V. THE LEAPER'S FATE (part three)

762 16 0
                                    

~Lou’s journal~

I heard Erno’s voice in my mind as my heart was suffering from an insurmountable pain.  I’ve seen how Fille had died.  It hurt me so much.  Kung pwede ko lang ibigay sa kanya ang buhay ko, gagawin ko…

Tumakbo ako, kahit hindi ko alam kung saan ako patutungo.  Fille’s memories came flashing back in my mind.  Seeing how she died almost made my heart stop breathing.  I loved her way too much.

Panahon na para maghiganti.  Papatayin ko siya!  Papatayin ko ang Ashana o Anette na ‘yon!  She almost made me fall in love again.

Tama si Erno.  Dapat siyang mamatay!  I ran as fast as I could, drove like crazy para lang maabutan ko ang halimaw na ‘yon.

Screw JR for trying to save her!  Didn’t he see the damage she had caused?

Narating ko ang ospital.  Pero hindi ako pinapasok sa ospital.  Hindi na raw tumatanggap ng bisita si Ashana Lee.

Damn her!  I’ll kill her!

Nagwala ako sa ospital.  Hanggang sa dalawang gwardiya na ang lumapit sa akin at posasan ako…

Hindi!  Hindi siya dapat makatakas!  Ang dapat sa kanya ay mamatay!

---

Hindi na mapakali si JR habang minamaneho ang kotse niya kasama ang agaw-buhay na si Ashana.  Itinakas niya kasi ito mula sa ospital.  He had no choice.  Alam niyang papatayin ito ni Erno dahil sa mga na-rewind niyang eksena.  Alam niyang hindi niya mapipigilan si Erno dahil hindi niya kayang pahintuin ang oras gaya nito.  Wala rin siyang kakaibang bilis kagaya ni Erno.

He could see death in Erno’s eyes.

Galit rin naman si JR sa negative force sa pagpatay nito kay Fille, pero malakas ang kutob niya ayon na rin sa nasaksihan niyang eksena, na hindi mamamatay-tao ang Ashana na agaw-buhay ospital.  Nang tawagin itong “Anette” sa halip na “Ashana”.  At may binanggit ang isang babae roon na “Memory Modifier.”

May sariling teorya si JR sa pangyayaring napagbalikan.  Iniisip niyang baka ginamit lang ng “Anette” na ‘yon ang katawan ni Ashana para sa pagsasagawa ng karumal-dumal na krimen.

Marahil ay naging biktima rin si Ashana ng negative force noon, kaya nasabi ni Ashana sa kanya noon na may naririnig itong boses.  Baka nalaman na ni Ashana ang nangyaring ‘yon, kaya tinangka nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana ng kwarto niya.

Napatingin muli si JR sa katawan ni Ashana na nasa backseat ng kotse niya.  Kinakabahan siyang baka tumigil na ang pagtibok ng puso nito.  Mabagal pa naman ang daloy ng trapiko.

“Kayanin mo, Asha.  Malapit na tayo,” pakiusap niya rito.  Isang babae ang biglang sumalubong sa kotse niya.  Pamilyar ang mukha ng babae dahil nakita niya na iyon sa eksenang na-rewind niya.  Muntik na niya itong masagasaan kung hindi lang siya nakapagpreno.

“I’m a healer,” sabi ng babae.

Wala ng sapat na oras para pagdudahan niya pa ang ipinahayag nito.  Mamamatay na si Ashana.

“Please… pagalingin mo siya,” pakiusap ni JR.  “Pagalingin mo ang kasama ko.”

“Okay,” tugon ng babae.

Nang bubuksan na ng babae ang backseat ng kotse, namataan na ni JR ang paparating na si Erno.

“Miss, bilis, pagalingin mo na siya,” nagpapanic na sabi ni JR.

Ngunit sa isang iglap ay naroroon na si Erno, malapit sa kinatatayuan ni Caroline.

Biglang huminto ang pag-ikot ng oras.  Hinawakan ni Caroline ang sugatang katawan ni Ashana, pagkatapos ay ang puso nito.

In an instant, Caroline knew that Ashana was already healed.  Saka pa lamang niya tiningnan ang nakahintong si Erno sa tabi niya.  Hinalikan niya si Erno.

“Don’t be so sad, my angel.  Don’t be like me.  Don’t kill no matter how hurt and angry you are.  Kalimutan mo na ang babaeng ‘yon.  I would be glad to marry you.  I love you, my angel.”

Dinala ni Caroline ang nakahintong si Erno sa apartment niya.  Then, she let the time move again…

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon