II. NUMB
~Lou’s journal~
Binadtrip na naman ako ng Ashana na ‘yon. Napakabad girl talaga at walang magawang matino sa buhay niya. Lalong umiinit ang ulo ko sa tuwing gumagawa ng kalokohan ang Ashana na ‘yon.
Hindi naman ako bato. Aaminin kong grabe rin ang epekto sa akin ng pagkawala ni Fille. Akala ko ang makasal siya sa iba ang pinakamasakit na bagay na pwede kong maramdaman. Mas masakit pa pala ang tuluyan siyang mawala.
Nag lie low ng konti ang CMG after Fille’s disappearance. Ni hindi nga namin siya mahanap, pano naman kami makakatulong sa ibang tao?
I miss Fille. And after two excruciating years of searching for her and waiting in vain, I still miss her. I am still hurting.
I tried to momentarily push her out of my mind.
“Lou, ang galing ni Asha no? Napabagsak niya lahat ng gamit ni Sir Breen sa pamamagitan lang ng pagkanta. Baka may special ability rin ‘yon, ka-jerjer,” obserba ni Kei na siyang joker sa CMG Group.
“Oo nga naman, ka-jerjer. Pwede naman nating isali si Asha sa grupo eh. Thrill-seeker ‘yon,” second the motion pa ni JR.
“Wala akong pakialam sa babaeng ‘yon!” sabi ko sa kanila.
“Si Erno ba hindi mo kasama? Kawawa naman ‘yon. Emo na naman siguro ‘yon,” sabi ni Kei.
Namimiss ko ng marinig ang boses ni Fille sa isip ko. Namimiss ko na ang lahat sa kanya…
+May kailangan ka ba sa akin, Lou?
I heard Erno’s voice in my head. I looked up. Nakatayo siya sa harapan ko.
#Gano’n pa rin. Naghihintay ng anumang balita tungkol kay Fille.
+She’s dead.
I almost choked. “Don’t tell me a sick joke!” naisigaw ko, sa halip na sa isip ko lang.
“Hoy, ka-jerjer. Ikaw yata ang maysakit eh. Nagsasalita kang mag-isa…” natatawang sabi ni Kei.
#Erno, don’t tell me that! You’ve got to be kidding! Paanong mamamatay si Fille kung nandyan ka pa?
I felt so disoriented. Wag na wag kang iiyak, utos ko sa sarili ko dahil naramdaman ko na parang may karera ang mga luha ko at nag-uunahan na ang mga ito sa pagpatak.
+Patayin mo na ako, Lou.
#What? Nababaliw ka na ba?
+I wanna stop breathing.
Nagtapang-tapangan ako. Hindi ko sinabi kay Erno that I wanna stop breathing too. Life without Fille is just… lifeless.
#Don’t break down. Kailangan ka pa namin!
Then, I saw Erno passed out…
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ÜbernatürlichesSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...