XIV. THE FLIGHT PLAN (ERNO)

712 14 0
                                    

E R N O

Habang naglalakad ako sa isang eskinita, nakakita ako ng isang lalaking kamukhang-kamukha ni Anjo.  Si Anjo ang Dissolver ng grupo.  Namatay siya nang maging tubig siya at inumin ng nagtraydor sa grupo na si Nastja.  I knew Nastja too well.  I protected her for so long.  She was one of my best friends.  Alam kong kung nabubuhay lang siya ngayon ay tiyak na pinagsisihan na niya ang nagawa niyang pagtratraydor sa grupo.  Nagawa lang naman niyang magtraydor dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Lou.

Love… it’s just so powerful.  It could either make or break a person.

Ipinagpatuloy ko ang pagsunod sa lalaki.  May kasama itong isang babae at pumasok sila sa isang restaurant.  Pumasok rin ako roon at naupo sa katabi nilang table.  Pinakinggan ko ang pag-uusap nila.

“You are so sweet, Anton,” I heard the girl say.  Anton pala ang pangalan ng lalaking kamukhang-kamukha ni Anjo.

“Siyempre naman, Vika.  Basta ikaw,” sagot ng binata.

“Let’s buy some drinks now,” sabi ni Vika.

“Okay.  Ano ang gusto mong inumin?” tanong ni Anton.

“Oh.  I’ve changed my mind.  I’ll be very busy tonight.  Bawal akong uminom.  I’ll just have water,” sagot ni Vika.  Tinawag niya ang waiter at nagpakuha ng malamig na tubig.  Napatingin ako sa mukha ni Anton.  There was an odd expression on his face.

“Let’s drink,” sabi ni Vika, nang dumating na ang tubig na hiningi niya sa waiter.

Something unexpected happen.  Hindi ko pinatigil ang oras o ang sinumang tao, pero lahat ng tao sa loob ng restaurant ay humintong parang naging mga estatwa, maliban sa balisang si Anton.  What?  He could stop the time, too?  Itinapon niya ang lamang tubig ng baso.

“Anjo…” pabulong na tawag ko.

Nagulat siya nang marinig ang boses ko at makitang hindi ako humintong parang estatwa.

“Si-sino ka?  Bakit hindi ka…?”

“Pinahinto mo ang oras?” maang na tanong ko.

“Freeze!” sigaw niya habang nakaturo pa sa akin.

“Anjo, ikaw ba ‘yan?  Naaalala mo pa ba ako?  Ako si Erno.”

“Bakit hindi ka tinatablan ng… at bakit mo ako tinatawag na Anjo?  Anton ang pangalan ko!”

“Bakit ka nag-alangang inumin ang isang baso ng tubig?  Dahil ba isa kang…Dissolver?” tanong ko.

“You can’t… possibly know that!” gulat na gulat na nasambit niya.

“Kagaya mo, I could also stop the time,” sabi ko.

“I can’t… stop the time!” tanggi niya.

“Huwag kang matakot.  I know you are a clockstopper.  It’s not only us who are born this way.  There are a lot of people like us.  In fact, you really look like Anjo who was also one of us.”

“Sorry, pero wala talaga akong kilalang Anjo.  Now leave me alone kung sino ka man.”  He tried to get away from me, so I had no other choice but to leave.

But as I was heading out of the restaurant, tinawag niya akong muli.  “Kumusta na si Enrico Banal?” tanong niya na ikinagulat ko.

“Enrico Banal?  Jonathan’s dad?” gulat kong tanong.

“Ah, oo.  Kaibigan ko siya.  Pero kalimutan mo na ang tanong ko.  At wag na wag mo na akong lalapitan ulit,” sabi niya.

#Erno, nasaan ka na ba?  Mamamatay na si JR.  Hindi namin mapagaling si JR.  He needs a true healer.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon