---
XXIX. THE FINAL MISSION
Nagtatakbo palabas ng silid si Ashana. Unti-unti ng nagbabalik sa kanya ang tunay niyang alaala. Ang sunog noong bata pa siya! Si Caroline ang batang na-trap sa sunog! Ang hindi niya natulungang kapatid! Paano nga kaya ito nakaligtas sa sunog? Ang naging kabataan niya kasama ang ina! Ang pagiging miyembro nito sa Negative Force! Siya nga si Aneta! Si Anette na walang awang pumatay kay Fille…
*Nakakatawang isipin na sa katawan mo pa ako isinilid ng soulsaver na nagligtas sa akin. Sana hindi na lang niya ako binuhay kung ilalagay lang din ako sa mamatay taong katulad mo!
-Patawarin mo ako, Fille!
*Wala ng kapatawaran ang ginawa mo. Pinatay mo ako at niloko mo silang lahat. Lalung lalo na si JR. Prinotektahan ka niya mula sa umpisa.
-Hindi ko alam ang totoo. Kung alam ko lang…
*Ngayong alam mo na wala kang ibang dapat gawin kundi ang magpakamatay! Magpakamatay ka na para matahimik na rin ako.
-Mali ka! Mali ka, Fille! Hahanapin ko sila, silang lahat. Pagagalingin ko sila. Hihingi ako ng tawad sa kanila. Mapapatawad nila ako.
Umiiyak na hinanap ni Ashana ang mga kasama. May pag-asa pa. Isa man siyang cannibal dati, siya man si Anette, pero tuluyan na niyang kakalimutan iyon. Hinding hindi siya papanig sa Negative Force kahit ano’ng mangyari. Una niyang nakita ang magkasintahang sina Jessy at Robin na parehong may tama ng bala at naliligo sa sarili nilang dugo.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaibang lakas mula sa mga kamay niya nang hawakan niya si Jessy. Si Jessy, ang kakambal ni JR na isa sa unang tumanggap sa kanya bilang miyembro ng CMG. Mapapatawad siya ni Jessy, tila nasisiguro niya. Unti-unting naglaho ang tama ng bala ni Jessy sa dibdib. Ngayon, si Robin naman ang dapat niyang pagalingin. Si Robin, ang Soul Talker, na isa sa may pinakabusilak na kalooban sa grupo. Maiintindihan siya nito.
*Hinding-hindi ka mapapatawad nina Jessy at Robin sa ginawa mo sa akin! Nakabibinging sigaw ni Fille sa isip niya.
Mabilis na naglaho ang tama ng bala nina Jessy at Robin. Hinintay na lamang niyang magkamalay ang dalawa.
“Asha…” unang nasabi ni Jessy nang makita siya. “Ano’ng nangyari?”
*Jessy, nandito ako. Si Fille ‘to. Huwag kayong magtiwala sa kanya. Kill her, Jess. Kill us both.
Pero hindi ito narinig ni Jessy. Hinintay niya ang sagot ni Ashana. Nagmulat na rin ng mga mata si Robin.
-Tumahimik ka, please. Hayaan mong maagpaliwanag ako sa kanila.
“Hindi ko alam,” sagot ni Ashana. “Nakita ko na lang kayong wala ng malay at may tama ng bala…”
“Pinagaling mo kami,” sabi ni Robin. Tumango siya.
*Pero pinatay mo ako! Pinatay mo ako, Anette! Sabihin mo na sa kanila ang totoo!
-Malapit na, Fille, malapit na…
Nangilid ang luha mula sa mga mata ni Ashana.
“Hanapin na natin ang iba pa,” suhestiyon ni Robin. At sama-sama silang naghanap. Si Kei ang una nilang nakita. Nakabitay ito at halos nangingitim na ang buong katawan.
Agad na pinutol ni Robin ang wire na ginamit sa pagbitay dito.
*Kei! Kei, please don’t be dead. Kailangan ka nila…
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...