Salamat sa text ni Chard kagabi at yung dapat sanang pabagsak kong tulog ay umabot pa ng another 45mins. Bago ako tuluyang nakapagpahinga."Menggay! Yung alarm mo! Abot na sa kwarto ko eh." Rinig ko ang garalgal na boses ni Franco.
Franco? Pinilit kong imulat ang mata sabay alis ng kumot na tumataklob sa mukha ko para siguraduhin. Waaahh Franco nga! Kasalukuyan itong nakatayo sa gilid ng kama ko pero nakapikit pa. Sleep walking?
"Ano ginagawa mo dito?" Nakaligtaan ko sigurong i-lock ang pinto ko kagabi.
"Ang-ingay-ng-alarm-mo-hindi-mo-man-lang-ba-naririnig?" Nakapikit pa rin siya at parang zombie na nagsasalita.
"Okay sorry! Gising na ako, now can you go back sa room mo?" Sabi ko.
Sorry for the reaction, alam kong we're best of friends pero as a girl na bagong gising, wala pa akong suot na you know!
Thank goodness! Sumunod naman ito at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto ko. Great! Kagabi Chard, Ngayon Franco. Lalaki talaga dahilan bakit nagigising ang katawang lupa ko?
Tulad ng routine kahapon ligo, ayos, pasok ang ginawa ko. Nasa tricycle akong papuntang shop ng tignan ko ang phone ko, wala naman akong bagong text na nareceive, may notification man ang fb ko puro invitation naman ng games. Since walang magawa kasi wala naman update, hindi ko naiwasan buksan muli ang inbox at tignan ang huling text na natanggap ko mula kay Chard hanggang sa hindi ko namalayan babaan na pala, ibinalik ko ang cellphone sa bag at naglakad na papuntang ice cream parlor kung saan ako nagtatrabaho.
Just the same ordinary day, though weekend ngayon, in and out ang regular customers namin.
"Tisoy! Long time pre!" Bati ng kapwa ko crew na si Allan sa bagong dumating. Napatigil ako sa pagswirl ng hinahandang order na sundae ng marinig ko ang sinabi nito, hindi ko naiwasan luminga upang tignan kung sino ang tinutukoy niya.
Nakahinga ako ng maluwang nang makita kong ibang tao ito at pinagpatuloy ko na nga ang ginagawa. "Focus! Kung ano-ano iniisip." Biglang bumulong sa akin si Manager.
"Sorry sir. Hindi naman po eh." Maang-maangan ko.
Dinikitan din ako ni Allan ng maiabot ko na sa counter ang order noong customer. "Expecting for someone?" Bulong niya.
"Che! Hindi noh." Pagsusungit ko dito.
6pm na hindi na ganoon masyadong puno ang shop tulad kaninang hapon, ilang sandali na lang din ay uuwi na rin ako, magsasalin sana ako ng barya sa cash register ng bigla kong aksidenteng nabitawan ito bagay na naglaglagan sa lapag, agad kong pinagsumikapang damputin ang nagsihulog na barya.
"Uy! Tisoy!" Narinig ko na naman si Allan ngunit sa pagkakataon ito hindi ko na siya pinansin, malamang pinagloloko na naman niya ako. "Uhmm Maine si..."
"Hay nako! Tigilan mo ako." Sabi ko sa kanya habang patuloy na nagpupulot. Pagtayo ko hindi ngang inaasahang tao ang nasa harapan ng counter.
"I told you!" Asar ni Allan. "Nako bro mukhang kanina ka pa--"
"Allan!" Sita ko dito sabay senyas na lumayo bago pa kung ano ang lumabas sa bibig niya. Binaling ko muli ang tingin kay Chard. "Ano ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...