Chapter 12: Confused

62 13 4
                                    




Maine P. O. V.

Ang shunga mo Maine! Ano nangyayari? Abot kamay mo na ohh bakit pabebe ka pa! Sabi ko sa sarili habang naglalakad papuntang classroom.



"Ayy baklang kalabaw!" Nagulat ako ng biglang may kamay na pumatong sa balikat ko.



"Oh diba nagulat ka?" Si Joey pala at mukhang pagod na pagod ito. "Paano kanina ka pa tulala, pambihira ka hinabol kita mula lobby paakyat, hindi mo man lang ako narinig?" Hingal na hingal na sabi nito.



"Pasensiya na may iniisip lang." Paumanhin ko dito.



"Sino? Yung kasama mo kanina?" Tanong niya.



"Ha? What do you mean?" Maang-maangan ko.



"Asus! Tigilan mo ako sa kakaganyan mo Charmaine Perez ha!" Sabi nito habang pinanlilisikan ako ng mga mata. "Pumasok na tayo at mukhang marami kang dapat i-share."

Hanggang sa tuluyan na nga kaming pumasok, naupo at naghintay ng oras ng klase namin.

"So ano na ang status? Naka-move on na ba siya, getting to know each other stage na ba kayo o exclusively dating?" Patuloy na pagusisa ni Joey.



Habang ako patuloy rin sa pagmamaang-maangan. "Pinagsasasabi mo?"



"Hello! Kahapon lang baka akala mo hindi ko kayo nakita sa canteen, hindi lang ko lang muna binigyan ng meaning yun, pero yung late ka na umakyat dahil sa pagtetelebabad aba! Sandali lang naman..."



"Look! Nagkataon lang ang mga yun okay! Tumawag siya kagabi para kay Trish, alam mo naman siguro na ginabi na rin ng uwi yun kagabi hindi ba?" Pagkumbinse ko dito. "Yung sa canteen nagkasalubong lang din kam--"



"Na nangyari kasi bigla kang um-aura doon at ako iniwan mo sa gitna ng school ground." Singit nito sa sinasabi ko.

Napayuko lang ako dahil may katotohanan nga naman ang sinasabi niya, magkasama kami kahapon ng makita ko si Chard mula sa labas ng canteen na napatayo mula sa kanyang pagkakaupo ng makita nito si Trish na dumaan, alam ko kasing desidido na si Trish sa kanyang desisyon na piliin si Sam at ilang ulit ko na rin naman itong pinakiusapan, lalo lang masasaktan si Chard kung malaman nito ang tungkol kay Sam.



"Oh ano? Natahimik ka, style mo rin eh noh." Sabi ni Joey. "Oh eh pano mo naman ipapaliwanag yung kanina aber?"



"Aba malay ko, siya ang pumunta sa shop kanina, nagulat na nga rin ako at naghintay pa hanggang sa pag-out ko." Depensa ko.

Nakatingin lang ito sa akin naghihintay ng mga susunod ko pang sasabihin. "Tapos pinakiusapan niya akong huwag muna pumasok at samahan ko siya sa kung saan."



Nanlaki ang mga mata nito. "What? Eh anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.



"What do you mean anong ginagawa ko dito?"



"Hello friend! Sinundo ka ng crush mo from work at hinatid dito, then tried to invite you to go somewhere.. T-tapos tinanggihan mo?" Naguguluhan na talaga ako dito sa babaeng ito, makailan lang sinabihan niya akong Gulo lang daw ang pinasok ko then ngayon sinesermonan ako?



"A-akala ko ba kontrabida kita? Eh ba't ganyan ka makapagalit ngayon?"

Naputol na ang usapan namin dahil dumating na ang aming professor. Hindi na rin ito nangulit pa hanggang sa matapos ang lahat ng subjects namin.

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon