XXI. BEST FRIEND'S SALUTE

720 16 0
                                    

XXI.  BEST FRIEND’S SALUTE

(-ASHA-)

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nina JR at Lou nang muling magpatuloy ang pag-eensayo namin.  Ni hindi sila nag-uusap o nagbabatian.  Nakatayo si Lou sa tabi ko.  Malungkot ako dahil hindi rin ako kinakausap ni JR na siyang best friend ko sa grupo.  Halatang iniiwasan niya ako.

“Today, I’ll teach you speed,” panimula ni Erno.  Napakaganda talaga maging ng boses niya.  Napatulala ako sa gwapo niyang mukha habang nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Speed requires a lot of happy thoughts.  You need to think of people, things, or memories that give you happiness.”

-I’ll clearly be thinking of you, naisip ko.

“Sana naman walang magpasikat ngayon,” sabi ni Jessy na halatang nagpaparinig kay JR.

*I don’t think nagpapasikat si JR.  He is one of the kindest persons I know.  Astang mayabang lang siya, pero napakabait niya.

-Fille?  You’re talking to me again?  Thank God.  Akala ko nawala ka na.

*Lumalakas ka na siguro, Asha.  That’s why you overpower me most of the time.

-Fille, si Lou…

*Hayaan mo lang siya.  He will never give up even when there’s no hope at all.

-Sorry that I don’t love him like you do, Fille.  And Ii’m sorry that I love Erno as much as you do.

*Oh my Flash.  I miss him so much.

-Don’t!  Don’t let me go near him.   Magagalit sa akin si Lou.  Baka umeksena pa ‘yon dito.

*Talk to JR.  He’ll understand.  Hindi ka niya matitiis.

“Speed will become even more effective if you say the happy thoughts out loud,” sabi ni Erno.  “Dito muna tayo, tapos pupunta kayo sa rooftop isa isa.   I will record the time that you will take from here to the rooftop, and back here again.  It should only take a few seconds.”

Naunang sumubok si Kei.  “Fried chicken!” isinigaw niya.  Napakabilis niyang lumakad papunta sa rooftop at pabalik.

“Forty seconds,” anunsyo ni Erno.  Napakagaling niya.  Hindi ko alam kung may makakatalo pa no’n.

Sumunod si Robin.  Ibinulong lang niya ang kung anumang masasayang bagay na inaalala niya.  Sa isang iglap lang ay nakabalik na siya agad.

“Forty five seconds,” Erno said.  “Napakagaling niyo!”

“Jess, ikaw naman.”

Nag-umpisa na sa paglalakad si Jessy.  “Robin, marriage, peace, eternal happiness, victory, goodness, CMG, family…” she chanted.

“77 seconds.”

Mabilis pa din iyon.  Paano kung ako ang maging pinakamabagal sa speed test na iyon?  Iisipin ba nila na napakahina ko?  Lou came in next.  Bumulong muna siya ng “I love you” sa akin bago siya nagsimula.  Isinigaw lang niya ang “Fille” and he was able to walk very fast.

“Fifty seconds, Lou.  Nice!” puri ni Erno.  It was JR’s turn next.  Nag-alangan ako bago ko siya tinawag at sinabihan ng “Good luck.”  Sumaludo siya sa akin.  Napangiti ako at sumaludo rin sa kanya.

*Ang sweet naman niya.  Hindi ka talaga niya natiis.

Bago pa man ako mapakurap, nakabalik na agad si JR.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon