EPILOGUE
Pagkalipas ng maraming taon, naging isang pari si Lou. Gusto niyang matutunang mapatawad ang sarili niya dahil hinayaan niyang mamatay si JR sa harap niya. At higit sa lahat, alam niyang wala na siyang ibang babaeng mamahalin muli.
Naging miyembro ng bandang “The Kajerjers” sina Melo, Anjo, at Kei. Pumayag na rin si Jonathan, na nanatili ang kaluluwa sa loob ni Anjo na gamitin ang pangalang Anjo, dahil pinagsamang “Anjo” at “Jonathan” rin naman ang pangalang iyon. Sumikat sa buong mundo ang una nilang awitin, ang “Everything,” na siya ring awiting isinulat ni Erno para kay Fille.
Nang muling manganak si Fille, kambal na babae ito. Ashana ang ipinangalan nila sa isa. Nahirapan silang mag-isip ng pangalan para sa isa pa, bago nagdesisyon si Fille na pangalanan na lamang itong Caroline, bilang tanda na napatawad na nila ang Transfigurator…
Walang nakakaalam kung nasaan na at kung ano ang nangyari sa Copier na si Oliver…
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...