"Maine I'm in love with you...""Maine I'm in love with you..."
"Maine I'm..."
Paulit ulit kong naririnig at naaalala ang mukha ni Franco. Nagising na lang ako ng makarinig ng busina ng sasakyan mula sa labas ng bahay, bumangon ako at sinilip ito mula sa bintana, sumakit ang mata ko sa liwanag na sumalubong sa'kin. Ang taas na pala ng araw na hindi ramdam sa loob ng kwarto dahil sa napaka kapal na kurtina ni Joey. Maya maya lang ay luminaw na ang paningin ko sa pagkakasilaw at mula sa kinaroroonan ay tanaw ko si Trish na tumatakbo papunta sa isang sasakyan, hindi ito ang kotse ni Sam na sinakyan namin kagabi, pero pamilyar ito sa'kin. Bumaba ang sakay nito at kumpirmado! Si Chard nga. Bumilis ang kabog ng aking dibdib, lumiliit na ang mundo naming dalawa.
"Oh gising ka na pala?" Napalingon ako at nakita si Joey na mukhang bagong paligo dahil sa buhok nito na nakabalot ng tuwalya.
"Anong oras na ba?" Tanong ko dito.
"7:30?" Nagtatakang tanong niya.
"Ha?" Nagulat ako sa sinabi niya at agad na tinignan ang cellphone ko para siguraduhin, kaso dead batt na ito. "Ang kapal ng kurtina mo, kahit maghapon ako matulog hindi halata."
"Sinadya ko yan, para hindi ako maistorbo ng liwanag pagnatutulog, gayong panghapon naman ang klase natin." Paliwanag nito.
"Joey may charger ka ba diyan na pwede dito?" Iniabot ko sa'kanya ang cellphone para makita. "May kailangan lang ako i-text." Usually kasi ganitong oras nasa pilahan na ako ng jeep, 8am kasi ang in ko doon sa ice cream parlor na pinapasukan ko na 15 minutes away sa bahay nila Franco.
"Ayan nagchacharge na." Sabi niya ng maisaksak nito ang plug ng charger. "Tara baba na tayo ng makapag almusal." Sinusuklay na nito ngayon ang kanina'y balot na buhok.
Lumabas na kami ng kwarto.
"Libre dito ang almusal, oh diba bongga?" Kwento ni Joey habang pababa kami. "Pero tinapay lang, walang sinangag, tapos choice mo kung itlog, peanut butter o coco jam." Pagpapatuloy niya.
"Good morning!" Bati ng mama ni Trish habang inilalapag sa lamesa ang niluto nitong itlog.
"Good morning po ma'am..??" Hindi ko alam ang itatawag sa'kanya, hindi rin binanggit ni Trish kung anong pangalan ng mama niya.
"Mother earth." Singit ng isang babaeng nagaalmusal sa lamesa. Hindi talaga ako magaling sa pangalan kaya nakaligtaan ko rin kahit ipinakilala siya ni Trish kagabi.
Piningot siya ng ina ni Trish. "Mother earth ka diyan!" Sabay tingin sa akin. "Aling Sen na lang." Sabi nito habang nakangiti.
Dumiretso muna ako sandali sa banyo para makapag mumog at ayos ng sarili.
"Oh halika na!" Alok ni Joey na ngayo'y nakapwesto't kumakain na rin sa may dining na tila inaabangan ang paglabas ko.
Lumapit na rin ako sa mga ito at kumain.
"Kilala mo na ba mga 'to?" Tanong niya. "Yan si Vicky, Engineering student. Dun siya sa katabing pinto natin." Itinuro niya ang babaeng nagbiro kanina kay aling sen. "Siya naman si Pia, nagtatrabaho na yan." Pagpapatuloy niya. "May 3 pa kaso nakaalis na, mga nursing students naman mga iyon."
"I see. Pinakilala na rin sila kagabi ni Trish." Sabi ko dito.
"Ah okay." Pinagpatuloy na niya ang pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/50726618-288-k20174.jpg)
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...