XIII. MORE PRACTICE
Nagtungo sina Caroline at Erno sa kinaroroonan ng iba pang members ng CMG. Napatingin ang lahat sa kasama ni Erno na si Caroline.
“Siya si Caroline,” pagpapakilala ni Erno. “She was the blind girl who helped us stop the curse on the picture. Nandito siya ngayon dahil tutulungan niya tayo sa pagharap natin sa negative force.”
*Bakit magkasama sila? I don’t trust her! sabi ni Fille kay Ashana.
-I don’t either, sagot ni Ashana.
“Pagagalingin niya ang lahat ng mga sugat niyo,” pagpapatuloy ni Erno. “Did you find anything in the place?”
“Isang lumang singsing ang nahanap ko, ka-jerjer,” sagot ni JR.
#He tried rewinding holding the ring. All he saw was 1863, sabi ni Lou sa isip.
Tumingin si Erno kay Caroline, and she instantly knew that Erno wanted her to heal the wounds of his friends.
Nag-alangan si Caroline, pero pinagaling niya pa rin ang mga ito.
“Siya ba ang bago mong lovelife, ka-jerjer?” tanong ni Kei kay Erno.
*Oh, please don’t say yes. Masasaktan lang ako ng husto.
“Hindi mo pwedeng kalimutan ng gano’n gano’n na lang ang ex mo!” sigaw ni Ashana, but the words were from Fille.
Napatingin si JR kay Ashana, pagkatapos ay kay Erno.
“You have no right to tell me what to do!” sigaw ni Erno.
#Wag kang makinig sa halimaw na ‘yan, Erno. It’s been two years since Fille’s disappearance.
Napatingin ng masama si Erno kay Lou. Muntik ng matawa si Lou.
Ikinuwentong muli ni Jessy sa lahat ang ginawang pagtulong ni Ashana sa kanya.
“Thank you for everything you’ve done for my girlfriend,” sabi ni Robin kay Ashana.
Nagpipigil lamang ng galit si Caroline habang tinititigan si Robin. She clenched her fist and bit her lips to control her temper. Napansin iyon ni Erno. Hinawakan ni Erno ang kamay niya.
“Matuto kang magpatawad, Trans. Isipin mong may mga pagkukulang ka rin,” bulong ni Erno kay Caroline.
Nagbulungan rin sina Kei at JR nang makita ang pagbulong ni Erno kay Caroline, pero wala naman talaga silang ibinubulong sa isa’t isa.
“Learn to forgive, my angel,” bulong ring sabi ni Caroline kay Erno. “Learn to forgive the Leaper’s killer.”
“I’m trying…” sagot ni Erno. “I’m trying really hard, but I just can’t…” Naramdaman niya na namang muli ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
“Tayo na sa headquarters. Iblindfold na natin ang halimaw na ‘yan! Itali rin natin ang mga kamay niya!” utos ni Erno sa mga kasama.
Nag-alangan si Kei sa iniutos nito, pero agad namang lumapit sa kanila si Robin. Wala na ring nagawa si Kei kundi ang tulungan si Robin na itali ang mga kamay ni Ashana sa likod. Nilagyan din ni Robin ng blindfold ang mga mata nito pero maluwag lang ang pagkakalagay niya niyon.
Nag-umpisang muli ang lesson. Inumpisahan ito sa pamamagitan ng pagpapagalaw ng anumang bagay gamit lamang ang kanilang mga mata.
Si Lou ang nauna. Pinagalaw niya ang panyong nakabuhol sa neckline ng suot na T-shirt ni Kei. Natanggal ang pagkabuhol nito.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...