Chapter 37: The Date

71 7 6
                                    



Maine P.O.V.

What? Okay wait di ko maisip. Napahinto ako sandali mula sa pabalik-balik na lakad sa kwarto ko upang bumuntong hininga.

Okay thursday ngayon, bukas makalawa sabado na. Nagpatuloy ako sa paikot-ikot na lakad habang kinakausap pa rin ang sarili.

Okay wait! Uhmm uhmm oh my God! Seryoso ba yun? Sh*t teka hindi ko talaga maisip. Thursday, friday, saturday. Sabado na agad agad. Okay so keri ba? Bahala na!


"Hoooo" isang pahabol na malakas lakas na buntong hininga.


"Wohw! What's going on?" Halos mapalundag ako ng biglang magsalita si Franco.


"H-ha? W-wala wala."


"Wala? Eh parang sinisilaban ang pwet mo diyan. Tas sasabihin mo wala." Pinanliitan ko siya ng tingin. "Look! You left your door open kaya sa labas pa lang kitang kita na kita. Kung school days lang baka isipin ko pa na nagmememorize ka lang but unfortunately hindi. So anong nangyayari? Ano meron?"


"I said nothing. Please Franco not now." Cold na sabi ko sa kanya.


"Alright, ganyan naman talaga siguro, ano lang ba naman ako diba? Hamak na bestfriend lang." Sabi nito habang patalikod at humahakbang na papalabas ng room ko. Nagdrama pa ang damuhong ito.


"Okay! Fine! Fine! Chard ask me out on a date... Sa saturday."


- - - - -


It's saturday! Nag-leave na lang ako sa trabaho, hindi para mas mahaba ang oras namin ni Chard, kundi para mas mahaba ang oras ko makapag-prepare, 3pm ang usapan namin, casual lang naman ito kaya hindi naman din ako nag-ayos ng bongga, huminga ng bongga pwede pa.


"So what do you want to do? Movie? Merienda?" Tanong ni Chard ng makapasok na kami sa mall.


"I-ikaw bahala. A-akala ko bibili ka ng bagong phone?" Sagot ko sa kanya.


Dumiretso na kami sa level kung saan naroon ang lahat ng gadget store, nagsimula na si Chard tumingin tingin ng maaari niyang matipuhan bilhin.


"B-bakit yan eh iPhone ang gamit mo di'ba?" Tanong ko ng may napili na siyang bibilhin.


"Not practical." Sagot nito sabay kindat sa'kin.


"Yes ma'am, matibay naman na din itong O+ tsaka na-check naman na ni sir yung features." Second the motion nung sales clerk na kausap ni Chard.


Hayy bahala na nga siya, siya naman gagamit eh. Tumingin tingin din ako ng pwede kong mabili kapalit din ng phone ko, para mapagipunan ko na sa sahod.



"Maine?" Lumingon ako sa nagsalita.


"Oh okay ka na?" Tanong ko kay Chard ng makita ko siyang nakaabang sa'kin.


"Yup!" Sagot niya sabay angat ng dalawang paper bag.


"Oh eh ba't dalawa yan?" Nagtataka kong tanong dito.


Hindi ito tumugon bagkus ay bigla na lamang inabot sa'akin ang isang paper bag. Napakunot ang noo ko subalit kinuha ko pa rin ang inaabot nito upang tignan.


Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon