May 2 weeks na rin mula ng tumuloy ako dito kanila Patricia, sa loob ng dalawang linggong yun nakita ko ang kagandahang loob nito at maging mga magulang niya.
"Huy! Anong sinisilip mo diyan?" Tanong ni Joey na tila nagising sa liwanag na nakapasok mula sa kurtinang hinawi ko.
"Wala si Trish lang." Sagot ko.
"Si Trish? Anong meron kay Trish?"
"Napansin ko lang, madalas si Sam ang sumusundo sa kanya tuwing umaga, parang isang beses ko lang nakita na yung boyfriend niya yung sumundo sa kanya." Nagtataka kong sabi.
"Hay nako! Huwag ka na lang makialam."
"Hindi naman. Ang weird lang kasi, nakita mo ba kung gaano siya nakababad sa telepono sa baba kung gabi? At si Sam ang kausap niya, kasi madalas ako ang nakakasagot."
"Observant ka pala ha!" Biro nito. "Anyway malaki na sila, alam na nila pinaggagagawa nila okay!"
"Matagal na ba silang ganyan?" Pangungulit ko.
Napailing na lang si Joey at bumalik sa pagtulog, ako nama'y naisipan ng bumaba.
"Oh! Maine gising ka na pala, ikaw na bahala may pagkain na diyan nagsialisan na sila eh" salubong sa'kin ni Aling Sen ng makita akong pababa ng hagdan.
"Aalis ho kayo?" Tanong ko dito ng makita kong may bitbit itong bayong at wallet na nakasukbit sa kanyang kili-kili.
"Oo pupunta akong palengke, may gusto ka bang ipasabay?"
"Ay ganun po ba?" Sagot ko dito. "Uhm kailangan niyo po ng kasama? Libre naman po ako ngayon."
"Hindi ba't may pasok ka?"
"May company outing po kame ngayon, hindi na po ako sumama may klase pa ho kasi ako sa hapon."
"Ganun ba? Oh eh sige kaw bahala hali ka na."
Naisipan ko magluto kaya namili rin ako, wala naman kasi akong gagawin buong umaga. Nang makauwi inumpisahan ko na ang pagluluto, simula ng namalagi ako dito kanila Trish hindi ko na nagagawa ang bagay na ito at madalas sa labas na ako kumakain.
"Busy ah!" Sabi ni Joey na nakatingin lang sa ginagawa ko.
"Parang ang dami naman niyan Nak!" Sabi naman ni Aling Sen.
"Para po sa ating lahat." Nakangiti kong sagot sa mga ito. "Pagdadalhan ko na rin po si Trish sa school Aling Sen."
Nang matapos na ko sa ginagawa ko, nag-ayos na ako ng sarili at pumasok, tinext ko si Trish upang makipagkita para maiabot ang pagkaing ibinalot ko para sa kanya.
Me:
School n q asan k?Trish:
Dito school ground :)Nang makarating ako doon, nakita ko na agad siya kumakaway, agad ko itong nilapitan.
"Wow naman! Thank you nagabala ka pa." Nakangiting sabi nito habang sinisilip ang dala kong pagkain. "Marunong ka pala magluto?" Hindi parin nawawala ang mga ngiti niya.
Napatango lang ako.
"Kaya siguro nainlove sa'yo si Franco." Biro nito.
Napanganga at naglakihan ang mga mata ko.
"Joke lang ano ka ba!" Sabi niya.
"Sige Trish una na ko." Baka kung saan pa mapunta usapan namin kaya sinubukan ko na umiwas.
"Ha? Maaga pa naman, maya-maya pa ang class mo diba?" Tanong nito. "Samahan mo muna ako please." Nakangiti na naman siya.
"O-okay." Umupo na ko sa tabi niya.
"Hinihintay ko lang sandali si Chard."
Nagulat ako sa narinig ko, katatagpuin niya si Chard? Hindi ko na maintindihan ang sarili parang biglang may masakit sa akin, kahit wala naman. Pinagpawisan ako ng todo, kahit hindi naman gaanong kainitan. Makakaharap ko na ang lalaking napakatagal ko ng nagugustuhan.
"Ayos ka lang ba? Namumutla ka?" Tanong ni Trish.
Masyado yata akong obvious, kalma Maine kalma!
"Ha? Oo naman." Sagot ko dito. "Trish?" Tumingin ito sa akin. "May itatanong sana ako huwag mo sana masamain?"
Nagulat ito. "Seryoso ah! Sure! Ano yon?"
"Si Sam?" Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. "Ano mo ba talaga siya?" Hindi ako makapaniwalang naitanong ko ang ganon kapersonal na bagay sa kanya.
Ngumiti ito sa akin. "Hindi ko na ide-deny pa sayo Maine, bilang ikaw lang ang naglakas loob tanungin ako ng personal, yung mga iba kasi pinagbubulungan lang kami." Hinawakan nito ang mga kamay ko. "Kami ni Sam."
Napalaglag ang panga ko. "Oh e--"
Hindi pa man ako nakakapag react, bigla na naman siyang nagsalita. "Habang kami ni Chard."
Hindi ko na ikinagulat ang nalaman ko, dahil nga naoobserbahan ko na ang mga ito. Ang hindi ko alam ay kung ano ang dapat kong maramdaman, ikatutuwa ko ba o ikalulungkot, pero siyempre higit sa lahat alam ko ang magiging epekto nito kay Chard kung nagkataon.
Hindi nagtagal natanaw na namin pareho si Chard na papalapit. Ang buhok, ang dimples, kilay, mapupungay na mga mata, katawan at kahit pawisang tumatakbo papalapit, ang lakas pa rin ng dating. Hay! Ano pa bang kulang sa taong ito at naisipan kaliwain ng girlfriend niya. gising Maine gising!
"Ah eh una na ako ah" natataranta kong kinuha ang mga gamit ko. Kaso mukhang huli na ang lahat, pagtalikod ko kaharap ko na ang taong sa malayuan ko lang kung pagpantasyahan, naninigas ang buo kong katawan, manhid ang buo kong pisngi.
"Si Maine nga pala." Pakilala ni Trish.
Wala akong nagawa kundi ibanat sandali ang manhid kong pisngi para magmukhang ngiti. Halos hindi ko maibuka ang aking bibig para makag "Hi" man lang, tamang ngiti lang at tumango lang ako dito sabay alis ng hindi man lang nakapagpaalam ng maayos.
"Oh! Okay ka lang?" Tanong ni Joey ng makarating ako sa classroom.
Umupo ako sa silya ko sa tabi nito. "Hin.. Hindi ako makahinga."
Happy Birthday to Me! :-)
10062015Twitter/Instagram:
@officiaLEIGH
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
РазноеCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...