Chapter 8: Reunited

51 15 1
                                    

Franco:
Good morning! Nami-miss q n kc yung bestfriend q, gang kelan kya nya q titiisin?

Hindi pa rin siya nagbabago, kahit malayo na kami sa isa't isa, nararamdaman pa rin niya kung kailan ko siya kailangan.

Me:
I miss you too! :') meet tayo later?

Franco:
Later p? Ba't di n lang ngayon? Puntahan kita, nasa shop k b?

Me:
Wag na! Mea n lng sa school ground :)

Franco:
Sure! Can't wait.

Me:
Pasuyo na rin me ng ilang gamit pls. Lalo yung charger ko.

Franco:
:( wala ka pa rin balak umuwi? Tinatanong ka na ni mommy.

Biglang may humablot sa cellphone ko. "Text ng text naka duty." Manager namin dito sa ice cream house na pinapasukan ko.

"Sorry po." Paumanhin ko.

Ibinalik rin niya agad ang cellphone sa akin.

- - - - -

Sa school, nagkita nga kami ni Franco sa school ground at iniabot niya ang mga gamit ko, kinabahan ako nung una dahil ngayon lang ulit kami nakapagkita at hindi rin maganda yung huli naming paguusap sa harap ng classroom ko, pero hindi ko siya kinakitaan ng pagiiba sa pakikitungo sa akin.

"So kamusta ka na?" Tanong nito.

"Okay naman. Ikaw?" Ibinalik ko ang tanong sa kanya.

"Medyo nakakapanibago, wala na ako kasama mag movie marathon sa family room, kapag walang pasok." Sagot nito.

Nalungkot ako sa narinig ko, ako rin naninibago pero may mga bagong taong nakapaligid sa akin para aliwin ako, pero si Franco wala.

"San ka ba kasi nakatira ngayon?" Muli nitong tanong.

"Wala diyan lang sa tabi tabi, sila mommy? Daddy? Kamusta?" Pinilit kong iwasan ang tanong niya, mom and dad na rin tawag ko sa parents niya, bata pa lang kasi ako ng doon ako tumira sa kanila.

"Ayon! lagi kang tinatanong." Sagot nito.

"Hayaan mo papasyal ako doon one of this days." Nakangiti kong sabi.

Biglang may umakbay sa aming dalawa mula likuran. "Buti naman okay na kayo."

Sabay kaming napaharap dito ni Franco.

"Trish?" Sabi ni Franco.

Nakangiti ito sa amin.

"Magkakilala kayo?" Takang takang tanong ni Franco habang tinuturo niya kaming dalawa ni Trish.

"Yup! Sa boarding house yan ngayon nakatira eh" sagot ni Trish.

Napatingin lang si Franco, habang ako'y napayuko naman.

"So okay na nga ba talaga kayo?" Pangungulit ni Trish.

Ngumiti lang kami pareho. Hanggang sa tatlo na kaming nagkwentuhan.

Maya maya lang ay tumayo si Franco. "Bili lang ako ng drinks, may gusto ba kayong dalawa?"

"Kahit ano." Sabay naming sabi ni Trish.

Nang makaalis na si Franco.

"Sorry pala kagabi na-offend yata kita." Sabi ko kay Trish.

"Ha? Ano ka ba wala yun no' buti nga may taga umpog na sa'kin ngayon sa kagagahan ko." Pabiro pa nitong sagot.

"Tama yung sinabi ko kagabi, pero napagisip-isip ko rin, kung hindi mo kayang sabihin ng harapan kay Chard, hindi mo siya kayang saktan, ibig sabihin may pagmamahal ka pa sa'kanya." Paliwanag ko dito. "Pero sana kausapin mo na siya, baka may kakulangan lang na dapat niyo pagusapan."

"Kanina ka pa?" Biglang may sumulpot na naman mula sa likuran namin, si Chard.

"Ka-kanina ka pa diyan?" Gulat na tanong ni Trish.

"Ako nagtatanong kung kanina ka pa naghihintay dito, ako kararating ko lang, okay ka lang?" May pagtataka sa boses ni Chard.

Ako rin napatulala, narinig kaya niya ang pinaguusapan namin ni Trish? Nabanggit ko pa naman ang pangalan niya. Napatingin ito sa akin, ngumiti lang ako ulit dito, okay na mahal kong Chard, hindi ka na iiwan ng Juliet ng buhay mo. Sabi ko sa sarili, halos hindi ko na naman mabuka ang bibig. Buti na lamang natanaw ko si Franco mula sa likuran niya na madaming bitbit na pagkain at maiinom, tumayo ako at nilapitan ito para tulungan.

"Oh okay ka lang?" Napansin niya sigurong natataranta ako.

"Halika na." Sabi ko dito.

"Si Chard ba yun? Pano tong drinks ni Trish?" Tanong nito sa akin.

"Ibigay na lang natin kay Joey." Hinila ko na ito palayo ng school ground.

Author's note: malapit na tuluyang mag-krus ang landas nila Maine at Chard :) abangan ang mga susunod na kabanata hehehe!

Twitter / Instagram:
@officiaLEIGH

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon