Franco P. O. V.Napagtulungan pa ako nung dalawa kanina si Maine at Riz hirap talaga kapag mga girls na ang nagsanib pwersa, pero ang talagang tumatak sa isip ko yung nangyari sa may lobby. Tama ba ang nakita ko? Parang hindi magkakilala si Maine at Chard noong masalubong nila ang isa't isa? Hindi kaya yun ang iniiyak ni Maine nung nakaraan at ayaw niyang pagusapan? Ano kayang ginawa ng Richard na yon sa bestfriend ko?
"Seryoso!" Kinalabit ni Trish ang ilong ko.
"Uy kaw pala!" Sabi ko.
"So kamusta naman si Maine?" Marahil ay na-miss nito ang kaibigan ko.
"Okay naman, miss mo noh?"
"Oo eh, kahit di kami naging sing close tulad nila ni Joey magaan ang loob ko sa taong yun." Aniya.
"Madali talagang pakisamahan yun." Proud na sabi ko.
"So kamusta kayo?" Paguusisa nito.
"Ayos naman, bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Ipapaalala ko ba? Diba kaya siya napunta sa'min kas---"
"Sshh fine!" Pigil ko dito. "It's not what you think, wala na kong habol pa sa kanya masaya na ko sa kung ano kami ngayon." Paliwanag ko.
"Whatever you say so." Tila hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. "Your friend is such a sweet and loving person, she deserves someone na magpapa feel sa kanya how special she is.. Malay mo ikaw yun." Pangungulit nito.
"Alam mo kinikilabutan na ako sayo." Iritable kong sabi.
Imbes na layuan ako natawa pa ito sa reaksiyon ko. "Or baka naman si Riz na ang gusto mo this time, wag ka magkaila lagi ko kayo nakikitang magkasama." Patuloy na pangiintriga nito.
"Pwede ba tigil tigilan mo na ko." Galit-galitan ako kunwari upang tantanan na ako nito. Ngunit tulad kanina, hindi ito ulit nakumbinse bagamat tinawanan na lang ako at tuluyan ng nilayuan nito hanggang sa dumating na ang prof namin.
Kasalukuyan kaming nasa school ground ni Riz nagkwekwentuhan, may 5 kasing exempted sa nagaganap na exam sa subject namin ngayon at dalawa kaming kabilang sa mga iyon dahil sa outstanding performance na ipinakita namin noong midterm examination, matalino talaga si Riz buti na lamang ay magkasama kaming nagreview noon at natulungan niya pa ako ng technique para mas mapadali kong matandaan ang lahat, busy kasi si Maine noong mga panahong yon.
"Thank you talaga napasama pa ako sa mga masuswerteng hindi na mag-exam." Pasasalamat ko kay Riz.
Napangiti naman ito. "Ano ka ba ikaw ang sumagot ng test paper mo hindi naman ako." Humble na sagot nito.
"Alam mo ba si Maine....." Pinagmalaki ko dito kung paano din kami ng bestfriend ko noon mag-aral. "Scholar nga yun kaya tuwang tuwa sila mommy, hindi sila nagsisi na inampon namin siya." Pagpapatuloy ko.
Marami-rami na akong nasabi pero napansin ko tulala ito.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin ito. "Ha? Hmm hmm okay lang."
Ayos naman daw siya kaya pinagpatuloy ko ang pagkwekwento. "Hindi rin siya naging pabigat kanila mommy kasi high school pa lang kung ano anong raket na pinaggagagawa nun."
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...