Sabado na. Cellphone agad ang una kong tinignan ng magising ako, ngunit wala pa ring text mula kay Riz. Sobrang galit kaya ito sa akin? Magkakaayos pa ba kami? Naalala kong may pagkakahalintulad ito sa set up namin ni Maine noon, yun nga lang ay magkaibang sitwasyon."Nepomuceno gising ka na ba?" Kumakatok si Maine.
"Oo pasok!" Sigaw ko.
Bumukas nga ang pinto at pumasok na ito. "May family lunch daw tayo dadating si dad." Sabi nito na ngayo'y katabi kong nakahiga.
"Lunch? Dito?"
"Ay hinde sa labas, malamang dito! magluluto si mom, matatagalan bago tayo ulit makakatikim ng luto niya." Sabi nito.
"Wala kang pasok sa shop?" Tanong ko.
"Wala nagpa-off ako kasi nga ngayon alis ni mom gusto ko sumama maghatid sa airport." Aniya. "Gusto ko nga sana igawa siya ng cake pangdagdag sa handa later."
"O edi magbake ka! Marunong ka ba?" Tanong ko. Hindi ko kasi maalalang marunong siya magbake, magluto pwede pa, pero siguro naturuan siya ni Trish nung doon siya tumira.
"Yun nga hindi nga ako marunong, baka pwede mo naman gamitin yang kurso mo ng may pakinabang naman." Sarcastic na sagot nito.
"What? Idea mo tapos ako pala ang gagawa?"
"O edi wag! Bumili na lang tayo! Sa tingin mo special pa ang magiging dating non?" Pangungunsensiya nito.
Kinusot ko ang mukha sa inis at napabangon. "Okay fine! Tara na maggrocery ng kakailanganin." Yaya ko.
"Wag na! Hindi na aabot.. Bumili na lang tayo, inaasar lang kita." Tumayo na rin ito mula sa pagkakahiga.
Nag-ayos lang kami pareho at nagpaalam kay mommy na aalis sandali at siniguradong makakabalik bago mag-lunch. Red Velvet ang pinili ni Maine na flavor ng cake at bilang partner bumili na rin ako ng bouquet of red roses, matapos makapamili ay agad na kaming umuwi. Naglunch kami, masaya kasi buo, nariyan si mom, si dad, ako at ang nagbabalik na si Menggay. Matagal tagal na rin pala ang panahong hindi ko siya natatawag ng ganun sapagkat pinagbawalan na niya ako simula tumungtong kami ng college, pero siya kung tawagin ako Nepumoceno.
Matapos ang masayang lunch ay kinailangan na ni mommy mag-ayos upang makaalis na at hindi maipit sa traffic. Driver na sana ang maghahatid dito ngunit nagpresinta kami ni Maine dalawa at sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumama na rin si dad. Kaya nama'y tuloy ang bonding sa sasakyan.
Nang pauwi nagpahatid lang si dad sa may kumpanya at marami pa raw siyang kailangang tapusin. Si Maine na rin ang nagpresintang magmaneho dahil halos araw-araw daw ako ang naghahatid sundo sa amin. Habang nasa daan pauwi hindi maiwasang mapagusapan namin ni Maine si Riz at bilang wala namang ginagawa kundi maupo lang ay naisipan kong itext ito at baka sakaling magreply na siya.
Me:
Riz pls. Wala ka bang balak pang pansinin ako?Riz:
Oo na! Nagpalamig lang ng ulo.May kung anong tuwa ang nanalaytay sa buong katawan ko.
Me:
Hayy thank God nagreply ka rin. So can we talk?
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...