XXXII. BACK TO NORMAL
FILLE.
Isang napakalungkot na pangyayari ang mawala sa amin si JR, at tatanawin kong malaking utang na loob ang pagsasakripisyo niya ng sarili niyang buhay para sa akin. I never found out why JR chose me to live instead of Ashana. Right before the soulsaver killed Ashana, she told me her theory. That it was me whom JR really loved, that he loved her because right from the start he could feel my presence in her. I don’t believe it. But maybe a little. Naalala ko kasi nang minsang makita niya akong umiiyak at akala niya ay pinaiyak ako ni Anjo. He was ready to hurt him for me. Maybe it was just a friendly love, maybe it’s something more. But deep in my heart, I finally understood. He chose me to live because he knew it’s what would make everybody happy. He chose the others above his own happiness. Hindi na ako nagulat nang malaman ko ang katotohanan na kakambal ni Erno si JR. His heart was so pure and so selfless. Mami-miss ko siya habambuhay. Masaya ako na nasabi ko kay Ashana na pinapatawad ko na siya bago pa mahuli ang lahat.
Sa libing nina JR at Ashana, lahat kami ay umiyak. Nagpaalam kami sa masasayang alaalang ibinahagi ni Ashana, at sa lakas at katatagang ipinakita ni JR. Siguro ay magkasama na sila ngayon, walang makapagsasabi.
Sa gitna ng labis na pagdurusa, biglang sumaludo sa amin si Kei. “Hinding hindi ka namin makakalimutan, ka-jerjer.”
At isa-isa rin kaming sumaludo.
“Pati ikaw, Ma’am Asha,” sabi ni Kei. “At kung nasaan ka man ngayon, sana naririnig mo ako, pinapatawad na kita.”
Bago kami umalis sa lugar na pinaglibingan sa kanila, sinira ni Erno ang mga singsing. At simula noon, nawala na ang mga kakaibang kakayahan ng bawat isa sa amin. Naging mga pangkaraniwang nilalang na lang kami.
Ang kasal namin ni Erno ay isinabay sa kasal nina Jessy at Robin. At si Lou ang naging best man ni Erno, si Anjo naman ang kay Robin.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sabay rin naming isinilang ni Jessy ang aming mga panganay. Parehong lalaki ang anak namin.
Pareho rin ang ipinangalan namin: Jeremy Robert Gulbis ang sa amin ni Erno, at Jeremy Robert Rono ang sa kanila ni Robin.
Ito ay bilang alaala sa pinakamalakas at pinakamabuting tao ng panahon namin: si JR!
---
E R N O
Magkahalong emosyon ang naramdaman ko sa araw na ikinasal kami ni Fille. Masaya, dahil ito ang bagay na matagal ko ng pinaka aasam-asam, ang makasama habang buhay ang kaisa-isahang babaeng minahal ko. Malungkot, dahil hindi ito masasaksihan ng kakambal kong si JR.
Kinanta nina Anjo, Melo at Kei ang “Everything” sa kasal namin. At ang bawat katagang binabanggit nila sa kanta, alam ko iyon ang sinasabi ng puso ko, sinasabi ng puso ko para sa babaeng pinakamamahal ko.
Nang magkaroon ng picture taking sa reception, ang ilan sa kanila ay nag-pose gamit ang V sign, ngunit iba ang sa akin. Sa lahat ng mga larawang kuha sa reception, nakasaludo ako.
My twin brother sacrificed his life for me to have the perfect life I’ve always dreamed of. Ni hindi niya nalaman ang katotohanan na magkakambal kami, but he still chose to do it for me. Maybe he loved Ashana too much, but in the end, he still chose the Positive Force. His sacrifice would always be my greatest treasure.
Alam ko na kahit nagbalik na sa normal ang lahat, hindi pa rin mawawalan ng mga masasamang tao sa mundo. Gagawa pa rin ng masama ang ibang tao, at marami pa ring karumal-dumal na krimen ang mababalita sa telebisyon. Wala man ang kakaibang kakayahan naming lahat, hindi ko makakalimutan kailanman ang minsang nasabi sa akin ng kakambal ko: Ang pag-asa ang isang bagay sa mundo na hinding hindi mawawala kahit kailan. Kaya’t mananatiling buhay ang pag-asa ko na mananaig ang kabutihan laban sa kasamaan.
Hinihiling ko na lahat ng mga taong namatay, ang mga taong inosente, maging ang mga bahagi ng Positive at Negative Forces ay makaranas ng ibayong katahimikan.
Here’s to peace, love, and happiness.
-Ka-jerjer Erno.
(Lou’s journal)
Fille and Erno’s wedding. I thought I could never be happy with that. But seeing her smile like she’s the happiest woman on earth, di ko na rin napigilang mapangiti. Na may kasamang luha ng pagkabigo siyempre. And no matter how hard I tried, I just can’t forgive myself for letting JR die. JR, the coolest, kindest person I’ve ever met. He could’ve been the leader of the Positive Force for all his strength, but he let me lead. If not for his will to let Ashana live when Erno and I tried to kill her, Fille would not be with us anymore. Maybe that’s the reason why the soulsaver chose him instead of me. All he wanted was the happiness of the group while all I wanted was a life with Fille forever. There was never a regret in his heart when he sacrificed his life. But in my heart, that time, all I was thinking was Fille and Erno would be together, and I would never see her again. I deserved to die more than JR. I wish I could forgive myself someday for his death.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...