Matapos namin kumain ay nagkwentuhan pa muna kami bago tuluyan umalis, pinagpatuloy namin ang usapan ng dalhin ako ni Chard sa may park ng village nila.Panandalian itong nanahimik, ako nama'y pinagmamasdan ang masasayang bata na naglalaro sa mga slides at swing, naalala ko tuloy kami ni Franco kahit high school na parang mga batang paslit pa rin kung maglaro noon. Hindi katagalan ay tinawag na ang mga bata kaya nabaling muli ang atensiyon ko kay Chard, napakalalim ng iniisip nito ng lumingon ako sa kanya.
"Huy! okay ka lang?" Tinulak ko ito ng bahagya gamit ang balikat, hindi rin naman kasi nagkakalayo ang agwat namin dalawa. "May problema ka noh? Si Trish pa rin ba to?" Tanong ko.
"Medyo nagkatampuhan kami ni Riz eh." Direktang sagot niya. "Napagsabihan ko kasi, eh hindi maganda ang dating sa kanya, ayun."
"Natural lang naman siguro ang ganyan sa magkapatid." Sabi ko, wala kasi akong ideya pagdating sa kapatid at pamilya dahil wala ako nun maliban kanila Franco.
"Hindi ko kasi nagustuhan ang inasal niya kagabi sa club, kako baka nakukuha niya yon sa mga kaklase niyang kay aarte." Kwento nito.
"Lilipas din yan wag ka magalala." Wala talaga siyang makukuhang advice sa akin tungkol sa bagay na pinoproblema niya. Pinagpatuloy niya ang paglabas ng sama ng loob, habang ako'y nakikinig lang, nakita ko ang pagmamalasakit ni Chard sa kapatid, sobra siyang concern dito at sa puntong ito naiintindihan ko siya, sapagkat ganon din ako kay Franco paminsan.
"Chard hindi na siguro ako magtatagal may pasok pa ako ulit bukas." Siniguro kong magaan na ang loob nito bago ako nagpasyang magpaalam.
"Ha? Ayaw mo ba dumaan muna sa bahay?" Alok nito.
"Next time na lang siguro."
"Sure ka?"
Tumango lang ako dito bilang sagot.
"S-sige tara!" Aniya.
"Oh san ka pa?" Tanong ko.
"Ihahatid ka."
"Nyeh diyan na lang ang bahay mo magpapakalayo ka pa?"
"Ako ang nangistorbo at nagdala sa'yo dito tapos pababayaan kita?"
Mahabaging langit konti na lang talaga lusaw na lusaw na ako sa mga bitaw na salita ng taong ito. "Ba-bahala ka na nga." Yun na lang ang nasabi ko at tumungo na rin sa pinagparadahan ng sasakyan nito.
- - - - -
"Bruha ka hindi pa natin napagusapan yung tungkol kagabi may paandar ka na naman ngayon?" Salubong ni Joey sa akin, kasalukuyan siyang nakatambay sa may veranda ng makita nitong hinatid ako ni Chard.
"Sshh pwede wag ka naman maingay! Baka may makarinig, masamain." Sita ko dito.
Nakaakyat na kami sa kwarto pero hindi pa rin ako tinitigilan ni Joey, minabuti ko na lang na ikwento dito ang lahat, magmula sa pagiging hearthrob ni Chard sa club hanggang sa kwentuhan namin sa labas nito pati yung nakasalubong namin si Sam, yung pasya niyang paghatid sa'kin pauwi, mga napagusapan namin sa daan, yung paghingi ng number at palitan ng text, yung pagsundo niya sa akin kanina sa shop, yung dinner sa Mcdo etc.
Habang nagkwekwento dito hindi ko maiwasan kiligin, sumabog na ang iniipit kong kilig mula pa kagabi hanggang kanina. Malaki naman ang tiwala ko sa kaibigan kong ito kaya hindi ko na ito pinaglihiman pa.
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...