XI. THE ATTACK (Ashana)

757 13 0
                                    

---

(-ASHANA-)

Naglalaba ako ng mga damit ni Erno nang bumalik siya sa apartment.  Agad niyang kinuha ang mga damit niya sa akin.  Pinagsabihan niya ako na wag kong galawin ang kahit anong pag-aari niya.  Tiningnan ko siya nang pumikit na siya at humiga sa sofa.

Umaga na iyon at excited akong sumama sa CMG sa nasunog na village.  Sabi kasi ni JR ay isasama raw niya ako.  Gusto kong makatulong sa kanila para hindi na nila ako pagdudahan.  Nararamdaman ko rin ang tuwa at excitement ni Fille habang nakatitig ako sa mukha ni Erno.

-Buti na lang at nakapikit na siya.  Kung hindi, siguradong sisigawan na naman niya ako.

*He’ll get over everything soon.  And you will see how selfless he is.  He’ll put everyone’s welfare above his own.

Narinig ko na ang pagbusina ng kotse mula sa labas.  Pumasok sa apartment sina JR at Jessy.

“It’s time to visit the burned village,” JR said.

Maya-maya pa ay naghahanda na kami patungo sa village.

“Jeremy, I’m warning you.  Pwedeng sumama ang halimaw na ‘yan sa village but not on our headquarters,” paalalang muli ni Jessy.

“Oo na.  Isang daang beses mo na ‘yang sinabi,” sagot ni JR.

“It should be blindfolded,” Erno said.

Maya-maya pa, dumating sina Robin, Kei, at Lou.

“You all should take the car and take it with you,” Erno said.  “Maglalakad na lang ako.”

So we traveled by car without Erno.  I could feel the tensed atmosphere around me habang nasa kotse kami.

“Nakatulog ka ba ng maayos, Asha?” tanong ni JR sa akin.

“Medyo.  Um… will Erno be okay?  Maglalakad lang siya diba?” The words were not mine but it came out of my mouth.

“He is Flash, remember?”  JR reminded me.  “Don’t worry about him.”

“Nilalagnat kasi siya kagabi,” sabi ko.

Naputol ang pag-uusap namin nang marating na namin ang village.  Lou led us to the entrance.  Naroroon na si Erno at naghihintay sa amin.

Inalalayan niya sa pagpasok si Jessy dahil lubak-lubak ang daan, pero ako hindi.  Aalalayan rin sana ako ni JR pero agad kong sinabi sa kanya na hindi ko kailangan ng pag-alalay.  But I tripped on my way to the entrance.  Pinagtawanan ako ng iba, habang tumatayo ako.

Napakadilim ng village.  Habang naglalakad, naramdaman kong nasa likod ko si JR.  Dahan-dahan akong naglakad.  Pero mabato talaga ang daan, kaya hirap na hirap talaga ako.

Nilagyan ako ni Lou ng blindfold.  “I’ll take care of it,” he told the group.  “Maghanap tayo ng kahit anong bagay sa loob ng village na ‘to.  Para pwedeng i-rewind ni JR.”

Marahas ang paghawak ni Lou sa kamay ko.  Wala siyang pakialam kahit magkasugat-sugat ako at madapa.

*Ganyan lang talaga ‘yan si Lou, pero masarap ‘yang magmahal.

Habang naglalakad kami ni Lou, tila gumagalaw ang paligid.  Parang lumilindol.  Nabitiwan ni Lou ang kamay ko, pero nagpatuloy sa paggalaw ang paligid ko.

“Help!  Help me!” I shouted.  Hilung-hilo na ako.

*Remove the blindfold.  I’m afraid we’ll die here.

Tinanggal ko ang blindfold at nagulat ako sa nakita ko.  Tila unti-unting gumuguho ang paligid.  Nagbabagsakan ang malalaking bato kung saan-saan.  Hindi ko na mahanap si Lou at ang iba pa.  Takbo lang ako ng takbo.  “Tulong!” sigaw ko.

Habang tumatakbo ako, natalisod ako sa katawan ng isang babaeng nakahandusay.  Dumudugo ang ulo nito.  I recognized the face of the woman.  It was Jessy!

Inalalayan ko siya sa pagtayo.  Pumunit ako ng kapiraso ng tela sa damit ko at ipinampunas sa sugat niya.

“Nasaan sila?” tanong ko sa kanya.

Umiling siya.  “Hindi ko alam.”

“Ano’ng nangyayari?” tanong ko sa kanya.

“Someone is manipulating all these!  Someone from the Negative Force,” she said.  “I need to find the others.”

“Tutulungan kita,” sabi ko.

Nag-alangan siya bago humawak sa kamay ko.  Naglakad kami at umiwas sa mga nagbabagsakang bato.  Tila gumuguho na ang buong paligid.  We really need to find the others as soon as possible.

*My friends… what happened to my friends?

I could hear Fille worrying.

-Huwag kang mag-alala.  Hahanapin natin sila.

Habang tumatakbo kami ni Jessy, biglang may lumipad papunta sa leeg niya na hindi namin malaman kung saan nanggaling.  It was a baby monster.  Kinakagat nito ang leeg niya and it was whispering: “Die! Die! Die!”

Hindi ako nag-alangan na hilahin iyon mula sa pagkakakapit sa leeg ni Jessy.  Napakabigat nito.  I used every strength I owned to pull it from Jessy’s neck.   Dumugo ang leeg ni Jessy.  She was clearly in pain.

Muling umatake ang tiyanak.  But I was ready for its attack.  Hinarangan ko si Jessy na siyang target nito.  Kinagat nito ang dibdib ko.  Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng dugo.

Kumuha si Jessy ng isang kahoy at ipinalo iyon sa ulo ng tiyanak.  Nabasag ang ulo nito sa lakas ng pagkakatama.

“Get up, Asha… come on, let’s run,” sabi ni Jessy.

Pinilit kong tumayo kahit napakasakit ng sugat ko sa dibdib.  Hindi kami makapaglakad ng maayos dahil pareho kaming sugatan.  I let her hold on to me for support.  Hindi pa rin tumigil ang mga naglalakihang bato sa pagbagsak.

“Robin!  Jeremy!” tawag ni Jessy.

Nanginginig ang boses niya habang tinatawag ang mga ito.  Maya-maya pa, nakita namin si Lou na paparating kasama sina Kei at JR.  Sugat-sugat rin sila pero mukha namang okay sila.

Niyakap ni JR si Jessy, pagkatapos ay agad niya akong nilapitan.  “Are you alright?” tanong niya.  Tumango ako.  Tinanggal niya ang suot niyang T-shirt at ginamit niya itong pampunas sa dugo ni Jessy sa leeg.

“Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ‘to, no?” akusa ni Kei sa akin.  Napatingin siya kay Lou.  “Akala ko ba, ka-jerjer, naka-blindfold ‘to?”

“Don’t.  Don’t blame her!  Tinulungan niya ako.  Kung hindi dahil sa kanya, patay na ako ngayon…” paliwanag ni Jessy.

“Hindi namin mahanap sina Erno at Robin,” sabi ni Lou.

*Oh no!  Erno is missing! I heard Fille worrying in my head.

“Nawawala si Robin?” hysterical na tanong ni Jessy.

“Maghanap kayo ng matataguan.  Ako na’ng maghahanap sa kanila,” sabi ni Lou.

“Lou, sasama ako!” Fille said through my mouth.  Tinitigan ako ni Lou ng masama, pagkatapos ay naglakad na siyang palayo.

“Palagi kong napapanaginipan ang tiyanak na ‘yon,” pagkukuwento ni Jessy habang nakatago na kami sa isang kubo.

Kumuha ng kutsilyo si JR mula sa bag niya.

“Papatayin ko ‘yon pag pumunta pa dito ang tiyanak na ‘yon!” galit na sabi niya.

“Bakit kaya tiyanak?  Sa dinami-dami ba naman ng magmumulto sa atin bakit tiyanak pa?” takang tanong ni Kei.

“Nakagat ang leeg ni Jessy, at ang dibdib ni Asha, kailangan natin si Erno.  Baka may lason ang kagat ng tiyanak na ‘yon!” pahayag ni JR.

“Sana mahanap na siya agad ni Lou,” sabi ni Kei.

It felt like the venom of the baby monster’s bite was slowly making me weak.  I felt so disoriented, so pale, so dizzy.  It felt like I was about to lose consciousness.

Erno… He needs to be fine… I hope Lou would find him in time…

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon