XIV. THE FLIGHT PLAN (Ashana)

683 14 1
                                    

XIV. THE FLIGHT PLAN

(-ASHANA-)

Erno took me to an empty classroom.  Hindi kami nag-uusap, hanggang sa basagin niya ang katahimikan.  “I’m sorry we couldn’t trust you yet,” he finally said.

“It’s okay.  Naintindihan ko naman kung bakit.  Ipinakita rin sa akin ni JR ang nakita niyo.  Kahit alam ko naman na hindi ako ang Anette na… pumatay sa kaibigan niyo, I can see why you hate me so much…” I told him sincerely.

“I don’t hate you, Ashana…” Erno said.  It felt so good to hear him say my name.

“I… I hope I could take the pain away from you,” I said, touching his face.

Agad niyang inalis ang kamay ko.

“I’m sorry,” agad kong nasabi.

“Do you really wanna do this?” Erno asked me.  “…be a part of this?  Delikado ‘to.”

-I know, but I wanna help you, nasabi ko na lang sa sarili.  Tumango ako.

“Okay.  Simula ngayon, magiging training partners tayo,” sabi ni Erno sa akin.  I smiled at him.

“Dito ka muna.  Babalikan kita,” pangako niya.  Agad siyang umalis.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya na kinakausap na niya ako.  Kahit na nakakulong pa rin ako sa isang room at nakatali, halos hindi ko naramdaman ang sakit.  Hinintay ko ang pagbabalik ni Erno.  Hatinggabi na, pero hindi pa rin siya bumabalik.  Nag-umpisa ng sumakit ang mga kamay kong nakagapos.

“Asha…” maya-maya pa ay narinig kong bulong ng kung sino.  Someone removed my blindfold.  It was JR.  Tinanggal niya rin ang mga tali sa kamay ko.

“Asha, let’s go.  Let’s leap together.  I know how to do it perfectly now.  I’ll take you anywhere,” masayang pahayag ni JR.

“Ano ka ba?  Baka mapa’no pa tayo!” tanggi ko.

“Nagpractice naman tayo ng leaping at healing kanina diba?  Okay lang ‘yon,” pamimilit niya.

Inutusan niya akong sumakay sa likod niya.  “Huwag kang matakot.  Ako’ng bahala sa’yo.”

“JR… baka mapahamak ka pa sa binabalak mong gawin.  Lalo lang silang magagalit sa akin,” protesta ko.

“Hindi na sila galit sa ‘yo, Asha.  Hindi mo ba napansin kanina?  Kinakausap ka na nina Jess at Robin?” sabi niya.  Magsasalita pa lang sana ako, pero pamuli siyang nagsalita.

“Kahit nga si Erno, kinakausap ka na niya.  Hindi magtatagal niyan, pagkakatiwalaan ka na rin nila.  Halika na.  Magbi-building to building tayo.”

Isinakay niya ako sa likuran niya.  Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumalon mula sa bintana ng classroom.  Then, we stopped in midair.

“Pakiramdam ko talaga si Fille ang kasama ko kapag kasama kita, Asha.  Kahit matagal na siyang patay, pakiramdam ko nabuhay siya ulit sa katauhan mo,” nasabi ni JR sa akin.  Gulat na gulat ako na marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya.  He didn’t have an idea how close he was to the truth.

“Bakit, JR?  Paano mo nasabi ‘yan?” I asked.

“Kasi ‘yung mga kilos mo, parang siya rin.  Pati ‘yung mga pang-aasar mo kay Lou, parang siya talaga.  Yung kagustuhan mong sumali sa CMG para makatulong, kay Fille ko lang nakita ang ganun.  Ganun yon si Fille eh, kahit hindi niya kakilala, tutulungan niya pa rin anumang oras.”

-See?  I told Fille.  And you think JR doesn’t care for you?

“Naniniwala ka ba na babalik pa si Fille balang araw?’ tanong ni Fille na sa bibig ko lumabas.

“Oo, naniniwala ako.  Bakit?  Alam mo ba kung paano siya ibabalik?” agad niyang itinanong sa akin.

*Oh JR!  He is such a sweet friend, I heard Fille said.

I shook my head to answer JR’s question.

“Okay lang ‘yon, Asha.  Halika na.  Humawak ka sa akin.  Tatalon tayo papunta sa mataas na building na ‘yon.  Nakikita mo ba ‘yon?  Hotel yata ‘yon eh.”

Hinawakan ni JR ang kamay ko.  Tumalon kami patungo sa isang building.  Pero nabitin ang talon namin.  Hindi namin narating ang tuktok.  We started falling  to the ground instead.

“Halt!  Halt!” nagpapanic na sigaw ni JR.  Hindi ako makapaniwala na mahuhulog ako mula sa napakataas na lugar.  Inisip kong mamamatay na ako.

“Halt!” muling sigaw ni JR but it didn’t stop us from falling.  Niyakap niya ako ng mahigpit habang pabagsak na kami.  Tinakpan niya ang likuran ng ulo ko gamit ang mga kamay niya.  Then, we hit the ground with an impact.

Hindi ako makapaniwalang hindi ako nasaktan mula sa pagkahulog.  Ngunit halos matuyo ang lalamunan ko nang makita ko ang labis na pagdurugo ng ulo ni JR.  Wala siyang malay.

“JR!  Oh my God! JR!” I said, shocked.  I almost fainted at the sight of so much blood gushing from his head.

-He’s dead!  Oh no!  He’s dead!

*Pagalingin mo siya.  Wag kang susuko.

My hand was shaking as I touched his head.

“A… a… ash… asha,” hirap na hirap na nasabi ni JR.

I felt relieved to hear his voice.

“Your head is bleeding!  Akala ko… akala ko may nangyari ng masama sa ‘yo.”

“I…iwan mo na ako dito, Asha.  I… I don’t want them to see you here with me.  I don’t want them to… blame you if I…”

“Hindi kita pwedeng iwan ng ganito,” naiiyak na sabi ko.

“I’ll be fine, Ash.  They will… heal me for sure.  Now go,” sabi niya.

I heard footsteps coming so I quickly went back inside the classroom where Erno had told me to wait.  I couldn’t stop crying. 

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon