XX. THE RETURN (part 2)

687 12 0
                                    

“Ano ba!  Ano ba, nasasaktan ako.  Bitiwan mo nga ako pwede?  Sino ka ba?” naiinis na bulyaw ng isang babae habang hila-hila ito ng isang lalaking naka-shades.

Nang makarating sila sa isang sulok, saka lamang nagsalita ang lalaki.  Tinanggal nito ang suot na shades.

“Ako ‘to, si Melo.  Nakalimutan mo na ba ako?” tanong nito.

“Melo?  Wala akong kilalang Melo!” sigaw ng babae.

“Sam!  Alam kong nandiyan ka, Sam.  I’ll find a way to bring you back,” makahulugang sabi ng lalaki.

“Gwapo ka, Mister.  Pero hindi talaga kita kilala, sorry.”

“Melo ang pangalan ko, Miss.  At Sam ang pangalan ng babaeng hinahanap ko.”

“Sam?”

“Pamilyar ba ang pangalang ito sa ‘yo?  Naririnig mo ba ang boses niya sa isip mo?  Nakikita mo ba ng paulit-ulit ang nakaraan niya?”

“Paano mo…?”

“Paano ko nalaman?  Kasama kong namatay sa School of Excellence ang Sam na tinutukoy ko…” sagot ng lalaki.

“Melo!  Melo, tulungan mo ako, please.  I’m stuck in this stupid body with an ugly face,” biglang sabi ng babae.  “Paano mong…?”

“Na-maintain ang gwapo kong mukha?” natatawang sabi ng lalaki.

“Sige, magjoke ka pa at talagang sasabuyan ko ng asido ang pagmumukha mo,” inis na sabi ng babae.  “You know what I mean.  Bakit… paano nabuhay ang katawan mo?  Look at me, I’m stuck in this body.  At may ka-share pa, ‘kainis.”

“Kaya nga, sinabi ko sayo na mag-iisip tayo ng paraan para maibalik ang katawan mo…”

“Paano ka nakabalik?”

“Ako?  You wouldn’t wanna know, Sam.  Mas malala ang nangyari sa akin.  I was saved and put into the head of a woman.  Naisip mo ba kung gaano kahirap ‘yon?  Lalaki ako pero nasa katawan ng isang babae?  Nakita ng babaeng nagmamay-ari ng katawan ang nakaraan ko, ang lahat ng iniisip ko, at dahil dito naging magkaibigan kami.  Alam niya na ang tanging kahilingan ko lang ay makalabas sa katawan niya at makabalik sa katawan ko.”

“Pero… kung namatay ka sa School of Excellence, ang ibig sabihin nito, patay na ang katawan mo, paano kang nakabalik?”

“Minahal ako ng babaeng ‘yon, Sam, kaya naghanap siya ng paraan para muli akong makabalik sa mundo.  But she found out, it wasn’t gonna be easy…”

“Bakit?”

“She searched for my father.  Hanggang sa makita niya ito.  Ipinaliwanag niya sa Dad ko ang sitwasyon ko.  Sa una ay hindi ito pinaniwalaan ng Dad ko, pero kinausap ko siya.  Sinabi ko sa kanya ang mga bagay na kaming dalawa lang ang nakakaalam.  I told him how much I missed living with him, hanggang sa naniwala na siya na ako ang nasa loob ng katawan ng babaeng iyon.  He asked me how I could return.  Ang sabi ng babae, kakailanganin ng tulong ng soulsaver.  Sinabi ng Dad ko na makikipagtulungan siya para agad na mahanap ang tinatawag na soulsaver.”

“Nahanap niyo ba ang soulsaver?”

“Oo.  Pero, napakahirap ng kondisyon na ibinigay nito para makabalik ako.  Una, kailangang may isang tao ang handang mamatay para sa akin, ng walang pag-aalinlangan kahit konti…” halos naiiyak na ang lalaking nagsasalaysay.

“Pu... pumayag ang dad ko na mamatay, kapalit na buhay ko…”

Nagpunas rin ng luha ang babaeng nakikinig.

“Walang pag-aalinlangang pinatay siya ng soulsaver… hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya…”

“Melo, okay ka lang ba, baka kailangan mo ng panyo?”

Kinuha ito ng lalaki.  “Mas gentleman ka pa pala kaysa sa akin, Sam.”  Napangiti ito.  “Pero hindi lang iyon ang kailangan.  Kailangan ding mamatay ng babaeng pinagtaguan ng kaluluwa ko…”

“And she was willing to die for you?”

Tumango si Melo.  “Sabi niya patapon na rin naman daw ang buhay niya.  At ayaw niyang sayangin ang buhay na binigay ng Dad ko para sa akin… so the soulsaver killed her, and here I am now.”

“Sira ka ba?” pagalit na sabi ng babae.  “Akala mo ba handa akong mamatay para lang sa kaluluwang nanggugulo rito sa katawan ko?”

“Don’t worry, miss…”

“Don’t worry?  You’ll kill me to save this Sam and you don’t want me to worry?”

“Miss…”

“And besides, who would be willing to die for this annoying girl?”

“Alam ko.  Kaya nga iisip tayo ng ibang paraan eh.  Pero sa ngayon, kailangan mong magtago.  Alam kong hinahanap siya ng Negative Force para isali sa kanila.”

“Melo… hindi ako sasali.  Lalabanan ko sila,” tanggi ng babae.

“I know, Sam.  I know.”

“How sweet!” sabi ng isang babaeng kanina pa pala nagkukubli at nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

“Sino siya?” natatakot na tanong ng babae.

“I’m the transfigurator and I will kill you now,” natatawang banta nito.

“Run!” sigaw ng babae kay Melo. Ngunit siya rin ang muling nagsalita ng: “Don’t leave me!  I don’t wanna die in here.”

Nag-drawing ng apoy si Melo, at naging tootong apoy ito papunta sa nagbantang babae, but she just transfigured it into a knife and aimed it straight at Melo.  Papunta sana ito sa puso niya, pero nasapo niya ito ng braso niya, kaya’t doon ito bumaon.  He dropped on the floor excruciating in pain.

“Nooo!!!” sigaw ng babaeng kasama niya.  “You can’t do that!   Take this!”

Pinagalaw niya sa pamamagitan lamang ng mga mata ang punyal patungo sa mukha ng Transfigurator, at agad itong sumugat.

“Whew!  Nakita mo ba ‘yon, Melo?  Ang galing ko!” natutuwang sabi ng babae.

Ngunit hindi napansin ng babae ang napakaraming mga punyal na patungo sa direksyong kinatatayuan niya.  Bigla na lamang itong bumaon sa kaniyang likod.  Duguan siyang bumagsak.

Agad itong nilapitan ng Transfigurator.

“We could use your ability, girl.  You’ll be joining the Negative Force shortly.”  Binuhat niya ang duguang katawan nito, at nagsimulang lumakad palayo.  Ilang hakbang pa lamang ay napahinto siyang tila may naalala.  Binalikan niya ang lalaking nakahandusay na nakita niyang nag-drawing ng apoy na nagkatotoo, ngunit wala na ito roon…

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon