Chapter 22: The Strangers

45 11 0
                                    



"O nak! Halika na't makapag almusal." Imbita ni mommy ng makita ako nitong pababa sa hagdan.

"Good morning mom!" Bati ko dito habang nagbebeso.

"Look at you! You look tired kahit bagong gising ka lang, hindi ka na nga nakakain kagabi at ayaw ka na ipaistorbo pa ni Franco dahil nga pagod ka daw." Sermon ni mommy bago pa ako paalmusalin ng totoong pagkain.

"Oo nga po! Nahiga lang ako saglit para makapagpahinga nagtuloy tuloy na, napahimbing kasi ngayon lang ulit nakatikim ng aircon." Saad ko.

"Batang ito! Bakit kasi hindi ka pa umuwi dito." Binuksan na naman ni mom ang topic na pabalikin ako. "This time Maine seryoso na akong nakikiusap, aalis na kasi ako this coming weekend and hindi siya tulad ng mga former travels ko, mas matagal akong mawawala ngayon and makakampante lang ako kung may kasama dito si Franco bukod sa mga maid."

"Mom wag niyo na siyang kulitin!" Si Franco, gising na rin siya. Nagkiss ito kay mommy sa pisngi at sa akin nama'y sa ulo.

"Kinumbinse mo pa, tignan mo nga ang payat na nga nito lalo pang nangayayat, pagbumalik ka dito hindi mo na kailangan pang magtrabaho ha! Magresign ka na diyan kami na nga ang nagsasacrifice magpaka busy ng daddy niyo eh." Patuloy na sermon ni mommy pero honestly ito ang na-miss ko ang may magasikaso na parents.

Hinawakan ko ang kamay nitong malapit sa kamay ko. "Okay sige mom! For you babalik na ko asap." Nakangiti kong sabi dito. "Pero yung sa shop? Kaya pa naman ng sched ko mom, tutal next year graduating na ko mas maraming activities baka dun na lang ako huminto sa pagtrabaho."

Tinanggal nito ang kamay mula sa pagkakahawak ko at nilagay sa pisngi ko. "That's my girl!"

Hindi na naman ako nakapasok sa shop sapagkat napasarap ang bonding namin ni mommy, pero bago pa man ako pumuntang school ay dumaan muna ako sa boarding house. Pormal kong ipinaalam kay Aling Sen ang balak na pag-alis, noong una'y tinangka pa akong pigilan nito at nanghinayang sa nai-advance ko sa upa sa kanya pero hindi ko na naman ito binalak pang kunin.

Tulad kahapon ay normal ang naging takbo ng araw ko sa school. Umuwi kami ni Joey na hindi ko nakikita si Chard, sa pagkakataong ito sa boarding house ako nagpasyang umuwi sapagkat nais kong sulitin ang ilang araw na makakasama ko sa kwarto ang kaibigang si Joey, tulad ni Richard hindi ko rin nakita si Trish pagdating namin ng bahay.

Nang makaakyat sa kwarto ay kanya kanya kami ng pahinga ni Joey. Paano ko kakausapin ang taong ito kung tutok na tutok siya sa cellphone. Nahiga na lang ako, nag ear phone at nakinig na lamang ng music sa phone ko. Nakagawian ko na yata ang matulog ng alanganing oras, ngunit sa pagkakataong ito hindi nagtuloy tuloy ang tulog ko nagising ako ng bandang alas 10. Tinignan ko si Joey nakaharap na ito ngayon sa laptop niya, marahil ay sinisimulan ng gawin ang film review na pinagagawa sa amin sa PolSci.

Bumaba ako upang uminom lang sana ng tubig ngunit sa hindi malamang dahilan napatambay ako sa may veranda, maimtim na nagisip ng kung ano ano.

May katagalan na akong nakaupo mag-isa sa labas nang mayroong tumawag sa pangalan ko. "Maine?" Nilingon ko ang nagsalita.

"T-trish ikaw pala. Halika!" Yaya ko dito.

Agad din naman itong lumapit. "Maine sorry talaga." Aniya.

"Wala na yun! Pagpasensiyahan mo na naging reaksiyon ko." Sagot ko dito.

"Akala ko kasi magwowork out." Napayuko siya tila nahihiya.

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon