Chard P. O. V.
"Let's...."
Nagising na lamang ako bigla, umaasa na isa lamang iyong napakasamang panaginip, isang bangungot na madalas mangyari sa akin tuwing may magandang nangyayari, pero hindi, alam kong hindi iyon basta isang panaginip lamang, totoong nangyari ang bagay na iyon. Ang bagay na kinatatakutan kong mangyari.
"Ah-aray" sabi ko ng subukan kong bumangon mula pagkakahiga. Doon ko rin napagtanto na wala ako sa aking kwarto, nasa isang lugar ako na ngayon ko lang nakita. Nasaan ako?
"Oh! Gising ka na pala?" Si Maine, may dala itong tray na may baso ng tubig at mangkok. "Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong nito.
"Ang sakit ng katawan ko... Ano ba nangyari? Nasaan ako?" Tanong ko dito.
"Nandito tayo sa dati kong tinitirhan, tamang tama magkasama kami ng may-ari nito kagabi ng makita ka namin sa bar nakikipagbasag ulo. Feeling action star!" Sabi nito habang inaayos sa lamesa sa gilid ng kama ang mga dala niya.
"Salamat." Yun lang ang naisagot ko, wala rin kasi akong maalala sa mga nangyari.
"Oh kumain ka muna para makainom ka ng pain reliever para diyan sa sakit ng katawan mo." Iniabot niya sa akin ang mangkok na naglalaman ng ramen.
Tahimik ko lang itong kinain, siya nama'y mayroon ring ibang ginagawa. Matapos kong kumain kinuha na niya ang mangkok at iniabot naman ang baso ng tubig at tableta ng gamot. Umupo na rin ito sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
"Ano ba kasi nangyari? Halos bawian ka na ng buhay don ah!" Usisa nito.
"Alam mo! I'm sick and tired of this stuffs! Let's...." Hindi ko na magawang alalahanin pa ang mga sumunod na pangyayari.
"Chard?" Nagsalita muli si Maine, tila inaabangan nito ang sagot ko sa tanong niya.
Napayuko na lang ako. "Wala na kame."
Naglakihan ang mga mata nito sa narinig. "Ha? Anong nangyari?"
Kinuwento ko sa kanya ang pangyayari, kung paano nagdesisyon si Trish ng hindi pinagiisipan ang ginawa nitong hakbang.
"Alam mo yun? Sick and tired.. Sick and tired saan? Eh siya lang naman itong nagagalit sa walang katuturan." Halos mangiyak ngiyak na ko habang naglalabas ng sama ng loob, si Maine nama'y tahimik lang na nakikinig.
"Maine kausapin mo siya please." Pakiusap ko dito.
"Si-sige." Sagot nito.
Pinagpahinga na niya akong muli at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Hindi rin nagtagal nakatulog din akong muli, siguro'y dahil na rin sa hang-over, sakit ng katawan at maging ang aking puso't damdamin.
"Oh! My God... Richard Jr. What happened???" Nagising ako sa sigaw ng isang pamilyar na boses. "Ano ba kasi nasa kokote mo!" Si Riz ang kapatid ko, Lalo itong naghisterical ng makitang mulat na ang mga mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Anong ginagawa? Are you okay? Of course to check on you." Sarcastic na sagot nito.
"Ibig kong sabihin, how did you find me? How did you know na nandito ako." Explain ko dito.
Inikot nito ang mga mata. "Edi kay Franco."
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...