II. NUMB (ERNO)

851 16 0
                                    

E R N O

Natutulog ako, pero nakarinig ako ng boses ng isang babae, kumakanta ng “Everything,” ang kantang isinulat ko para kay Fille.  Hindi kay Fille ang boses, pero pakiramdam ko ay tinatawag ako ng boses na iyon.  Sinundan ko ang boses hanggang sa makarating ako sa isang classroom.  Sumilip ako.

Nasa loob si JR, at ang babaeng sa pagkakatanda ko ay Ashana ang pangalan.

Bakit niya kinakanta ang kanta ko?

Pinakinggan kong mabuti ang boses niya, at nagustuhan ko ito.  Akala ko ay tuluyan na akong namanhid, kahit papa’no pala ay nakakaramdam pa rin ako.  Pumikit ako.

Nakita ko ang imahe ng babaeng pinakamamahal ko.  Nakangiti siya sa akin.

Muntik na akong mabunggo ni JR paglabas niya sa classroom, pero hindi niya ako napansin.

I transfigured a chair into a flower and I directed it on top of the girl’s bag.  It made her smile.

Pag-alis niya sa classroom, nagtungo naman ako sa isang puno.  Nahiga ako sa mga sanga nito.  Dumating si Caroline.

“I’m proud of you, Erno.  You’re still breathing,” biro niya sa akin.

Paano niya nalaman na hindi ko kayang mabuhay ng wala si Fille?  That I am broken, and that I would never be healed?

“The powerful evil is afraid of you, Erno.  She really is.  Ngayong patay na ang Pacifier, hindi na niya alam kung paano ka niya tatalunin,” sabi ni Caroline sa akin.

The powerful evil?  Dominika?  Bakit nga ba hindi ko agad naisip ‘yon?  Bakit hinid ko agad naisip na harapin siya na tiyak kong ikamamatay?  Sa ganoong paraan, hindi ko na mararamdaman ang sakit na ganito…

“Takot sa ‘yo ang pwersa ng Negative Force…” pagpapatuloy ni Caroline.  Matagal kaming hindi nag-usap.  Hanggang sa basagin na niya ang katahimikan.

“Gusto mo bang tanggalin ko ang sakit na nararamdaman mo, angel?” she asked.

Hindi ako sumagot.  Then, I just found myself naked in Caroline’s bed.

“Anong ginawa mo?  Pinatigil mo ba ang oras at…?” gulat na tanong ko.

“Yes.  And I took away your pain,” nakangiti niyang sabi.

“Kailan mo ba maiintindihan, Caroline?  We can’t do THAT!” I scowled.

“We already did,” she said.  “I’m sorry… but… what’s wrong?  The Leaper’s already dead.  You are free.”

“Wala na akong pakiramdam.  At kahit kailan, hindi na ako makakaramdam!”

She suddenly kissed me.

“Wala?  Wala ka pa ring maramdaman?” tanong niya, pagkatapos.

Sinabi ko ang totoo, na wala talaga akong naramdaman.

“I love you,” sabi niyang punung-puno ng emosyon.

Nanatili akong tahimik.

#Erno, nasa’n ka ba?

Biglang narinig ko ang boses ni Lou sa isip ko.  Luminga-linga ako ngunit wala siya sa paligid.

“What’s wrong?” tanong ni Caroline.

May isa pa akong kakayahan na hindi ko pa naituturo kay Caroline.  And that’s mind talking.

I stopped the time from moving.  But Caroline didn’t stop with it.

She smiled at me.  “Planning to leave again?”

Why?  Why on earth can’t I freeze her?  She CAN freeze me.  Why can’t I do it to her?

Pinagalaw kong muli ang oras.  “See you soon, Caroline.”

“Alright.  But if you’re still in pain, you know where to reach me.”

I left as soon as I can.  Dapat ko pa bang pagkatiwalaan si Caroline ngayong miyembro na siya ng Negative Force?

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon