X. HATED (part 1)

682 13 0
                                    

X. HATED

E R N O

Dead… Never waking up… Pain… Love… Fille… Forever…

---

~Lou’s journal~

Matapos pagalingin ni Erno si Jessy, bumalik kami sa headquarters namin para ipagpatuloy ang pag-eensayo namin.  Erno didn’t come back.  Parang nahulaan ko na kung bakit.  Siguro ay kinausap rin siya ni Fille at nagpaalam rin ito sa kanya.

Kahit na nagpaalam si Fille sa akin, pakiramdam ko ay lumakas ako dahil nakumpirma ko mula mismo sa kanya na minahal niya rin ako.  Hinding-hindi namin maipaghihiganti ang pagkamatay niya kung hindi kami mag-eensayo ng puspusan.

So I gathered the group even without Erno.  We continued practicing letting objects move using our eyes, and leaping.  We were getting better.  Lalo na si JR na mukhang lalong napapalapit sa halimaw na si Ashana.  Natatakot ako sa nangyayaring iyon.  Paano kung isang araw ay bigla na lang kaming traydurin ni JR?

He is slowly getting stronger.  And that is what’s scaring me.

#Erno, where are you?  We need you here.

Hindi siya sumagot.

#Nagpaalam rin ba si Fille sa ‘yo?

Again, there was no response.

#Tapos na kami sa pagpapractice ng leaping at pagpapagalaw ng mga bagay sa pamamagitan ng mga mata.  What’s next?

No response.  Doon ako nagsimulang mag-panic.  What if he hurt himself?  Paano ko malalaman kung nasaan siya?  He’s not even responding to my mind talks.

“Keep practicing, guys.  I’ll be back soon,” I told the group as I hurriedly left.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon