XVIII. HEARTACHE (part 2)

731 14 0
                                    

E R N O

Nag-ensayo kami ni Kei ng pagpapagalaw ng mga bagay sa pamamagitan lang ng pagtitig sa mga ito.  Gumamit siya ng mga sapatos sa pag-atake sa akin.  Pinagalaw niya ang mga sapatos patungo sa akin at isinampal iyon sa mukha ko.  Pinabalik ko naman ang mga sapatos sa direksiyong kinatatayuan niya, at pinagalaw ko ang mga sintas para bumuhol sa leeg niya.  Tumigil lang ako nang mapansin kong hindi na talaga siya makahinga, hanggang sa biglang sinabi niya sa akin na biro at acting niya lang na hindi na siya makahinga.

“Pag namatay ba ako, ka-jerjer, mami-miss mo ako?” biglang naitanong ni Kei sa akin.

“Oo naman,” kaswal na sagot ko.

“Bakit?” muling tanong niya.

Nag-V sign ako sa kanya at ngumiti.  Hindi ko namalayang pinagalaw na niya pala ang sapatos papalapit sa mukha ko.  Nasampal ako ng sapatos sa mukha.

“Bakit mo ako mami-miss, dahil cute ka?  Ang labo ng sagot mo, ka-jerjer.  ‘Yan ang dapat sa ‘yo, sinasapatos sa mukha…”

Napahawak na lamang ako sa pisngi kong nasampal ng sapatos.  “Ka-jerjer, alam mo ba…?” mahinang turan ni Kei.  Hindi ako sumagot at hinintay ko lamang na ituloy niya ang sasabihin.  “May paparating dito ngayon, malakas ang pakiramdam ko…” pagpapatuloy niya.  “Countdown tayo…” 

Sinabayan ko si Kei sa pagbilang mula sampu pababa, at sakto pagkasabi namin ng “one” ay tumunog ang doorbell.  Papunta na sana si Kei sa may pinto para pagbuksan ang dumating nang makaisip ako ng kalokohan bilang pagganti sa pagsampal niya ng sapatos sa mukha ko.  Pinagalaw ko ang kubre kama hanggang sa matakpan nito ang mukha niya.  Natatawa kong binuksan ang pinto.  Si JR lang pala.

“Inuman tayo, mga ka-jerjer,” agad na salubong ni JR sa akin.  Pinapasok ko siya.

“Raenteg beer,” sigaw ni Kei.

“Sira, ka-jerjer, bumili ka na lang.  Ang lapit lang kaya ng tindahan,” natatawang turan ni JR.  Natawa rin tuloy ako.

“Tawa ka diyan,” naiinis na sabi ni Kei sa akin.  “Diba refrigerator ka?  Ba’t di mo na lang gawing alak ‘tong mga sapatos?”

Pinigil ko ang pagtawa.  “Kasi naman, ka-jerjer, kahit naman REFRIGERATOR ako, hindi naman pwedeng gawing pagkain o inumin ang kahit anong bagay,” paliwanag ko na idiniin pa ang pagbigkas sa salitang refrigerator.  Alam kong “transfigurator” ang ibig niyang sabihin.  Tawang-tawa si JR habang si Kei naman ay walang kaide-ideya sa pinagtatawanan namin.

“Eh di gamitin mo ang bilis mo, ikaw na ang bumili,” sabing muli ni Kei na napapakamot na lamang sa ulo.  Napatingin siya kay JR, at humirit na naman ng kanyang obserbasyon.  Pero alam kong hindi biro ang pagkakaroon ni Kei ng matalas na pakiramdam.  He is almost always right.  “Bakit ganun, ka-jerjer?” banat niya kay JR.  “Tumatawa ka nga pero nararamdaman kong deep inside ay umiiyak ka?”  Sa reaksiyon ni JR, I knew that Kei had touched a nerve.  Pero pinili kong manahimik.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nag-iinuman na kaming tatlo.  Hindi kami gumamit ng mesa.  Ang mga alak na binili naming ay pawang mga nakalutang lang sa ere.  Pinasayaw pa ni JR sa ere ang isang bote ng alak.  Maging sa pag-inom ay hindi ko rin hinahawakan ang bote.  I just controlled it with my eyes.

“Huwag tayong masyadong maglasing, mga ka-jerjer,” paalala ko.  “Kailangan pa nating magpractice ng speed at mind-talking bukas.”

“May balita nga pala ako sa inyo,” pagbibigay-alam ni JR.  “Nakumpleto ko na ang listahan sa nasunog na village.  Lahat ng mga magulang o guardian nating lahat ay nasa listahang iyon, maliban sa ‘yo, Erno.  Walang Gulbe o Gulbis sa listahang iyon.  Wala ring Lee roon.  Ibig sabihin, wala kayong kamag-anak ni Asha sa listahang iyon.”

“…Cainglet, meron ba?” hindi ko napigilang maitanong.

“Janet Cainglet,” tugon ni JR.

“Kung walang Lee sa listahang ‘yon, isa lang ang ibig sabihin no’n… halimaw ang Ashana na ‘yon,” agad na konklusyon ni Kei.

“Adik ka ba, ka-jerjer?  Ibig mong sabihin pati si Erno, halimaw?  Wala rin siyang kamag-anak sa listahang ‘yon,” sabi ni JR.

“Hmm, oo nga ‘no,” tila napaisip na sabi ni Kei.  “Ano nga kaya ang listahang ‘yon?”

“May teorya ako na listahan ‘yon ng mga nilalang na may mga ekstraordinaryong kakayahan, both from the positive and the negative force…” sabi naman ni JR.

“Ang mga magulang niyo?  Ekstraordinaryo rin sila?” tanong kong naguguluhan.

“Malay natin, ka-jerjer.  Baka hindi lang nila ipiagtapat sa amin ang totoo.  Mahirap naman talagang ipagtapat ang mga gano’ng bagay,” paliwanag ni Kei.

“Naisip ko lang, ka-jerjer,” sabad ni JR.  “Diba hindi mo naman tunay na mga magulang ang mga magulang na nakagisnan mo?”

Tumango ako.

“Yun ‘yon, ka-jerjer.  Baka kaya walang Gulbe o Gulbis sa listahang iyon dahil hindi naman sila ekstraordinaryo.  Baka nasa listahan rin ang tunay na ama o nanay mo, pero hindi lang natin alam ang pangalan,” sabi ni JR.

Napaisip ako.  Maybe he was right.

“Is someone by the surname of Bolelli also in that list?” tanong ko.

“Not sure.  I’ll check.  Bakit?  Sino ba ‘yon?” tanong niya.

“Si Simone Bolelli, na kilala rin sa pangalang Oliver.  I believe he was a part of the negative force.  He was the original Copier.  Nagpanggap siyang nanay ni Fille noon, bago pa man namin matuklasan ang lahat ng kakayahan namin. Ginaya niya ang mga mukha namin noon, pagkatapos ay dinala niya kami sa art studio, dun niya kami binalak patayin lahat, para makuha ang lahat ng mga ekstraordinaryong kakayahan namin, pero dahil sa tulong ng kaibigan naming Clue Seer na si Carla, nalaman namin ang sikreto niya!” paliwanag ko.

“Clue Seer? Malaki ang maitutulong niya ulit dito, bakit hindi niyo ulit siya tawagan?” tanong ni JR.

“She’s dead,” paliwanag ko.

“Hindi talaga kami makapaniwala noon, ka-jerjer, na ang mga kaibigan naming sina Dominika at Simone.  Ang buong akala namin noon, mga ordinaryong tao lang sila,” dugtong ni Kei.

“Napakarami talagang kababalaghan sa mundong ‘to ‘no?  Alam niyo bang may isang bagay rin akong natuklasan ngayon?  Ericka is also a Multiplier,” JR informed us.

Both Kei and I were surprised.

“Is she a part of the negative force?” tanong ko.

“No.  Wala siyang clue about the two forces.  Ginagamit lang niya ang kakayahan niya for harmless situations,” paliwanag ni JR.

“Pwede siyang sumali sa CMG, kung gano’n, ka-jerjer.  Cute din ‘yon eh, chinita pa, sobrang kinis pa…” may kapilyuhang iminungkahi ni Kei.

Pero hindi ako sumang-ayon sa suhestiyon niya.  Ayoko nang madagdagan pa ang mga taong handang magbuwis ng buhay para sa labang kung tutuusin ay hindi naman nila kailangang harapin…

---

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon