"Hindi naman kami eh" sabi ko sa'kanya.

"Ay sorry akala ko kas--"

"Bestfriends lang kami" hindi ko na naman naiwasan mapaiyak.

Tahimik na lang si Tricia at hindi na muli pang nagsalita, nakatingin lang siya sa akin, marahil nahihiya magtanong sapagkat hindi naman kami ganoon magkakilala ng lubusan.

Subalit magaan ang loob ko sa kanya at alam ko rin na kailangan ko nang masasabihan sa pagkakataong ito.

Napayuko ako. "Ang sama ko kasi.. Ang sama sama ko" nagsimula na akong magkwento. "Sinubukan niyang sabihin sa'kin kung anong totoo niyang nararamdaman para sa'kin, kaso bestfriend lang talaga tingin ko sa'kanya kung may hihigit man dun siguro hanggang pagiging kapatid lang."

"I see." Sabi nito habang hinahaplos ang likuran ko para kumalma. "Hindi mo talaga matuturuan ang puso kung sino ang dapat piliin nitong mahalin." Iba ang dating sa akin ng pagkakasabi niya.

"An--" itatanong ko pa lang sana kung anong ibig niyang sabihin. Nang mayroong pumaradang sasakyan sa harap ng bench na inuupan namin. Bumaba ang lalaking nagmamaneho nito at naglakad papunta sa amin.

Tumayo naman si Trish para salubungin ito at ipinakilala sa'kin "Ah Maine, si Sam nga pala"

Iniikot nito sa hintuturo niya ang kanyang hawak na susi. "Oh.. Ayos ka lang?" Nahalata niya siguro ang ngayo'y magang maga kong mga mata.

Hindi na ako sumagot, binale wala ko na lang ang tanong nito.

Lumapit muli si Trish sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko habang nakatayo ito sa harap ko. "Maine I'm really really sorry pero we need to go." Pagpapaalam niya.

Tuluyan na silang naglakad dalawa papalayo at sumakay sa kotse. May katagalan na'y hindi parin ito umaalis. Maya maya lamang bumaba na naman si Trish at pinuntahan ako.

"Hindi kita pwede iwan dito ng ganyan, Halika.." Hinila niya ako patayo. "Iuuwi ka na namin." Napabitaw ako bigla sa kanya ng marinig ko ang sinabi.

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon