V. THE LEAPER'S FATE

773 16 0
                                    

V. THE LEAPER’S FATE

(-ASHANA-)

It was a long day for me.  Grabe ang pagod ko pag-uwi ko sa bahay, kaya after kong mag-ayos, dumiretso na agad ako sa kama ko.  Hindi pa man ako nakakapikit, nakarinig na ako ng kaluskos.  Alam kong may ibang tao maliban sa akin.  Hindi ko pinatay ang ilaw para makita kong mabuti ang paligid.  Sinubukan kong pumikit, pero may kung anong pangyayaring bigla na lang pumasok sa isip ko.  Hindi ito isang panaginip dahil alam kong gising na gising pa ako.  Nagkaroon ng isang sunog.  May isang batang na-trap sa loob ng bahay na nasusunog.  Iyak ng iyak ang bata.  Lumalaki na ang apoy…

“Mama, si Ate… si Ate…” iyak ng isa pang batang nasa labas ng bahay.

Inalis ko ang eksenang ‘yon sa utak ko.  Bumangon ako para hindi na ito ulit pumasok sa isipan ko.  Takut na takot ako.  Naupo na lang ako sa kama ko…

Pero hindi ko namalayang nakatulog pa rin pala ako kahit nakaupo.  Hanggang sa makarinig ako ng boses ng isang lalaki na kumakanta…

Find me here

and speak to me

I want to feel you

I need to hear you

You are the light

That's leading me

To the place

Where I find peace again

Tumayo ako, pero sigurado akong hindi ako ang nagkontrol sa sarili ko para tumayo.  Tumulo ang mga luha ko without really knowing why.  Nadadala ba ako sa kantang naririnig ko sa isip ko?

It was almost three a.m. pero binuksan ko ang bintana ng kwarto.

Ano ang nangyayari?  Bakit hindi ako ang nagkokontrol ng sarili kong katawan?

I miss you.  I heard a woman’s voice in my head.  Sino ang boses na iyon?

Tumahimik ka.  Gusto kong marinig ang boses na iyon, ang kanta…  narinig kong sabing muli ng boses ng babae sa isip ko.

Gusto kong sumigaw.  Hindi ko na alam kung alam kung ano ang nangyayari sa akin.

“Aaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!” sa wakas ay naisigaw ko.

Jump.  Jump from the window, I heard the voice again.  I jumped straight out of my rooom’s window.

---

Kinabukasan, gumimbal sa buong university ang balitang pagtatangkang magpakamatay ni Ashana Lee.  Tumalon siya mula sa kanyang silid.  Nagtamo siya ng multiple injuries sa katawan dahil dito.  Kritikal ang kondisyon niya sa kasalukuyan.

“Gosh!  Hindi ko naisip na magagawa ‘to ni Asha,” sabi ni Anci.

“Ako rin,” dugtong ni Anya.  “Napakamasayahin pa naman no’n.”

“May bagsak bang grade si Asha?” tanong ni JR sa dalawa.

“Sa pagkakaalam ko wala,” sagot ni Anci.

Hindi makapaniwala si Lou na nagawa iyon ni Ashana.  Bigla niyang naalala na healer din si Erno.  He could save Ashana’s life.

#Erno, kailangan kita.  Nasa panganiba ang buhay ni Ashana.

Medyo natagalan ang pagpunta ni Erno sa ospital.  Agad niyang sinubukang pagalingin ang mga sugat ni Ashana, pero walang nangyari nang hawakan niya ang mga sugat.

“Patay na ba siya?” nagtatakang tanong ni Kei.

“Hindi, ka-jerjer.  May pulso pa siya…” sabi ni JR matapos niyang pulsuhan si Ashana.

#Do something, Erno.  There’s still a weak pulse.  She can’t die, desperadong sabi ni Lou kay Erno sa isip.

+I can’t seem to do anything.  I feel so weak.

#But you healed me and the others before.  You need to do it now.

+I can’t.  I tried but I can’t.

Mahinang-mahina nga ang pakiramdam ni Erno dahil wala pa siyang tulog.  He spent the previous night just singing his song for Fille.  Hirap na hirap pa rin siyang tanggapin ang pagkamatay nito.

#The pain in your heart, Erno.  It’s making you weak.

“Ano’ng nangyayari, Erno?  Hindi mo na kayang magpagaling?” tanong ni Jessy.  Napatingin lang sa kanya si Erno, pero hindi ito sumagot.

“Nandito ka na nga ulit sa grupo, ka-jerjer, pero parang hindi kita maramdaman.  Parang wala ka pa rin,” sabi ni Kei.

“Hindi lang si Fille ang nangangailangan sa ‘yo,” dugtong pa ni Robin.

“Ka-jerjer, wag mo muna siyang isipin.  Magconcentrate ka muna sa kalagayan ni Asha.  Please, ka-jerjer.  Baka hindi na siya maisalba ng mga doktor.  Matindi ang mga injuries niya,” pakiusap ni JR.

“JR, gusto kong… ikuwento mo sa akin ang lahat ng nangyari kay Fille, kung pano siyang… namatay.  I have all her bones in my bag.  I want you to… rewind everything…” sabi ni Erno.

Tumango si JR.  Napatingin siya sa iba pang mga miyembro ng CMG.  Nagtungo silang lahat sa rooftop ng school.

---

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon