Chapter 17: The Song

44 10 1
                                    




Kasalukuyan na kami nasa sasakyan ni Riz. Busy ito sa kanyang cellphone marahil ka-text si Franco at pinaguusapan saan kami pupunta.

"Nagda-drive yung tao text ka ng text diyan." Sabi ko sa kapatid.

"Huh?"

"Sino yang ka-text mo?" Kumpirma ko.

"Sila Franco." Sagot niya.

"Kaya nga, nagmamaneho tinetext mo."

"FYI kuya si Maine taga sagot niya."

Natahimik ako sa narinig, bakit parang iba ang impact sa akin ni Maine ngayon? Hindi ko maipaliwanag ang sarili.

Maya maya lamang napansin kong dahan dahan na ang patakbo ni Franco, dito na siguro banda ang pupuntahan namin dahil magkakatabi na ang mga coffee shop. Nag-park na ito, sumunod naman ako. Pagbaba namin ni Riz agad naming sinalubong sila Maine, tila may diskusyon ang dalawa.

"Guys saan tayo?" Tanong ng kapatid ko.

"Wait lang Riz, gusto na kasi mauna ni Maine." Sabi ni Franco.

"What? Bakit?" Tanong pa rin ni Riz.

"Sorry ah di na ko makakasama, don't worry ituloy niyo lang yan pero ako kailangan ko na mauna, may work na ulit ako bukas sa shop eh." Sagot ni Maine.

"Ha? Hindi naman pwede kita hayaan umuwi mag-isa nakainom ka pa." Sabi ni Franco.

"Oo nga tapos ganyan pa ayos mo." Saad naman ni Riz.



Napatingin tuloy ako sa kay Maine mula ulo hanggang paa habang nagdidiskusyon ang mga ito, hindi ko napansin ang ayos niya kanina sapagkat madilim sa may club maging sa nilakaran namin sa labas nito, at ngayo'y napapaligiran na kami ng maliwanag na kapaligiran litaw na litaw ang ayos niya, hindi ito nakatali tulad ng pang araw-araw niyang ayos ng buhok, naka-dress ito ngayong gabi at simple man ang make-up makikita talaga ang pagbabago niya mula sa pangkaraniwan niyang ayos at sa kakaibang ganda niya sa gabing ito.

"Okay sige final!" Hindi pa rin pala sila tapos sa pinagtatalunan. "Hahayaan kitang umuwi pero dalhin mo na lang yung kotse." Iniabot ni Franco ang susi na hawak nito kay Maine. "Ako na lang ang magtataxi pauwi." Aniya.

"Or pwede naman namin siya isabay." Advice ni Riz.


"O-okay." Sagot ni Maine.

Hinila ko si Riz sandali upang kausapin habang magkausap pa si Franco at Maine. Akma na sanang patalikod si Maine at patungo sa sasakyan ng makita ko ito at tinawag.

"Maine! Wait!" Napatingin ito sa akin, actually silang tatlo. "Uhmm sakin ka na sumabay." Nakatingin pa rin siya pero sa pagkakataong ito may pagtataka sa mga mata niya. Lumapit ako kay Franco. "Pre pwede paki hatid si Riz after niyo dito?"

"S-sure." Sagot niya.

"Chard okay lang naman, kaya ko na to' go ka na lang sa kanila." Sabi ni Maine.


"I insist." Sagot ko.


"Oo nga girl, atleast may kasama ka." Suporta ni Riz sa idea ko.

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon