---
Sinamahan ni Caroline ang grupo patungo sa tunnel ng Negative Force. Nag-iba na ang istruktura nito. Ngayon ay mistulang mansyon na ang lugar sa sobrang lawak at taas. Ngunit sa main gate palang ay isang pagsubok na agad ang kinailangan nilang harapin. Ang main gate ay nababalutan ng yelo! Hindi pa man sila gaanong nakakalapit dito, nakaramdam na sila ng ibayong lamig. Sa labas pa lang ay parang maninigas na sila sa lamig. Ginamit ni Robin ang natutunan sa Transfiguration. Ginawa niyang makapal na sweater ang blouse na suot ni Jessy nang mapansin niyang ginaw na ginaw na ito. Ganoon din ang ginawa ni Lou sa suot ni Ashana. Habang nilalamig sa isang sulok si Anton, nakaisip siya ng paraan. Dahil isa siyang Dissolver, nagawa niyang tunawin ang lahat ng yelong bumabalot sa buong paligid. Halos bumaha na sa paligid nang matunaw ang mga yelo. Umabot na ang tubig sa bewang nila.
Nakaisip nag paraan sina Erno, Melo, Kei at JR para mapasok ang gate. Pinagtulung-tulungan nilang i-Transfigure ang tubig sa isang susi. Isang susi na makakapagbukas sa main gate.
Pinagalaw ni Ashana ang susi sa pamamagitan ng mga mata patungo sa main gate. Unti-unti iyong nabubuksan ngunit napakaingay nito kaya’t agad na ipinahinto ni Lou ang ginagawa niya.
“Hindi nila dapat malaman ang pag-atake natin para hindi sila makapaghanda,” sabi ni Lou.
Kinausap niya agad si Erno sa isip at napagdesisyunan nilang i-Transfigure na lamang ang gate na maging isang paru-paro para makapasok sila. Ngunit kahit ang pinagsanib nilang pwersa ay hindi iyon nagawa dahil napakataas ng gate na iyon na limang palapag ang katumbas ng taas.
Nang pumalpak ito, ibang paraan ang naisip ni JR. Agad niyang isinama si Ashana. Hawak ang kamay nito, lumundag sila hanggang sa marating nila ang tuktok ng napakataas na gate.
“Ang sakit ng paa ko, Sir,” reklamo ni Ashana.
“Kapit lang, Ma’am,” tugon ni JR. “Lulundag ulit tayo papasok.”
Kinausap niya rin agad si Erno sa isip at sinabihan na pumasok na ang lahat sa pamamagitan ng paglundag. Sumakay si Ashana sa likod ni JR nang lumundag ito papasok sa loob ng main gate. Sumunod na rin si Erno na buhat-buhat sina Jessy at Caroline. Pagkatapos ay sumunod sina Lou, Kei, at Robin. Bagama’t hindi pa nila nakita si Melo na mag-ensayo ng leaping, maraming beses na itong nag-obserba sa mga ensayo nila, kaya may ideya na si Melo kung paano ang gagawin. Nang mapansin niyang si Anton na lang ang naiiwan, kinausap na niya ito.
“Ka-jerjer, ano na? Kailangan na nating lumundag papasok,” sabi ni Melo.
“Paano?” tanong ni Anton. Walang sabi-sabing inakay siya ni Melo at lumundag sila pataas ng gate. Ito ang unang beses na ginawa ito ni Melo kaya’t tuwang-tuwa siya na hindi siya pumalpak.
Nang makumpleto na sila ay dahan-dahan nilang binagtas ang hallway papasok sa sikretong tunnel. Nanguna ang magkakasamang sina Anton, Robin at Jessy. Napatigil sa paglalakad si Jessy nang may makitang kumikinang na bato. Nang hawakan niya ito ay bigla na lang itong naging tao! Si Nico! At agad nitong tinakpan ang bibig niya para hindi na siya makahingi ng tulong sa iba. Ngunit nasaksihan ni Robin ang pangyayari at sinugod niya mula sa likuran si Nico. Bumagsak agad ito. Patakbo na dapat sila ni Jessy nang masaksihan nila ang isang bagay na hindi nila inaasahan! Nag-transform si Nico at naging isang tigre. Nakagat nito ang paa ni Robin. Bago pa nito tuluyang malapa ng buhay si Robin, naroroon na si Anton para sumakolo.
“Freeze!” sigaw niya. Biglang huminto sa paggalaw ang tigre at nagmistula itong display na tigre lamang sa isang museo.
Tinangkang pagalingin ni Jessy ang sugat ni Robin sa paa dahil ang dami ng dugo ang nawala mula rito. Habang hinahawakan niya ang sugat nito ay damang-dama ang sakit ng kagat ng isang tigre. Hirap na hirap siya pero pinilit niyang hindi bumitaw dahil alam niyang dobleng sakit ang mararamdaman ni Robin kapag binitiwan niya ang sugat nito agad.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...