Chapter 13: Denial

50 12 1
                                    

Maya maya lang ay may kumatok at binuksan ang pinto. "Here's my promised pizza guys!" Si mom ulit.

Agad kaming tumayo ni Franco at tinulungan siya at si manang sa mga dala nito. Iniwan rin nila kami agad.



Habang break sa pagrereview at kumakain, nakakuha ng tiyempo si Franco na magtanong. "So.. Ano problema mo?"



Hindi na rin ako nagdalawang isip i-open up, dahil yun naman talaga ang dahilan bakit kami magkasama ngayon. "Franco?" Nakatingin lang ito. "Sa lobby mo lang ba talaga ako nakita kanina?" Tanong ko dito.



"Hmmm." Oo ang ibig niyang sabihin kaya lamang ay puno ang bibig ng kinakain niyang pizza. "Bakit saan pa ba dapat kita makita?" Tanong niya matapos maubos ang nasa bibig.



"Pumunta kasi kanina si Chard sa shop tapos hinintay niya ako hanggang maka-out." Pagsisimula ko.




"So meaning sinundo ka niya?" Bakit ganon parang napaka normal lang kay Franco itong pinaguusapan namin? Hindi ba kailangan kong mahiya sa kanya? Kaso wala kasi akong choice.



"Franco if you're not comfortable with this okay lang." Bakit parang assumera ang dating ko?



"Okay lang, ano ka ba?" Sabi nito. So assumera nga lang pala talaga ang peg ko.



"Ayun nga, tapos ng makarating kami sa university ayaw niya naman ako papasukin, samahan ko daw siya somewhere." Pagpapatuloy ko.



"Pero nandon ka kanina, meaning hindi mo siya sinamahan? Tinanggihan mo siya?"


Tumango lang ako.

"Kaya ka tulala at wala sa sarili yun ang iniisip mo noh?" Pagpapatuloy niya. "Bakit, nanghihinayang ka?"



"Ano ka ba! Hindi ganon noh, iniisip ko lang kasi bakit? I mean anong trip niya?"



"Bago pa ba sayo yun? Eh madalas na nga kayong magkasama diba?" Nagseselos na naman ang bestfriend sa new found friend ko.



"Oo pero lahat yun nagkakataon tsaka school then isasabay niya lang ako pauwi KUNG hindi nakakasabay si Trish ni hindi nga kami nakakapagkwentuhan ng matagal nun"



"Okay, baka natuwa lang sayo yung tao at nakakita ng kaibigan sa katauhan mo."



Hindi na ako nakasagot, masyado yata akong OA, siguro nadala lang sa nangyari sa amin ni Franco noon, na masyado akong manhid hindi ko naramdaman na may nagkakagusto na pala sa akin o kaya naman siguro kaya ako ganito ka-praning kasi crush ko si Chard, I mean sino ba namang tao na hindi nagpapantasya na may posibilidad na magkaroon sila ng something ng nagugustuhan nila hindi ba? Lalo pa't sa mga ganyang pagkakataon?

"Saan pala kayo pumunta nung nagwalk-out siya dito nung nakaraan? Di mo na ako binalitaan?"



"Binalak niyang puntahan si Trish."



"Oh nagkaproblema ba sila? Kaya nakipagbasag ulo siya sa bar?"



Lalo ako napahinto, sobrang hindi na kami nakakapag catch-up ni Franco, ang dami na niyang hindi alam.

"Wala na sila ni Trish, hiniwalayan na siya nito." Sabi ko dito. Nagulat naman siya sa narinig, ikinuwento ko na ang lahat dito, yung kay Sam, yung umakyat kami ng Antipolo, yung sa canteen, yung telebabad etc.



Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon