(-ASHANA-)
Nagpapabuhat ako sa likod ni JR nang mapansin kong naiirita ang kakambal niya. Buti na lang at medyo nakalayo na kami sa kanya at sa boyfriend niya. Hindi ko alam kung bakit hindi palagay ang loob ko kay Robin kahit wala naman itong ginagawa sa akin.
“Aray ko naman, Asha! Ang bigat mo…” reklamo ni JR.
“Totoo bang may nababasa kang pangalan o imbento mo lang ‘yon?” tanong ko.
“Meron nga,” sagot niya. “Umuna ka na nga pauwi, may lakad pa kami ni Kei…”
“Sama ako…” sabi ko.
“Wag na. Manggugulo ka lang eh. Teka Asha… ano nga pala’ng pangalan ng parents mo?” tanong ni JR.
“Malay ko…” sagot ko. “Tita ko naman ang nagpaaral sa akin eh. Sabi niya bata pa raw ako binigay na ako ng mga magulang ko sa kanya…”
“Hindi mo alam ang pangalan?”
“Hindi eh. Wala akong kaalam-alam. Ang alam ko lang type kita...” sabi ko.
“Ba’t ganun? Hindi ka ba nagtatanong? Hindi ka ba naku-curious?” tanong niya.
Deadma sa sinabi ko. Feeling gwapo…
“Hindi,” sagot ko. “Mas curious pa ako kung sinagot ka na ni Ericka.”
“Friends lang kami no’n,” sagot niya. ”Eh ‘yung pagkanta mo na nakakapagpabagsak ng gamit, matagal ka na bang gano’n?”
Ayy… gusto ko ‘to. Parang iniinterview niya ako. Crush siguro ako ng mokong…
“Hindi naman. Pero noon, nakakarinig ako ng kung anu-anong boses. Minsan mga panaghoy, mga iyak. Minsan naman, tibok ng puso…” pagkukuwento ko.
“Hindi ka nagpadoktor?” tanong niya.
“Hindi na. Nasa States ang tita ko eh. Hindi naman niya alam. Teka nga pala, curious ako sa pagiging Rewinder. How does it work?” tanong ko.
“Hinahawakan ko lang ‘yong isang bagay, tapos ‘yung huling ginawa ng may hawak non, nagfaflashback sa utak ko, gano’n…” pagsasalaysay ni JR.
“Ayos ah…” napahangang sabi ko.
“Tena, puntahan na natin si Kei…” yaya niya.
“Teka, hindi pa tapos ang kwento ko. Alam mo ba, lagi rin akong nananaginip ng isang babae na pasilip-silip sa kwarto ko,” sabi ko sa kanya.
“Mga ilang gabi mo ng napapaniginipan?”
“Madalas. Hindi ko na mabilang…”
Pumunta kami sa boarding house ni Kei. He tried to contact his dad in Japan. Mukhang okay na okay naman ito.
“Ang labo, ka-jerjer… bakit kaya siya nasa listahan?” gulung-gulong sabi ni JR.
“Hindi ko alam, ka-jerjer. Mabait naman ang tatay ko, utangero nga lang. Baka listahan lang ‘yan ng mga may utang,” paliwanag ni Kei.
Sakto pagbukas ko ng TV, isang masamang balita agad ang tumambad sa akin. Another village was burned down!
“Ekstraordinaryong kaso ‘to…” sabi ni JR.
“Ayos ang trip ah, sunog,” sabi ko.
“Sunog-baga siguro ang gumawa niyan,” sabi ni Kei.
Bigla na lang akong nahilo. Grabe ang sakit ng ulo. Parang umiikot na ang paningin ko…
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...