"Ateeeeeeee!" Sinalubong ako ni Riz ng napakahigpit na yakap pagpasok na pagpasok ko ng bahay."R-riz?" Nagulat ako sa pangyayari.
"Dinudurog mo na bestfriend ko eh." Pilit kami pinaghiwalay ni Franco.
"S-sorry I can't help it. Kinikilig kasi ako." Paliwanang niya.
Tinignan ko si Franco, kung tama hinala ko kwinento na nito sa girlfriend niya ang tungkol sa amin ni Chard.
At dahil guilty siya, binigyan niya na lang ako ng peace sign.
Hay! Ewan ko sayo Franco Nepomuceno.
Saglit lang ako nakipagkwentuhan sa magnobyo at umakyat na rin ako agad upang makapagpahinga na.
Naisipan ko itext si Chard para man lang makapagpasalamat sa paghatid at pagsundo nito sa akin sa araw na ito.
Ilang sandali pa lang ng mai-send ko ang message ay tumawag na siya.
"Hello?" Pambungad ko.
"Walang anuman." Sabi nito mula sa kabilang linya.
Napangiti ako sa narinig.
"Pagod?" He asked.
"Medyo eh."
"Ganon ba? Oh siya hindi na muna kita kukulitin. Magpahinga ka na ha."
"Salamat. Good night sayo."
"Goodnight Maine."
"Night."
Pinakiramdaman ko ang pag-End niya sa call pero wala.
"Chard?" Tanong ko.
"Hmmm."
"Oh ba't di mo pa binababa?"
"Ay! Ako ba? No ikaw na magbaba."
"Ba't ako eh ikaw tumawag?"
"Ganon ba yon? Hindi naman eh, ikaw ang babae ikaw dapat una magbaba."
Natatawa ako sa amin, pero para matapos lang, dahil gusto ko na rin talaga magpahinga, pumayag na rin ako.
"Sige ako na, night ulit. bye!"
"Maine wait!"
"Po?"
"Good night sweet dreams!"
"Sweet dreams Chard."
"I-i love you Maine."
Parang may kung anong nagkakarera sa puso ko ngayon sa sobrang bilis ng tibok nito.
"G-God bless Chard." Yun lang at tuluyan ko na ngang pinindot ang end button.
Napangiti na lang ako, mga ilang minuto rin nagmuni-muni bago nagdasal at nagpasalamat sa mga blessings sa akin ng poong may kapal.
kinabukasan. The usual routine, gising. Bangon. Ligo. Bihis. Kain breakfast. Pasok sa work.
Nakalabas na ako ng gate ng muli kong mapansin ang nakaparadang sasakyan ni Chard sa harap ng bahay.
Nilapitan ko ito at kinatok ang bintana.
"Chard?" I said ng maibaba niya ang bintana.
Binaba niya ng bahagya ang suot na sunglasses then smiled at me. Geez! Those dimples. Ano ba!
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...