XVI. SPY AND MULTIPLY
(-ASHANA-)
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging mabait sa akin si Lou kinabukasan. He even sat beside me in class. Hindi ako makapagconcentrate sa klase dahil panay ang pasa niya sa akin ng mga maiikling sulat…
Kita tayo sa practice ng CMG later. -> Lou
Nang mabasa ko ang unang note na iyon na ipinasa niya sa akin, akala ko ay si JR lamang ang sumulat no’n at ginugoodtime lang ako. Ngunit nasundan pa ang note na iyon.
Wala man lng bang reply jan? -> Lou :)
I glanced at him and I saw him smirking. I decided to write a note too.
Excited na akong makulong sa isng bakanteng classroom ng nakablindfold at nakagapos. – it.
Tiningnan niya ako nang mabasa niya ang sagot ko, pagkatapos ay muli siyang sumulat sa isang papel at iniabot iyon sa akin.
I won’t let anybody hurt you this time. I will make sure you will join our practices. -> Lou :)
Ano ba ang nakain mo ngayon? – it.
Stop calling yourself “it”. Hindi ka nga kagandahan, pero pwede ka pa rin namang matawag na tao. Haha!
Sa inis, pinunit ko ang nang-aasar niyang sulat. Napalingon ako sa likuran ng kinauupuan ko dahil bigla kong naisip alamin kung saan umupo si JR. Nakita ko siyang nakaupo sa pinakadulong row kausap si Ericka. Nang mapatingin siya sa direksyon ko, sumaludo siya sa akin. I also gave him a salute. Napatingin rin ako sa iba ko pang mga kaklase. Kanya-kanyang trip ang lahat. Sinusubuan ni Jessy ng pagkain si Robin. Natutulog naman si Kei. Napatingin rin ako kay Erno. To my amazement, napatingin rin siya sa akin. I felt my cheeks turn pink. Thankfully, the bell rang.
---
Itinigil ni Vika ang kotse sa isang lumang gusali. Lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan siya ng boyfriend niyang si Anton, dahil naghihinala itong meron siyang kung anong bagay na pinagkakaabalahan. Matapos maipark ang kotse, pumasok na si Vika sa isang lumang building. Anton was just trailing behind her.
“Bakit ngayon ka lang?” salubong na tanong ng isang babaeng nakaupo sa silya sa kadarating pa lamang na si Vika.
“Kasama ko kasi ang boyfriend ko kanina,” agad na paliwanag ni Vika. Hindi na muli pang nagtanong ang babae. Ngunit ilang saglit pa lang ang nakalilipas, binasag na nito ang katahimikan.
“Wala pa ang Transfigurator,” pabulong na nawika nito. “Siya ang dahilan kaya ipinatawag ko kayo ngayon.” Tiningnan nito ang bawat isa sa mga taong nasa lugar na iyon.
Hindi maunawaan ni Anton kung ano ang ibig sabihin ng tinutukoy nitong Transfigurator.
“Nararamdaman ko na magtataksil siya sa atin,” pahayag ng babae.
“So, you think kailangan kong imodify ang memory niya?” tanong ni Vika.
Everything Anton was hearing didn’t make any sense to him, pero ipinagpatuloy niya ang pakikinig.
“Hindi siya magtataksil,” sabat naman ng lalaki. “Siya ang espiya natin para malaman natin ang lahat ng paghahandang ginagawa ng positive force para talunin tayo.”
“Have you found the soulsaver yet?” tanong ni Vika sa babaeng tila lider ng grupo.
“Not yet,” tugon ng babae. “But don’t worry, the Multiplier and the Emotion Reader’s souls are safe. Sandali nga… I think someone is eavesdropping in our conversation.”
Kinabahan si Anton nang marinig ang huling sinabi nito. Narinig niya ring iniutos na ng babae ang paghahanap sa taong nakikinig sa usapan nila. How did they know about his presence?
Naghanap na ang mga miyembro ng negative force pero wala silang nakitang tao maliban sa kanila. Nagtaka lamang sila kung bakit basa ang sahig kahit wala namang isa mang nagdala ng tubig sa kanila.
---
Aliw na aliw si JR sa magic trick ni Ericka. Ang pisong hawak nito ay nagagawa nitong paramihin. Matamang pinagmasdan ni JR ang bawat galaw ng mga kamay ni Ericka. Hinuhuli niya kung paano nito nagagawang paramihin ang pisong hawak.
“Miss ko na si Fille,” biglang nasabi ni Ericka. “Siguro nagbago ang isip niya sa pagpapakasal kaya siya nagtago. Sana magtext ulit siya sa akin.”
“Kailan ba siya huling nagtext sayo?” tanong ni JR.
“Matagal na, bago pa ang nakatakdang araw ng kasal niya,” sagot ni Ericka.
“Ka-jerjer, halika na,” biglang singit ni Kei sa pag-uusap ng dalawa. “Meeting.”
Sumenyas si JR kay Kei na susunod na siya. Nakaisip siya ng paraan para malaman kung paano ginagawa ni Ericka ang pagpaparami ng piso. Hinawakan niya ang pisong hawak ni Ericka upang irewind sana ito. Pero bigo siya dahil hindi niya nakita ang pandarayang halos natitiyak niyang ginagawa ni Ericka. He could only see the coin multiplying by itself in many pieces. He stared at Ericka in amazement. Was she a Multiplier?
“JR, sana makapunta ka naman sa gig ko mamayang gabi. Sana di ka busy,” sabi ni Ericka.
“O sige. Pupunta ako. Isasama ko si Asha,” sagot ni JR. Sumimangot si Ericka.
“Hmp! Diyan ka na nga!” sabi nito, sabay alis.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...