Chapter 9: Coincidence

56 14 1
                                    

Papunta na sana ako sa susunod na klase ko ng matanaw ko si Trish sa di kalayuan, pababa ng sasakyan ni Sam, napailing na lang ako sa nakita ko. Nagmamadali na ako sa paglalakad patungo sa kabilang building kung saan naroon yung classroom ko sa subject na Accounting, naubusan kasi ako ng slot noong enrollment kaya hindi kami magkaklase dito ni Joey. Nang may narinig akong parang tumatawag sa pangalan ko, paglingon ko, nakita kong papalapit si Chard.

"Pasensiya na ah, napansin mo ba si Trish?" Tanong nito.

Hindi ako makasagot, bukod sa male-late na ako sa klase ko, natulala ako sa pagkahanga sa kanya at paano ko sasabihin kung saan ko nakita si Trish.

"Sorry ha! Naghintay kang matagal.." Siya namang bungad nito ni Trish.

hindi na ako nakapagpaalam, agad na akong tumungo sa klase ko. Hindi pa man ako nakakaabot sa pinto ng Classroom namin, nakita kong naglalabasan na ang mga kaklase ko, wala daw si Prof hindi makakapasok. Nagpasya na akong umuwi tutal yun na naman ang huling klase ko, nasa may hintayan na ako ng jeep ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, agad kong hinanap sa bag ang payong ko, ngunit wala ito, naalala kong naiwan ko pala sa locker sa trabaho.

Basang basa na ako wala paring jeep na dumadaan. "Crap! Ansaya nito!" Naiinis kong sabi sa sarili.

Maya maya lang may humintong kotse sa harap ko.

"Charmaine?" Sumilip ako ng buksan nito ang bintana, si Chard. "Basa ka na! Halika sumabay ka na." Alok nito.

Sumakay na rin ako bago pa tuluyang magkasakit sa pagkababad sa ulan.

Sa sasakyan, hindi ako kumikibo, hindi ko ma-imagine na in-approach at katabi ko na itong lalaking ito.

"Saan ka ba? Idederetso na kita sa inyo" tanong nito.

"Nakakahiya naman. Kahit diyan na lang sa kanto." Itinuro ko ang Guard House papasok sa amin, pwede naman na niya siguro ako ibaba doon dahil huminto na ang ulan.

"Taga diyan ka pala? Taga kabilang village lang ako eh." Sabi nito. "Ipapasok na kita kilala naman ako dito eh.. Saan ka ba dito? Dito rin si Trish eh"

Nagulat ako sa narinig, hindi niya alam na doon ako kanila Trish nakatira?

Napayuko ako. "Bago lang ako dito, ituturo ko na lang sa'yo."

Hanggang sa nagpababa na nga ako sa tapat ng bahay nila Trish, wala na akong narinig sa kanya, ako ri'y nagpasalamat lang at tuluyan na ring bumaba at pumasok ng bahay.

- - - - -

"Oh basang basa ka ah." Sabi ni Aling Sen ng makita ako.

"Inabutan ho ng ulan sa daan eh" sagot ko dito.

Sumilip ito sa bintana. "Nak si Chard ba yon?" Tanong niya ng makita ang sasakyan ni Chard na bumubuwelta.

"Opo. Nakita niya ako sa daan kaya sinabay na niya ko." Paliwanag ko.

"Eh ang anak ko?" Tanong nito.

Oo nga noh? Anong nangyari? Iniwan ko sila magkasama kanina.

"Hindi ko ho alam eh, magpapalit na muna ho ako ah." Dali dali na akong umakyat sa kwarto.

- - - - -

Kinabukasan, nakita ko si Chard doon pa rin sa madalas nilang tambayan ni Trish, mukhang inaabangan na naman niya ang kasintahan. Nilapitan ko ito upang pasalamatan.

"Hi!" Nakangiti kong bati dito. "Uhmm thank you nga pala kahapon, hinihintay mo ba si Trish?" Napansin kong wala ito sa sarili kaya't minabuti kong umalis na lang.

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon