XIX: LOU’S SECRET TASK
~Lou’s journal~
Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo nang makasama kong muli si Fille. Kahit na nasa loob lang siya ng katawan ni Ashana, iyon pa rin ang pinakaunang intimate moment namin ng babaeng pinakamamahal ko na dati ay inakala kong hanggang pangarap na lang. Now, Fille is officially my girlfriend. And I don’t even care if people think Ashana is my girlfriend. Dahil alam ko naman sa puso ko na si Fille ang tunay na minamahal ko.
Habang natutulog si Ashana sa tabi ko, hindi ako makatulog. I wanted to find a way to bring Fille back, kahit na sinabi na niya sa akin na habambuhay na siyang mananatiling isang trapped na kaluluwa sa katawan ni Ashana. I didn’t want to give up. I will never give up. Not on Fille.
Nagsearch ako sa internet typing weird key words such as how to save a trapped soul, body with two souls, saving a trapped soul, hanggang sa may makita akong nakatawag-pansin sa akin. Isang net article ang nagpatotoo sa existence ng isang nilalang na tinatawag na ‘soulsaver.’ In fact, there were two recorded soulsavers, both last seen on 1863. They were named Margaret Villongco and Serena Robb. Ayon sa article, ang isang ‘soulsaver’ ay may kakayahan na magligtas ng kaluluwa ng kamamatay lang na tao, at pwede nila itong ilipat sa katawan ng isa pang tao. Sa ganoong paraan ay magiging dormant na ang kaluluwa ng taong pinaglagyan ng nailigtas na kaluluwa. Naguluhan ako sa bahaging iyon. Why on earth is Ashana’s soul not dormant if Fille’s soul was saved and placed in her head?
I realized I need a soulsaver to help me. Baka alam rin ng isang soulsaver kung paano muling bubuhayin ang isang kaluluwa. But how could I talk to a soulsaver if they were last seen on 1863?
Habang nagmumuni-muni ako sa higaan ko, narinig ko ang boses ni Erno sa isip ko. Ibinalita niya sa akin ang nakumpletong listahan sa nasunog na village. Sinabi niyang ang mga pangalang nasa listahan ay mga pangalan ng mga magulang namin. Sinabi niya rin ang naging konklusyon nila na baka raw ang listahang ito ay listahan ng mga taong may ekstraordinaryong kakayahan.
May basehan kaya ang isiping iyon? Ekstraordinaryo rin ang mga magulang namin? Ang dad ko ekstraordinaryo? Why did I never notice that? Kailangan kong makausap ang dad ko na kasalukuyang nasa ibang bansa. Pero aminin naman kaya niya sa akin ang pagiging ekstraordinaro niya? Maraming mga katanungan ang naglaro sa isip ko.
Pero pinili kong hindi ipaalam kay Erno ang mga natuklasan ko tungkol kay Fille. Gusto kong ako ang magligtas ng kaluluwa ni Fille. Umaasa ako na sana sa pagbabalik niya sa mundo, ako na ang piliin niya. Dahil gagawin ko ang lahat para sa kanya, para ako ang piliin niya, higit pa kaysa kay Erno. Hindi ko siya kayang kalimutan kahit kailan.
I keep wishing Fille would agree to marry me. I realized that was my lifelong ambition. Kapag napasaakin na siya, sisiguraduhin kong wala ng makakasakit sa kanya. I will take good care of her forever.
Habang iniisip ko kung saang lupalop ng mundo ko hahanapin ang isang soulsaver…
“Mama, si Ate… si Ate… masusunog si Ate…” sigaw ni Ashana habang natutulog. Agad ko siyang ginising.
“You’re dreaming… you’re dreaming again,” I said.
“Lou… natatakot ako,” napayakap na sabi niya sa akin.
“Magpahinga ka na,” mahinang sabi ko sa kanya. “Epekto lang ‘yan ng pagod.”
Napatitig siya sa akin, ngunit hindi nagsalita.
“Naririnig ako ni Fille diba?” I asked Ashana again.
“O-oo,” sabi niya.
“Fille?” garalgal ang tinig na pagtawag ko. “I already found a way to save you.”
Sandali siyang natahimik.
“Lou… mahal ko si Erno,” sabi niya.
It was enough to prick my heart. Pinanuyuan ako ng lalamunan sa narinig.
“Mahal ko si Erno, Lou. I know you are a good person, but I love Erno.”
Paalis na sana ako nang bigla siyang magsalitang muli.
“Si Ashana ‘to, Lou. Hindi ko alam kung mahal ko lang ba si Erno dahil naririto si Fille sa akin, pero mahal ko talaga siya.”
“Magpahinga ka na,” I ordered her. Wala naman akong pakialam kung mahal ni Ashana si Erno. Si Fille ang mahal ko. At nakahinga ako ng maluwang na kay Ashana nanggaling ang mga katagang iyon at hindi kay Fille.
Nahiga na si Ashana, at humiga ako sa tabi niya.
Habang gulung-gulo pa ang isip ko ay tumawag naman si Robin sa akin, dala ang isang kagimbal-gimbal na balita. Nagkaroon ng premonisyon si Jessy na tatlo mula sa positive force ang mamamatay sa laban…
---
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...