Chapter 11: That Josh

57 13 1
                                    




Sa school, nakakapanibago, mag-isa na lang ako tuwing break, palinga-linga umaasang makikita ko si Trish, ayaw ko namang dumiretso sa classroom niya kahit alam ko ito, hindi ko rin alam kung bakit.

Nasa canteen ako noon ng matanaw kong dumaan sa labas si Trish kasama nito ang mga kaklase niya, tinangka ko itong puntahan.




Palabas na sana ako ng pinto ng magkasalubong kami ni Maine. "Oh Josh ginagawa mo dito?"



"Josh? Sino si Josh?" Nagtataka kong tanong.




"Ha?" Napatingin ito sa akin bago tuluyan dumiretso papasok at pumwesto sa isa sa mga table.




Sinundan ko rin siya at umupo. "Josh! Tinawag mo akong Josh."



Natawa ito. "Stupid me! Sorry Chard pala." Patuloy ang pagtawa niya.




Natawa na rin ako. "So sino si Josh?"




"Hindi ko rin alam, sino nga ba si Josh?"



Nagtawanan na kami pareho, nakaligtaan ko nang sundan si Trish, marami pa naman sigurong pagkakataon.

Kinagabihan sinubukan ko namang tumawag sa bahay nila Trish.



"Trish? Naku! Wala pa siya." Pamilyar sa akin ang boses ng sumagot.



"Maine?"



"Richard?"



"Bakit may iba pa bang tumatawag kay Trish?" Tanong ko dito.




"Ah eh parang ngayon ka lang kasi tumawag dito."



"Ah yun ba? Kasi madalas sa cellphone kami magkausap ni Ma--" Natigilan ako bigla. "Ni Trish." Pagpapatuloy ko.




"I see, actually akala ko si Josh." Biro nito.



"Ako talagang naiintriga na ako diyan sa Josh na yan eh, sino ba kasi yan?" Pabiro ko ring tanong dito.




Natawa ito ng malakas. "Hindi ko nga alam, sino nga ba si Josh?" Tawa na ito ng tawa.



Napasarap na naman ang kwentuhan namin at hindi na naman namalayan ang oras.




"Hala! Ala una na pala." Sabi nito sa kabilang linya. Napatingin din ako sa relo ko. "Maaga pa pasok ko mamaya sa shop."




"Ganon ba? So paano? Bye na?" Tanong ko dito.



"Oo eh" sagot niya.



"Okay, good night Maine sweet dreams."



"Night Chard! God'bless."



- - - - -



Kinabukasan maaga akong nagising kahit na late na kami natapos makapag-usap ni Maine sa phone. Busy si Riz sa pagprepare ng breakfast.



"Morning!" Bati ko dito.



Napatingin siya. "Oh gising ka na pala! Morning!"



Nilapag na nito ang nilutong bacon sa lamesa. "Coffee?" Tanong nito.



"Yes please." Sagot ko.



Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon