I. THE SONG OF MELANCHOLY (Ashana)

3.2K 36 0
                                    

I. THE SONG OF MELANCHOLY

TWO YEARS LATER…

Malalakas na sirena ng mga police cars ang narinig sa buong paligid.  Tatlong bangkay ng mga babae ang natagpuan sa lugar na iyon.  Pare-parehong may tama ng bala sa puso ang tatlong babae.  Napako ang tingin ng isang pulis sa isa sa mga bangkay.  Pamilyar kasi ang mukha nito sa kanya.

Dinala na ng iba pang mga pulis sa stretcher ang isa pang bangkay.

“Pare, ‘wag mo ng pagnasaan ‘yan, patay na ‘yan,” biro ng isang pulis sa kasamahan nitong tila nakatulala sa isang bangkay.  Tila natauhan naman ang binirong pulis.  Iniutos na rin nito sa mga tauhan na dalhin na rin ang bangkay na pamilyar ang mukha sa kanya sa stretcher.  Naiwan pansamantala ang isa pang bangkay.  Nakapagtatakang kahit tumigil na ang paghinga nito ay tila pinagpapawisan pa rin ang buo nitong katawan.  Butil-butil pa nga ang pawis nito.  Nakapagtatakang tila unti-unting humihiwalay ang pawis sa katawan nito…

(-ASHANA-)

“Aaaahhh!!!”  Napasigaw ako sa nakakatakot na panaginip ko.   Ikaw ba naman ang managinip ng pawis na naglalakad kung hindi ka mapasigaw.  Agad akong bumangon.  Nakatulog pala ako sa bodega ng school na pinagtataguan ko mula pa noong break time namin para lang makapagyosi ako.  No smoking kasi ang campus namin, pero chain smokers kami ng mga katropa kong sina Anya at Anci.  Sinindihan ko ulit ang isa pang yosi nang biglang pumasok ang dalawa sa bodega.

“Hoy Ashana!  Ang haba ng yosi break mo ah.  Lagot ka, cutting class ka na naman,” pananakot ni Anya sa akin.  Minura ko siya at natawa si Anci sa akin.

“Hindi ako nagbibiro.  Pumasok ka na.  Bibingo ka na kay Sir,” sabing muli ni Anya.

“Si Mr. Breen lang eh.  Eh di akitin,” sabi ko.

“Yuckie!  Magka-taste ka naman,” ismid ni Anya sa akin.

Sabay-sabay kaming pumasok sa classroom.

“May sarili kayong schedule ah,” bati sa amin ng class president naming si Lou.

“Eh di gumawa ka rin,” sabi ko.

“Tumahimik ka, Lee.  Kung hindi, detention ang abot mo!” banta ni Lou sa akin.

As if namang takot ako sa detention.  Who cares?

Gwapo sana si Lou kung hindi lang laging kita ang ugat niya dahil lagi siyang bad mood, parang laging nakasagap ng masamang hangin.  Sa pag-upo ko sa paborito kong upuan, isang bagong mukha ang napansin kong nakaupo sa tabi ko.

Gwapo rin sana ito kaya lang mukhang may pagka-emo.  Nakikinig ito sa player niya.  Kumakanta-kanta pa ng: “You’re all I want, you’re all I need.  You’re everything… everything…”

“Songer ah,” pang-aasar ko.  Pinatay niya ang pinakikinggang music at tinanggal ang ear plugs sa tenga niya.  Then he stared at me.

“Who are you?” he asked in an irritated voice.

“Ashana Lee.  And don’t tell me your name ‘cause I’m not interested,” sabi ko.  Lumipat siya ng upuan, pero feel ko pa rin siyang asarin.  Kaya ginaya ko ang pagkanta niya.  Kumanta ako ng malakas.  “You’re all I want, you’re all I need, you’re everything… everything…”

Habang kumakanta ako, isa-isang bumabagsak ang mga gamit ni Mr. Breen na nasa mesa niya.

Pumalakpak ang mapang-asar kong kaklaseng si JR sa performance ko, at naggayahan naman ang iba.

“Awaaaaaaaaatttt!” sigaw ni Mr. Breen.  Kanya-kanyang takipan ang mga kaklase ko, at siyempre pati ako, dahil talsik everywhere ang laway niya.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon