XI. THE ATTACK
E R N O
I ran away from Caroline and the monster as soon as possible. I was glad to have my speed back. I’ve been hearing someone’s voice in my head. Normally, it was just Lou and Fille, pero kanina, there was another voice.
+Lou? Narinig mo ba ang boses ng isang babae kanina?
#It’s great that you’re talking to me again, ka-jerjer. Are you okay?
+Yup. Narinig mo ba ‘yon?
#Ka-jerjer nga muna kung talagang okay ka lang.
+What?
#Sabihin mo ka-jerjer.
+Ka-jerjer.
I heard Lou’s laugh in my head, but there was another laugh.
+Sino ‘yon?
#What do you mean? I’m hearing no one but you, man… Get some sleep. Tuturuan mo ulit kami bukas.
The voice might just be a hallucination from lack of sleep. Nagpunta ako sa boarding house ni Kei. Gulat na gulat siya nang makita ako.
“Ka-jerjer, ikaw lang? Nasaan ‘yong… halimaw?” tanong niya.
“Iniwan ko. Pinatigil ko, ka-jerjer,” sabi ko.
“Ano? Anong sabi mo?” tanong niya ulit.
“Ka-jerjer,” ulit ko. “A sign that I’m okay.”
“Ayos! Ka-jerjer ka na rin talaga,” sabi niya. “High fives! Oops…” Nag-V sign siya sa akin. It was our gesture for “Cute ako!”
“Pero, teka… ka-jerjer, baka makatakas ‘yon!” nag-aalalang sabi niya.
“Babalikan ko rin ‘yon mamaya. Makikitulog lang muna ako rito,” sabi ko.
“O, nilalagnat ka pala, ka-jerjer…”
“Wala ‘to,” sabi ko. Nahiga ako sa kama niya. Pumikit ako, at nakatulog…
Hindi pa man ako matagal na nakakatulog, nakarinig ako ng boses ng isang babae…
“Help me… I’ve been suffering for so long… Kill her… I want to rest.”
I woke up. Kei was nowhere to be seen.
“Inom ka na ng gamot, Erno,” nagulat ako nang mapagsino ang nagsalitang ‘yon. It was the monster. Paano itong nakarating sa boarding house ni Kei samantalang pinahinto ko iyon?
“Ilang beses ko namang sinabi sa ‘yo na Ashana ang pangalan ko, at hindi Anette. At saka ‘she’ ako, hindi ‘it’!”
“Halimaw!”
“Even Fille knows I didn’t kill her!” sabi niya.
“Don’t! Don’t mention her name! Wala kang karapatan!”
“Uminom ka na ng gamot sabi eh,” sabi niya. “Gusto mo pa ‘yong Care line mo ‘yong magpapainom sa ‘yo…”
“She’s just a friend!” I shouted. “Pero bakit ba ako nagpapaliwanag sa ‘yo, halimaw ka lang!”
Saka lumapit si Kei sa akin.
“Bakit, ka-jerjer?” tanong niya. Napatingin siya sa halimaw. “Yung halimaw!” natataranta niyang sabi. Kumuha siya ng crucifix at iniharap dito. “Sa ngalan ng Diyos, lumayo ka!”
“Uy, Kei, bago ba ‘yang kwintas mo? Arbor!” sagot nito.
“Ano, ka-jerjer, bugbugin ko na ‘to?” tanong ni Kei sa akin. “Masyadong KFC.”
Alam kong feeling close ang ibig sabihin ng FC, pero ano kaya ang meaning ng K sa KFC?
“Ito ha, Kei. Ipainom mo ‘tong gamot diyan sa supladong ‘yan,” sabi ng halimaw bago iyon lumabas.
“Ano ‘yong KFC, ka-jerjer?” tanong ko kay Kei.
“Kulang sa pansin, ano ka ba, ka-jerjer. Hindi mo pa alam ‘yon?”
Muntik na akong matawa. Hindi ko nasabi sa kanya na KSP ang kulang sa pansin, at hindi KFC. Ininom ko ang gamot na binigay ni Kei sa akin dahil masakit na talaga ang ulo ko.
---
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ÜbernatürlichesSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...