XV. HOPE
Madaling-araw nang maalimpungatan si JR. Pakiramdam niya kasi ay may pumipitik sa ilong niya. Iritado siyang bumangon. Sa sahig siya natulog katabi ng kamang hininigaan ni Ashana. Nakita niya kung sino ang pumipitik sa ilong niya. Si Kei pala.
“Ka-jerjer, gising ka na ba?” tanong ni Kei sa kanya.
Napilitang bumangon ang inaantok pang si JR.
“May ipaparewind ako sayo,” pangungulit na sambit ni Kei.
“Bukas na lang ka-jerjer. Inaantok pa ako,” reklamo ni JR.
“Ngayon na, bilis. Habang natutulog pa ang alaga mong halimaw…” bulong ni Kei.
“Hindi siya halimaw, ano ka ba naman,” pagkontra ni JR.
“Hindi talaga kita, ma-gets, ka-jerjer. Bakit ba nakikipagtropahan ka sa halimaw na ‘yon? Pinatay niya si Fille!”
“Hindi siya killer, ka-jerjer. Hindi mo ba nararamdaman si Fille kapag malapit sa ‘yo si Ashana?”
“Ang layo, ka-jerjer,” sabi ni Kei. “Hinding-hindi siya magiging si Fille.”
“Iniisip ko ngang hukayin uli ang mga buto ni Fille eh. Baka nagkamali lang ako ng proseso ng pagrerewind noon,” paliwanag ni JR.
“Sa tingin mo ba buhay pa si Fille?” nanlaki ang mga matang tanong ni Kei.
“Oo, ganun na nga. Kaya kailangan ko ring magresearch kung may tao ba talagang nagngangalang Ashana Lee. Ang weird kasi ng feeling eh. It’s like Fille is also Ashana. Remember how Mondael turned out to be Erno? Paano kung sina Fille at Ashana rin pala ay iisa?” tanong ni JR.
“Imposible ‘yon, ka-jerjer,” agad na pagkontra ni Kei. “Crush ko si Fille. Pero ‘yung halimaw na ‘yon, gusto kong i-crush. Durugin, ka-jerjer. Alam mo ‘yon?”
Tuluyan ng tumayo sa hinihigaan si JR. “Halika, ka-jerjer. Doon tayo sa boarding house mo. Doon ko irerewind kung ano man yang ipaparewind mo.
Sabay silang tumalon mula sa bintana. Narating nila ang boarding house ni JR. Agad na ipinakita ni Kei ang bagay na gusto niyang ipa-rewind. Isa itong lumang singsing.
“Ito, ka-jerjer. Napulot ko ‘to sa nasunog na village,” turan ni Kei habang hawak ang singsing. “Natatandaan mo pa ba ‘yung singsing na napulot mo rin doon? Parang ito yung ka-partner no’n.”
Inumpisahan na ni JR ang proseso ng pagrerewind. Hinawakan niya ang singsing habang nakahawak rin si Kei sa braso niya upang makita rin nito ang mairerewind niyang eksena. A scene from a very distant past was rewound.
1863- WEDDING OF THE YEAR: KARLISS BERANKIS & VERA KUSTOVA
Iyon ang mga katagang nakasulat sa isang lumang wedding invitation. Sa di-kalayuan ay makikita rin ang isang babaeng umiiyak. Pinapatahan ito ng inang nasa tabi lamang niya.
“Tama na, Cecilia. Makakalimutan mo rin siya,” sabi ng kanyang ina.
“Pero Mama, mahal na mahal ko siya. Paano niyang nagawang magtaksil sa akin? Minahal ko siya buong buhay ko. Magkasama kami sa paglaban sa kasamaan. Pero ang lahat ng ‘yon ay binalewala niya nang makilala niya ang Vera na ‘yon. Alam ko ang tunay na pagkatao ng babaeng ‘yon, Mama. Kabilang siya sa negative force. Pero kahit nang ipagtapat ko kay Karliss ang lihim na natuklasan ko, hindi niya ako pinaniwalaan. Nabuntis niya ang babaeng ‘yon! Pero hindi sila pwedeng ikasal, Mama, dahil kabilang sila sa magkalabang pwersa – ang positive at negative force.”
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...