E R N O
I looked at Caroline straight in the eyes. “You killed again! You killed my friend!” Niyakap niya ako at nagpalahaw siya ng iyak. Dinala niya ako sa harap ng isang circular screen.
Pinagsamantalahan siya ni Robin! Umiiyak siya habang pinanonood ang mga nangyari noon na napapanood namin sa circular screen.
“Nabuntis ako, Erno. At dahil ayoko sa batang ‘yon, ipinaabort ko ito. But it’s back! Kaya ipinangako ko sa kanya na papatayin ko ang walang kwenta nitong ama!”
“Dapat itigil na natin ang pagkikita,” marahang sabi ko sa kanya.
“No. Don’t do this to me, please.”
“That’s what I want!” I demanded.
“Please, Erno. Don’t walk away. Don’t leave me! Pagagalingin ko siya kung ‘yon ang gusto mo, basta wag ka lang lalayo sa akin…”
Dinala niya agad ako sa kinaroroonan ni Robin. Kinakain ng isang tiyanak ang katawan niya. Dinurog ko agad ang tiyanak nang mahawakan ko. Pinagaling ni Caroline si Robin.
Nagtago kami ni Caroline bago pa magmulat ng mga mata si Robin.
“Jessy! Jessy, nasaan ka?” sabi ni Robin. Naglakad siyang papalayo para hanapin si Jessy.
“Marry me, Erno,” sabi ni Caroline nang makalayo na si Robin sa amin.
Masakit isipin ang salitang ‘kasal’. Isang babae lang ang pumasok sa isip ko, si Fille.
“I don’t love,” I said.
“I said marry me, not love me,” Caroline corrected me.
“You have to do something for me first, and then I’ll think about it,” sabi ko sa kanya.
Nagulat siya sa narinig.
“Ano ang gusto mong gawin ko para sa ‘yo?” tanong ni Caroline.
“Join CMG. Help us kill the powerful evil.”
I could see the astonished look on her face.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...