XXXI. THE CHOICE
“Erno…” muling tawag ni Caroline nang hindi agad makita si Erno. Gulat na gulat siya nang ang sumunod na tumambad sa paningin niya ay ang duguang katawan ni Erno.
“Noooo!!!!” nagpapanic na sigaw niya. Hindi niya maintindihan kung sino ang may kagagawan niyon kay Erno.
“Huwag mo siyang iyakan, Transfigurator,” nagulat siya nang marinig ang boses ni Dominika. “He deserves to die like his worthless father!”
“Ano ang pinagsasabi mo? Hindi ako makakapayag na patayin mo siya!” sigaw ni Caroline.
“Haven’t you figured it out by now?” makahulugang tanong ni Dominika. Siya ang anak nina Karliss at Vera. Siya ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo!”
Nagulat si Caroline sa ipinagtapat ni Dominika. “Huwag! Huwag mo siyang patayin. Akala ko ba, mahal mo siya?”
“Minahal ko ang ama niyang si Karliss, pero ipinagpalit niya ako kay Vera! At ngayon, binigo akong muli ng anak niya! Ipinagpalit niya ako sa mahinang Leaper. Kaya kailangan niyang mamatay!”
Unti-unting kinakain ng mga uod ang katawan ni Erno. “Hindi ako makakapayag!” sigaw ni Caroline. Sinubukan niyang pahintuin ang oras ngunit hindi iyon nangyari. “Kailangan mo muna akong patayin bago mo siya tuluyang mapatay!”
Sinubukan ni Caroline na pagalingin ang mga sugat ni Erno ngunit hindi pa man niya ito matagal na nahahawakan ay nagkapira-piraso na ang mga kamay niya. Tumawa ng tumawa si Dominika. “You think you can win over me? Nagplano ka pang solohin si Erno?” Tawa pa rin ng tawa si Dominika. Nagkapira-piraso rin ang mga paa ni Caroline.
Lingid sa kaalaman ni Dominika, napagaling ni Caroline ang ilang sugat ni Erno bago niya napagpira-piraso ang mga kamay ni Caroline. Habang pinahihirapan ni Dominika si Caroline, unti-unti ng bumabangon si Erno. Gamit ang kakaunting lakas na naipon, nagawa niyang patigilin ang paggalaw ni Dominika.
Nagbalik ang galit sa puso niya nang maalala ang hirap na dinanas niya at ng mga mahal niya sa buhay sa kamay ng babaeng kaharap niya. Nagtatalo ang isip at puso niya kung anong klaseng pagpatay ang gagawin niya dito.
“Patayin mo na ako! Hirap na hirap na ako. Ang tagal ko ng nagdurusa.”
Napaatras si Erno nang marinig ang boses ni Dominika gayong nakahinto naman ito.
“Hindi ako masamang tao, Erno. Nasa loob niya ang kaluluwa ko. Pero ang kaharap mo ngayon ay hindi ako, Erno. Siya si Cecilia, ang babaeng nagmahal noon sa ama niyo. Pinatay niya ako noong bata pa lang ako, noong dadalaw sana ako sayo noon sa Emergency Room, but a soulsaver saved me and put me here. Hindi alam ni Cecilia na nandito pa rin ako, nananahimik lang, pero gusto ko na ng katahimikan, Erno, please kill her. Let me rest in peace, too.”
Lalong umigting ang galit ni Erno para kay Cecilia. Sinaksak niya ito at dahan-dahang inilabas ang puso. Habang hawak-hawak ang puso nito ay paulit-ulit niya iyong sinaksak.
“Para kay Dominika!” sigaw niyang nahabag sa kababata niya na matagal na palang nagdurusa sa loob ng Powerful Evil.” Sinaksak niya itong muli. “Para sa pamilya ko! At higit sa lahat, para kay Fille.”
Hindi pa rin siya nakuntento. Pinagsasaksak niya pa rin ang pusong hawak-hawak niya.
“Erno,” narinig niyang tawag ni Caroline, na nakahandusay sa sahig at wala ng mga kamay at paa.
“Traydor! Dapat lang sa ‘yo ang mamatay!” sigaw niya.
“Er…no… mina…hal kita ng sob…ra, kaya ko…nagawa ang lahat,” hirap na hirap na wika ni Caroline.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...