XXVIII. MARRIAGE AND DEATH
Nag-iisa si Erno at nanghihina na sa mga nangyayari. Trinaydor siya ni Caroline! At ngayon ay nilagay niya sa alanganin ang buhay ng mga kasama niya. Pinatay ang mga nakilala niyang magulang nang wala man lang siyang nagawa. Ginahasa at pinatay si Laura, ang nakilala niyang kapatid nang wala man lang siyang nagawa! Dinurog si Fille at hindi man lang niya ito nailigtas. At ngayon, ang mga kaibigan niya naman ang dinamay niya!
“Kasalanan ko ‘to! Kasalanan ko ang lahat ng ‘to!” sigaw niya.
“Erno, hindi kita trinaydor. Hindi ko kayo trinaydor,” sabi ni Caroline na noon lamang niya napansin na nakatayo na pala sa harapan niya.
“Lumayo ka! Lumayo ka bago pa kita mapatay!” sigaw niya dito. “Ikaw ba? Ikaw ba ang pumatay kay Fille?” Nanginginig ang boses niya habang nakatingin sa mga mata ni Caroline.
“Nakita ng Rewinder ang buong pangyayari diba? Hindi ako ang pumatay sa kanya,” naiiyak na tugon ni Caroline. “At ‘yong nakita mo kanina, hindi ko papatayin si Kei. Oo, sasaksakin ko siya ng patalim, pero dahil lang ‘yon naroon ang Assassin, nakikita niya ang pangyayari. Makikita niyang kakampi niyo ako. so I had to do that. Pero pagagalingin ko naman agad siya pagkatapos.”
“Talaga?” tanong ni Erno.
“Oo. Huwag kang panghinaan ng loob. Malapit mo na siyang makaharap. Malapit mo ng maibalik ang buhay ng Leaper,” tugon ni Caroline.
“I’m sorry,” sabi ni Erno. “Tama ka, kailangang magpakatatag.”
Hinawakan ni Caroline ang mukha ni Erno. Pero agad na inalis ni Erno ang kamay niya. “Kailangang mahanap na natin ang mga kasama natin.”
“Ligtas silang lahat,” sabi ni Caroline. “Magkakasama na sila at ikaw na lang ang hinihintay.”
Sumama si Erno kay Caroline hanggang sa marating nila ang isang kwarto na kumikinang pa mula sa labas.
“Pasok ka,” nakangiting sabi ni Caroline. Agad namang pumasok si Erno.
“Lou? Kei? JR?” tawag niya. Ngunit walang sumagot. “Ashana? Jessy? Robin?” tawag niyang muli. Namangha siya nang tuluyang makapasok sa silid. Tila isang simbahan iyon sa pagkakaayos. Punung-puno iyon ng mga bulaklak at may red carpet. Tila may ikakasal sa pagkakaayos ng silid. Hindi niya maunawaan ang mga nakikita hanggang sa mabasa niya ang mga katagang “ERNESTS GULBIS-CAROLINE WOZNIACKI” nuptials! Sino ang may sabing magpapakasal sila ni Caroline? Nang lingunin niya si Caroline ay nakangiti ito sa kanya. Huli na ng malaman niya ang katotohanan…
---
Naiwang nag-iisa si Anton, at hindi na niya malaman ang gagawin. “Paano na tayo ngayon? Kailangan nating mahanap ang iba pa nating mga kasama?” sabi ni Jonathan. “Hindi ko sila mahanap eh,” sagot ni Anton. “Takbo, sinusundan tayo ng isang anino!” Agad na tumakbo si Anton nang makita ito. Pero napakabilis ng anino at malapit na agad ito sa kanya. “Freeze!” sigaw niya. Huminto ang paggalaw ng anino. Napabuntung-hininga si Anton. “Muntikan na tayo do’n,” nasabi ni Jonathan. Nakita nila ang papalapit na si Erno.
“Nasaan ang iba pa?” tanong ni Anton. “Hanapin na natin sila.” Wala siyang kamalay-malay na ang kaharap niya na nagtataglay ng mukha ni Erno ay hindi talaga si Erno. Nakatago ang baril sa likuran nito. Nang papalapit na si Anton ay agad itong pinaputukan. Bumagsak sa lupa ang kaawa-awang si Anton.
Lumaban ka, pakiusap ng kaluluwa ni Jonathan. Ayoko pang mawala. Gusto kong malaman ang puno’t dulo ng lahat…
---
Samantala, napag-isa din si Lou sa gitna ng labanan. Hindi niya makita ang kahit na sino man sa mga kasama niya. Nag-aalala na siya para sa mga ito. Malakas ang kaba niya. Hanggang sa makita niya sina JR at Ashana na nakahandusay. Wala ng pulso ang mga ito. Hindi na rin tumitibok ang mga puso nila! Sinubukan niyang pagalingin si Ashana, ngunit hindi na niya ito mapagaling. Ganoon din ang ginawa niya kay JR. Pero hindi na rin ito mapagaling. Halos masiraan na ng bait si Lou. He can’t afford to lose both JR and Ashana. Ashana who has Fille’s soul inside her, at si JR na isa sa pinakamalakas na miyembro ng grupo!
“Hindi! Hindi pwedeng mangyari ‘to!” sigaw ni Lou. Hindi niya alam na papalapit na sa likuran niya si Caroline. Caroline Transfigured her blouse into a big log. At itinulak niya iyon pabaon sa katawan ni Lou. Bumaon ang kahoy sa katawan ni Lou, mula sa kanyang likuran hanggang sa tiyan. At bumagsak si Lou.
“Goodbye, Lou,” napangiting sabi ni Caroline. “Pero wag kang mag-alala, buhay pa sina Ashana at JR. Dahil ang mga bangkay na nakita mo ay ang Eye Controller at Multiplier!” Nagbalik sa totoong anyo ang dalawang bangkay bago niya ito tuluyang iwan para hanapin ang totoong Ashana at JR. Si JR na lang ang kailangan niyang patayin, at matatapos na ang misyon niya! At oo nga pala, ang Drawer na si Melo. Kailangan niya rin itong patayin. Patayin at siguraduhing wala ng soulsaver ang magliligtas muli sa kaluluwa nito. Nakahinto si Erno sa lugar na pagdarausan ng kasal nila. Hindi na ito makakatulong sa mga natitira pang miyembro…
---
“Lou!” tila nabuhayang sambit ni Ashana nang makita si Lou. “Akala ko… patay ka na.” Akmang yayakap na sana si Ashana kay Lou nang biglang sinakal nito ang leeg niya. Nakita ito ng mga kasama niyang sina Melo at JR. Bago pa sila makaisip ng hakbang para matulungan si Ashana, pinahinto agad sila ni Caroline na nagtataglay ng mukha ni Lou at siyang sumasakal kay Ashana.
“Mira Brailles, do the honor,” sabi ni Caroline sa boses ni Lou. Ang babaeng kausap niya ay ang babaeng nagtataglay ng kaluluwa ng Emotion Reader ngunit memory ng isang deadly assassin. Lumuwag ang pagkakasakal ni Caroline kay Ashana. Paulit-ulit nitong pinagsasaksak ang katawan ni Melo. Ganoon din ang kay JR.
“Nooo!” sigaw ng kaawa-awang si Ashana na walang magawa para makatulong. “Tama na!!! Sino ka? Hindi ka si Lou! Hindi traydor si Lou!” Itinigil ni Caroline ang pananakal at bumalik sa orihinal niyang anyo.
“Iniligtas kita, Anette, kapatid ko,” sabi ni Caroline. “Ikaw ang napili kong bridesmaid sa kasal ko.” Hinila niya ang kamay ni Ashana.
“Hindi ako si Anette! At hindi kita kapatid! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging kapatid mo!”
“Malalaman mo ang buong katotohanan kapag ibinalik na ng Memory Modifier ang tunay mong alaala. Matagal ng patay ang totoong Ashana Lee at hindi ikaw ‘yon! Namatay siya sa lung cancer. Pero ang alaala niya ang napiling ilagay sa ‘yo ng Memory Modifier. At pinakiusapan ko siyang gawin iyon para protektahan ka sa nagawa mong krimen! Dahil alam kong papatayin ka ng mga miyembro ng Positive Force kapag nalaman nila ang ginawa mo!”
“Hindi ako maniniwala sa isang katulad mo, traydor!” naiiyak na sigaw ni Ashana.
“Pinatay mo ang Leaper! Pinatay mo siya! Kinain mo ang mga laman niya! Sa tingin mo ba mamahalin ka pa nila o mapapatawad kapag nalaman nila ang totoo? Hindi na, Anette! Hindi na! Dudurugin ka din nila!”
Napapaiyak na si Ashana sa sinasabi nito. May alaalang biglang pumasok sa isipan niya ngunit ayaw niyang paniwalaan ‘yon.
*Ano ‘yon, Ashana? Ikaw si Anette!
-Hindi, Fille. Hindi!
*Ikaw si Anette! Pinatay mo ako! Sinira mo ang lahat. Ikaw si Anette! Ikaw si Anette! Ikaw si Anette!
-Hindiiiiiiiiiii!!!!! Napasigaw na si Ashana sa isip.
Narating na nila ang silid na pagdadausan ng pinaplanong kasal.
“Erno, my angel, nasaan ka?” tawag ni Caroline nang hindi makita si Erno sa mismong lugar na pinag-iwanan niya dito.
“Hindi ka pakakasalan ni Erno,” nanggaling iyon sa bibig ni Ashana ngunit si Fille ang nagsalitang iyon.
Natawa lamang ng malakas si Caroline at pumasok pang lalo sa silid. Hindi niya namalayang umalis na si Ashana na may ibang misyong ipinangako sa sarili bago pa mahuli ang lahat…
---
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...