"Morning friendship!""O Joey! Napatawag ka? Nasa tryc ako medyo hindi tayo magkakaintindihan." Sabi ko ng sagutin ko ang tumatawag na kaibigan, papunta na akong trabaho sa mga sandaling ito.
"Sabi mo kasi pagod ka na kagabi nung dumaan ka kaya hindi na kita kinulit paguwi mo, eh ngayon baka may gusto ka i-share."
"Ha? Ano ano? Share? Anong i-sshare?" Hindi na nga malinaw ang dating niya, hindi ko pa ma-gets ang sinasabi niya.
"Yung kagabi kako! Ano meron ba't magkasama kayo?" Nilalakasan ni Joey para maintindihan ko.
"Ah yun? Sus! Wala! Napadaan siya sa shop, di naman niya expected na nandun pa ko kasi pang-umaga ako usually diba? Nagkataon pa-out ako sinabay na niya ko, tutal may sasakyan nakiusap ako gusto kita makita." Pagsisinungaling ko sa kaibigan upang hindi na ito gaano magtanong pa.
"Ganun? Akala ko pa naman.." See! Effective! naniwala si Joey. "anyway sige dahil nami-miss mo ako baka bukas pumasyal ako sa inyo, text text na lang." Kusa na lang naputol yung tawag.
Nagdaan muli ang maghapon, nagpaalam ako sa manager ko na hindi ako magoovertime sa araw na ito, araw kasi ng linggo ngayon at gusto kong makapagsimba man lamang, buti na lang ay naintindihan naman niya at pinayagan ako.
Tinext ko rin si Franco baka sakaling masamahan niya ako, magmula kasi ng maging sila ni Riz, bihira na lang kami nakakalabas, halos sa bahay na lang kami nakakapag catch-up pero sa maikli lamang din na oras pagkat naguusap pa rin sila sa telepono ng girlfriend niya. Hindi ako binigo ni Franco, pinagpasyahan kong doon na lamang kami magkita sa simbahan ng subdivision.
Nauna akong dumating sa simbahan, ilang minuto bago magsimula ang misa ay sumunod na rin si Franco kasama nito ang girlfriend niya. Bilang late sila wala na kaming nakitang mauupuan kaya't nakatayo kami buong mass.
"Maine park tayo." Yaya ni Franco ng matapos ang misa.
"Nepomuceno paki daan na lang muna ako sa bahay bago kayo pumunta sa kung saan. Please." Pakiusap ko dito. Alam ko naman kasing OP lang ako kung sasama pa ako sa kanila.
Humarap sa akin si Riz na kasalukuyang nakaupo sa front seat ng sinasakyan namin. "You sure? Kahit kain na lang muna tayo kung ayaw mo sumama mamasyal." Sabi nito na sinundan ng matamis na ngiti. Bilang ayaw kong maging rude sa kabaitan nito hindi na ako nakatanggi pa.
Yung kainan ay nauwi sa isang coffee shop, wala naman akong choice dahil sabit lang ako. Nasa kalagitnaan kami ng pagkakape nang may lumapit sa amin.
"Kuya! Nandiyan ka na pala." May inabot si Riz sa kapatid.
Nakiupo na rin si Chard sa amin ngunit hindi na ito nag-abala pang umorder, hindi nagtagal ay nagpaalam na rin siyang aalis. Mukhang wala pang balak umalis yung dalawa kaya nagsabi na rin akong mauuna. Nakalabas na ako ng coffee shop, nakita ko rin si Chard na nagbubukas na ng pinto ng kotse at pasakay na. Iniwas ko ang tingin at nagsimula ng maglakad patungo sa maaaring pagsakyan ng tricycle.
"M-maine!" Naririnig ko ang tawag ni Chard ngunit hindi ko ito nililingon. "Maine sabay ka na." Nagulat ako ng sumulpot ito sa may gilid ko, kasalukuyan siyang naglalakad ng nakatalikod at nakaharap sa akin.
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...