Chapter 7: Concern Individual

68 14 1
                                    


"WHAT? SI RICHARD?" Napalakas ang boses ni Joey.

"Ssshh! wag ka naman sumigaw." Pabulong kong sita dito.

"Kailan pa yan? Ba't hindi ko alam?" Pabulong na rin ang boses niya.

"Matagal na." Napayuko ako. "Nung first year pa."

Naglakihan ang mata niya. "First year?" Gulat niyang sabi. "Pambihira! hindi mo man lang naisipan i-share sa'kin?"

"Hindi ko naman alam na kilala mo sila eh, isa pa hindi natin napaguusapan ang lovelife." Paliwanag ko dito.

"Eh-ehem!" Sita ni Ms. De Guzman, Finance Professor namin. "May gusto ba kayo i-share dalawa Ms. Clifford, Ms. Perez sa buong klase?"

"Wala po." Napayuko kami pareho ni Joey. Halos lahat sa classroom nakatingin sa amin.

"Kung ganon, let's go back to our discussion." Lumakad na ito patungo sa harapan at itinuloy ang pagtuturo.

- - - - -

Naglalakad na kami pauwi ni Joey. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nalaman ko kay Trish.

"Huy!" Tinapik ako ni Joey. "Ano ba? Kanina ka pa tulala, yan pa rin ba yung kanina?"

Tumango lang ako.

"Hay nako! Gulo lang yan friend."

Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?"

"I mean iba na lang, huwag na si Chard, ika nga nila ang kay Juan kay J--"

Napahinto ako sa paglalakad. "Wait lang ha!" May inis na sa boses ko. "Lilinawin ko lang, baka kasi hindi mo ko kilala ng lubusan, hindi ako ganon klaseng tao."

"S-sorry." Napayuko ito.

"Kung hindi ko nga sinabi sayo malalaman mo ba?" Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili.

"Kalma na teh, sorry na nga eh!"

Tahimik na lang ako hanggang makauwi, bigla ko tuloy naalala si Franco, siya lang talaga nakakakilala sa akin ng lubusan, na-miss ko tuloy bigla ang bestfriend ko sa mga ganitong klaseng panahon. Nang makarating na kami sa boarding house, naroon si Trish sa may veranda nagpapahangin. Nauna ng pumasok si Joey.

"Hi!" Salubong ni Trish.

Napangiti lang ako at lumapit sa kanya.
Hawak nito ang cellphone tila may ka-text. Hanggang sa naibaling na muli niya ang atensiyon sa akin.

"Thanks nga pala sa food kanina, superb!" Sabi nito.

"Walang ano man, buti nagustuhan mo." Sagot ko.

"Oo naman!" Nakangiti siya habang nakatingin ulit sa cellphone. "Si Riz nga yung kapatid ni Chard madalas din ako ipagbalot ng makakain."

Ngumiti lang ako dito. Nabanggit na naman niya si Chard. Hay masyado ka nagpapaapekto Maine!

"O-okay ka lang?"  Tanong nito.

Napabuntong hininga lang ako. "Trish?"

"Yes?"

"Mahal mo ba si Sam?" Tanong ko dito.

Ang kanina'y mga ngiti sa labi niya ay napalitan ng pagtataka. "Oo."

"How about si Richard?" Pagpapatuloy ko.

"Siguro, oo, ewan."

Napayuko ako. "Sorry masyado na yata akong nanghihimasok."

Tumabi ito sa akin. "Ano ka ba! Maigi nga may nakakausap ako tungkol dito." Nakangiti na ulit siya.

"Bakit hindi ka na lang mamili ng isa?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh, selfish siguro talaga ako."

"Hindi ka naman siguro maghahanap pa ng iba kung talagang mahal mo si Chard, hindi ba?"

Hindi na siya muling nagsalita pa, tahimik na lang kaming dalawa. Hanggang sa tumunog ang cellphone niya ng may tumawag.

"Hi! Kumain ka na?" Sabi nito sa tumawag. "Bakit? Akala ko gutom ka na kanina kaya nagyayaya kang kumain, wala pa ba si Riz?"

Kung hindi ako nagkakamali yung Riz ay ang kanina lang na tinutukoy niyang kapatid ni Chard. Ibig sabihin si Chard ang nasa kabilang linya.

Tuluyan ko na itong iniwan at umakyat na ako ng kwarto.

"Oh nakapagusap na kayo?" Tanong ni Joey na nakapwesto sa study table namin sa kwarto.

Tumango lang ako at dumiretso sa higaan.

"Girl naman eh galit ka pa rin ba?" Pangungulit nito.

"Hindi naman." Simpleng sagot ko.

Tumayo ito at lumapit sa akin para yumakap. "Sorry na nga eh"

"Oo na! Drama mo!" Nagtawanan na kaming dalawa.


Author's note: maigsi lang tong chapter na toh di ko rin alam kung bakit ehh ehehe.. ALDUByou!

Twitter/Instagram
@officiaLEIGH

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon