XIV. THE FLIGHT PLAN (Lou)

643 11 0
                                    

~Lou’s journal~

Gulat na gulat ako nang makita ko ang duguan at walang malay na si JR.  Nagdurugo ang ulo niya.  How did he end up like that?  Sino ang may gawa nito sa kanya? Mga katanungang naglaro sa isip ko.  He needed help as soon as possible, kaya agad kong naisip si Erno.

#JR is badly hurt, mensaheng ipinarating ko kay Erno sa isip.

+What!  Try healing him.  Baka matagalan pa ako dito, ang sagot niya.

#Nasaan ka ba?

+I’ll tell you when I get back.

Sinubukan kong hawakan ang sugatang ulo ni JR, but as I touched it, I felt an impossible pain in my head.  The pain was like I hit my head falling from a very high place.  Tila mawawalan na rin ako ng malay sa sobrang sakit.  I tried to hold on, kahit sobrang sakit na talaga, but the pain in my head didn’t stop.  Naalis ko ng di sinasadya ang kamay ko.

Dumating ang iba pa naming kasamahan sa CMG.  Gulat na gulat rin sila nang makita ang kalagayan ni JR.

“Ano ang nangyari sa kanya?” agad na naitanong ni Kei.

“Hindi ko rin alam.  Ganyan na siya nang maabutan ko.   Hin… hindi ko mapagaling ang sugat niya.  Malala yata ang sugat niya sa ulo,” sagot ko.

“I’ll do it,” naiiyak na sabi ni Jessy.

“Don’t touch him!” si Caroline ang nagsalitang ‘yon.  “This guy is badly injured.  Only a true healer could heal him.  You could only help him by keeping his heart beating, pero kapag ginawa niyo ‘yon, unti-unti kayong mauubusan ng lakas.”

“Heal him, then,” matapang kong sabi.

“I’m not a healer by nature,” Caroline said.

“Si Erno!” sabay sabay na nasabi nina Jessy, Robin, at Kei.

“Erno is not a true healer either.  Natutunan lang din niya iyon.  Kailangan niyong mahanap ang tunay na healer bago tuluyang mamatay ang kaibigan niyo.”

It was painful and frustrating to hear it.  JR was dying and we couldn’t do anything to help him.

“I’ll do it.  I’ll keep his heart beating,” sabi ni Jessy.   Hinawakan niya ang nagdurugong ulo ni JR.  She excruciated in pain.  It was painful to watch her.  I couldn’t bear to see her that way.

“’Pag hindi mo na kaya, Jessy, ako na,” boluntaryo ni Kei.

I just can’t watch JR dying.  I need to find the true healer whatever it takes.  I left the scene with a mission in mind.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon